(Warning: SPG) Chapter Fifty SANYA DAHIL sa inis ko kanina ay padabog akong sumunod kay Sally ngunit hindi ko napansin ang lalaking nakatayo sa harap ko kaya nagkabanggaan kami. Napasubsob tuloy ako sa sahig at napaupo naman ang payat na lalaki. Napalingon sa direksiyon ko si Mon maging ang kasama niyang magandang babae sa mesa. Hindi ko na napansin pa ang paghaplos ng lapastangang lalaking iyon sa aking hita dahil abala ako sa paninitig kay Mon na mukhang sasabog na sa inis. Mabilis niyang kinain ang aming pagitan at napahiyaw ako nang ginawaran niya ng isang malakas na sapak ang lalaki. Pagkatapos no'n ay hinila niya ako at nasasaktan na rin ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa aking kamay. Sinubukan kong pigilan siya ngunit hindi siya nakikinig sa akin. Nang nakalabas na kami

