Chapter Thirty Eight MON HINDI ko mapigilang mapatitig sa babaeng nakaupo sa damuhan habang ang paa niya'y nakalublob sa tubig. Napaka ganda niyang pagmasdan. Baliw na kung baliw ngunit bawat bagay na tungkol siya kanya ay kinahuhumalingan ko. Lumangoy ako sa gitnang bahagi ng talon at sobrang sarap sa pakiramdam ang bawat patak ng tubig na tumatama sa aking katawan. Maingay ngunit pinupuno naman nito ng katahimikan ang katauhan ko. Maya maya pa ay napansin kong kanina pa ako pinagmamasdan ng magandang dilag na hindi marunong lumangoy at nakaupo lang sa gilid. Lumangoy ako pailalim. Nang malapit na akong maubusan ng hangin ay mabilis akong lumangoy patungo sa kinaroroonan niya. Nakangiti kong pinagmamasdan ang paa niya mula sa ilalim ng tubig at napansin kong bumaba siya at paling

