Chapter Thirty Nine Sanya NAKABALIK na kami sa kubo na para bang walang nangyaring mukbang sa puno ng mangga kanina. "Namumula 'yang labi mo sis ah," mahihimigan ang pang aasar sa akin ni ate Rose. Mukha lang siyang masungit ngunit mabait pala. "Natural na mapula 'yan," nakangising sagot ni Mon sa kanyang kapatid. "At ikaw naman bunso, iba 'yang ngiti mo ah," natawa pa ito. Buti na lang at abala ang iba naming kasama. Kung narito ang mga iyon ay siguradong kami na naman ang centro ng tuksuhan at kantyawan. Natawa na lang din ako sa asaran ng dalawang magkapatid. Matapos ang dalawang oras ay inayos na namin ang mga gamit na iuuwi at nagpulot naman ng kalat ang iba. Pauwi na kami at ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Paano ba naman kasi, bago kami umuwi ay tinuruan pa ako ni Mon

