Chapter Thirty Four SANYA NATAWA si Mon sa tanong ng bata at akmang sasagutin na niya ang tanong kung paano raw gumawa ng baby, ako na ang sumagot dahil may kutob akong sasabihin niya talaga iyong term na make love. "Ah, ano kasi, Princess, ahmm," hindi ko rin alam kung anong isasagot sa bata. "Basta't sa kama ginagawa ang baby na katulad mo, Princess," sagot ng damuho kaya tinampal ko ang braso niya. "Ano pong ginagawa sa kama tito?" muling tanong ng bata. "Bunso hah, baka kung ano ano ang ituturo mo diyan kay Princess," saway ng kapatid ni Mon. "Hindi naman masama iyon ate eh. Katotohanan iyon," depensa pa ni Mon. Naku, naku, hindi magandang iwan ang bata sa lalaking ito. Kinausap ko ngayon si Princess. Sinusuklay nito ang buhok ng kanyang manika. Nagpaalam naman ang tatlong

