Chapter Forty SANYA HINDI na nakatulog pa si Mon dahil ang sabi niya'y mas gusto niya akong kausapin. "Teka, mahal, bakit hindi ka bumyahe? Off mo ba ngayon?" tanong ko. "Hindi mahal ngunit nasabihan ko naman si Boy na hindi ako makaka-byahe dahil umuwi nga ang mga kapatid ko," sagot niya. "Anong year ka na pala sa susunod na taon mahal?" tuloy ko sa year level niya sa college. "Sa alin?" "Sa college," "Second year," "Wow, kaunti na lang mahal. Mabilis lang ang panahon," "Sana nga makayanan mahal," "Kaya mo yan! Ikaw pa," Napangiti siya. Naabot ng ngiting iyon ang kanyang mga mata kung saan makikita ang kasiyahan. Hindi ko na mahanap kung nasaan ang kalungkutang nakita ko noon sa mga ito. "Kaya mahal kita eh, ikaw lang nakakagawa sa akin ng ganito," Mahina akong tumawa at hi

