Chapter Thirty Five SANYA "MAG ALMUSAL na muna tayo bago tayo pumunta ," ani Aling Sabel. Teka, oo nga pala, alas otso pa lang siguro ng umaga at hindi ako nag almusal paalis sa bahay kanina. Hinila na ako ni Mon kaya nagpatianod na rin ako papunta sa kusina. Ang pinagtataka ko ay kung nasaan ang mga asawa ng mga kapatid ni Mon. At nasagot ang tanong ko nang marinig ko ang papalapit na yabag at tawanan ng mga kalalakihan. "Nariyan na sila," ani ate Rhea saka tumayo. Tumulong na rin ako sa paghahain. Limang lalaki ang pumasok sa bahay at may kanya kanyang hawak ang mga ito at nilapag ang mga iyon sa mesa. "Bakit ang tagal niyo, mahal? Kaninang alas syete pa kayo pumunta sa bayan ah?" si ate Rose. Natawa ang isang lalaki, "Tumingin pa sa ibang chicks yan." "Sira ulo, masyado kong

