Chapter Thirty Six SANYA NAKAHANDA na ang mga gamit na dadalhin namin sa Monteverde falls. Na-e-excite ako dahil doon namin unang pinagsaluhan ni Mon ang matamis na labi ng bawat isa. Nagbihis na rin ako gamit ang one piece swimsuit na bigay ni ate Rhea saka ko sinuot ang loose t-shirt ni Mon at ang kanyang jersey shorts. Tinupi ko ang skirt at t-shirt ko saka iyon pinatong sa aparador ni Mon. Isusuot ko lang din iyon pauwi sa bahay pagkatapos ng picnic. Sumakay na kami sa itim na van at hindi ko alam kung sino sa mga magkakapatid ang may-ari nito. Hindi ko ma-tantiya kung ilang oras o minuto ang byahe patungo sa Monteverde falls. Pumasok kami sa makipot na daanan patungo sa waterfalls. Kung noon ay halos hindi kasya ang four-wheeled na sasakyang katulad ng van, ngayon ay malinis

