Chapter Forty Two SANYA NARINIG kong kumatok si Sally mula sa labas ng pinto ko ngunit hindi ako nagsalita. Marahil ay tapos na siyang kumain. Mabuti pa siya, nakakakain kahit na may nagawang mali. May mga tao palang gano'n, iyong hindi tinutubuan ng konsensiya sa katawan at tila ba walang pagsisisi sa ginawa nilang mali. Muling narinig ko ang katok mula sa pinto ko at dahil sa inis ay bumangon ako saka padabog na binuksan iyon. "Ano?" sigaw ko ngunit natigilan ako nang makita kung sino ang nasa harap ko ngayon. "Anong ginagawa mo rito?" nahihimigan ko rin ang lamig sa sariling boses. "Mahal…" wika niya saka ako niyakap nang napaka higpit. Sinusubukan ko pa ring kontrolin ang sariling emosyon. "Huwag mo akong tawagin niyan, wala na tayo," mariing saad ko habang pinipilit na itulak

