Chapter Thirty Two MON SA wakas ay nakabili na rin ako ng sarili kong motor. Malaki laki na rin ang ipon ko dahil wala naman akong ibang pinagkakagastusan bukod sa pang araw araw namin ni nanay. Mabuti na lang at nakinig siya sa aking limitahan na lang ang pagtanggap niya ng mga labahin dahil ayaw niyang tumigil. Kasabay ng pagbili ko ng simpleng motorsiklo ay naisipan kong dalawin si tatay sapagkat isang buwan na rin ang nakalilipas simula noong huli namin siyang dinalaw ni nanay. Nakaupo na kami ngayon ni Sanya habang hinihintay si tatay. Sa bawat sulok ay may nakabantay na pulis at mangilan-ngilan lang ang dumalaw ngayon. Nang makita ko si tatay na papalapit sa amin ay muling napuno ng hinanakit ang dibdib ko. Ang tatay ko… kaawa-awang tingnan ang itsura niya ngayon. Kung sana

