Chapter Thirty Three SANYA "TEKA lang mahal!" natatawang saad ko dahil sa mabilis niyang pag atake sa akin ng halik. Ngunit ang damuho ay hindi tumigil at patuloy lang sa pagsibasib sa aking labi. "Uhmmm, amoy…" "Pawis…" hindi ko matapos tapos ang aking sasabihin dahil uhaw na uhaw ang baby damuho ko. "…ako," Tumigil siya saglit at nagsalita, "wala akong pakielam. Masarap ka pa rin," Shet, nauto na naman ako. MATAPOS ang mainit naming halikan ay lumayo ako sa kanya. Ang bango niya at amoy fresh na prutas. Samantalang ako ay amoy alikabok at pawis na pawis pa. Kumunot ang noo niya dahil napansin niya yatang dumistansya ako sa kanya. "Bakit ka lumayo?" Masarap panoorin ang paggalaw ng kanyang labing basa at namumula pa dahil sa mukbang na aming ginawa kani-kanina lang. "Ang baho

