Chapter Four

1948 Words
Chapter Four SANYA "OKAY ka lang?" nag aalalang tanong niya mula sa ibabaw ko dahil nakadagan siya sa akin. Actually, I love his weight on top of me. Sakto lang iyon. Goshhh, no way! Kung ano ano na naman ang naiisip ko. "Ahh..." hindi ko alam ang sasabihin. Maya maya pa ay bumangon na siya at inalalayan akong tumayo. Tila ba wala ring pakialam ang ibang estudyante na ngayon ay abala na sa pagkain. May iilang nakatingin sa amin. Nakita ko pa ang gulat na reaksyon ni Cindy. "Nako! Ang dumi na ng uniporme mo, sorry," saad ng kaharap ko at nagulat ako sa susunod niyang ginawa. Mabilis niyang hinubad ang kanyang puting t-shirt at pinunasan ang bandang dibdib ko, kung saan natapunan ng ulam na hawak niya kanina. "Anong ginagawa mo? Tang…ina," bulalas ko. Pakiramdam ko ay pulang pula na ngayon ang mukha ko dahil sa inis at kahihiyan. Natigilan din siya sa pagpupunas ng uniporme ko nang mapagtanto ang kanyang ginawa. "So-sorry-" Bago pa ako humiling na lamunin na ako ng lupa, tumakbo na ako sa banyo. Inis kong tiningnan mula sa salamin ang damit kong natapunan ng pagkain at nag flashback na naman sa aking isipan sa nangyari kanina. Nakakahiya. Oo nga't nakadamit ako ngunit nahawakan niya pa rin ang boobs ko sa simpleng pagdampi ng kamay niya sa uniporme ko. Maya-maya pa ay kumatok si Aling Lucing. "Ayos ka lang ba hija?" nag aalalang tanong niya. "Opo Aling Lucing," sagot ko na lang dahil nahihiya ako sa abalang dulot ko. "Osiya, may extra ka namang damit dito. Kukunin ko lang nang makapagbihis ka na," aniya. Mabuti na lang talaga at nag-iiwan ako ng extrang damit dito. Kung hindi ay baka hindi na ako maka-attend sa klase ko mamayang 2 o'clock to 5 pm. Tinanggal ko ang suot kong white uniform maging ang sando ko kaya naka b*a na lang ako. Maya maya pa ay may kumatok, kaya dali dali ko iyong binuksan sa pag aakalang si Aling Lucing iyon. Ngunit, ikamamatay ko yata ang pag aakalang iyon dahil bumungad sa akin si Mon-mon. "Sh*t!" mabilis kong pinag ekis ang mga braso ko sa aking dibdib. Gusto ko siyang sipain nang makitang tila ba naestatwa siya sa harap ko at deretso sa aking dibdib ang kaniyang paningin. "Ramon! Punyeta, bakit narito ka?" kako sa mabilis na sinara ang pinto. "Grabe, Sanya. Laki rin pala niyan…" narinig ko bulalas niya mula sa labas ng pinto. "Pwede bang mag sorry ka na lang? Manyak! Dios ko, Ramon! Ikaw pa lang… ikaw pa lang nakakita nito!" frustrated na wika ko. Narinig ko ang mag halakhak niya. Hindi iyon nang aasar. Pakiramdam ko ay ang lapit niya sa akin. "Maswerte ako kung gano'n," sagot niya. "Oo, dahil m******s ka, Ramon Malaya," talak ko. "Sorry na lab. Hindi ko naman alam na naka handa ka na pa lang chupain kita. Ikaw ah, type mo rin pala ako," "Pwede ba Ramon? Umalis ka na lang!" sigaw ko. Feel ko ay tumataas ang blood pressure ko sa lalaking ito. Maya maya pa ay kumatok muli ito. "Bwisit ka Mon-mon! Isusumbong na kita kay Aling Lucing. Kainis kang manyak ka!" inis na wika ko. "Hija? May problema ba? Ako ito," ani Aling Lucing. Binuksan ko ang pinto at yumuko. "Naku, sorry po. Akala ko kasi…" Natawa lang siya saka nagsalita, "Isuot mo na iyang t-shirt, hija. Hindi ba't may klase ka pa mamaya? Paano na yan?" "Ayos lang naman po itong shirt. Sana ay hindi mapagalitan," sagot ko at nagpaaalam na siya umalis. Nagbihis na ako at pagkalabas ko sa pinto ng banyo ay nakita ko na naman si Mon-mon. Parang kabute ito na pasulput-sulpot kung saan-saan. "Naka damit ka na pala," aniya at napansin ko ang hawak niyang puting t-shirt. Kulay pula ang suot kong damit kaya sigurado akong mahahalata ng professor ko mamaya na hindi ko suot ang pang-itaas na uniporme ko. Good idea. Hihiramin ko na lang muna. Tutal puti naman iyon. Pero shacks, baka sabihin na naman niyang gumagawa lang ako ng rason para maisuot ang damit niya. Napansin kong inipit niya ang damit na iyon sa pantalon nito sa bandang likod niya. "Akin na yang damit," Ngumisi siya. "Ayan na naman yang ngisi mong nakakabwisit eh," ako. Ngayon naman ay humalakhak siya. "Kainis na halakhak yan. Inaasar mo na naman ako, Ramon. Pwede ba? Ayaw ko na makipag asaran sa'yo. Tapos na ako. Kailangan ko lang talaga yang white shirt mo dahil baka mapagalitan ako kapag napansin ng professor ko itong pulang damit ko," "Heto na," inabot niya sa akin ang damit kaya kinuha ko iyon. "Alam ko namang gustong-gusto mong amuyin eh," dagdag niya. "Huwag kang mag ilusyon. Di kita bet," "Kasi bet na bet mo ako? Gano'n ba?" Hindi ko na lang sinagot iyon. Nakakasawa na sagutin ang mga paratang niya. "Wala ka naman sigurong putok no?" kako saka tinaas ang hawak ko damit. Ang lambot ng tela at infyernes hah, I can already smell his manly scent. Pero kailangan kong itago ang pagkamangha ko dahil sigurado akong aasarin na naman niya ako. "Oh bakit ka nakangiti diyan?" pansin ko kasi na nakangising aso na naman siya. "Wala ma'am," depensa niya ngunit kung alam ko lang ang takbo ng isipan niya, I am pretty sure he's teasing me again. Hindi na muna ako nagpalit ng shirt dahil tutulong pa ako sa pagliligpit ng mga kubyertos. Bumalik ako sa mesa namin ni Cindy para iligpit ang pinagkainan namin. May mga kasama pa kami ni Aling Lucing na tumulong din sa karinderya. Sila na ang naghuhugas ng mga plato at tumutulong na rin sa pagligpit ng mga pinagkainan ng mga customer. Nagsialisan na rin ang ilang mga estudyante. Mag-a ala una na kasi kaya nagsibalikan na sa school ang iba. Mamayang 2:30 pm pa ang klase namin ni Cindy kaya tutulong muna ako dito sa karinderya. Nagpalit na rin ako ng white shirt dahil tapos na ang trabaho. Nagtungo na ako sa mesa kung nasaan si Cindy at sumalampak sa upuan. "Okay lang naman pala yang suot mo girl. Hindi yan mahahalata ng prof natin mamaya. Trust me," aniya. Napalingon ako sa likod ko dahil kinalabit ako ng kung sinong nilalang diyan. Ngunit pag lingon ko ay si Mon-mon na naman iyon. Hindi ko siya napansin kanina kaya akala ko ay bumyahe na sila. Kinunot ko ang noo ko, "Bakit?" "Ba-byahe na kami maya maya lang," "So? Bakit mo sinasabi sa akin yan? Wala akong pake," Narinig ko ang pagtikhim ni Cindy ngunit hindi ko siya pinansin. "Wala, baka lang interesado ka," kumindat pa! Tinulak ko siya dahil masyado siyang malapit sa akin samantalang tila naaaliw pa siya sa ginagawa ko pagtaboy sa kanya. Bago pa man siya makaalis ay bumulong siya sa akin, "Bagay na bagay sa'yo yang damit ko." "Epal. Alis!" Kumaripas na ito ng takbo habang tawang-tawa si Cindy. "Grabe ka naman beshy. Ang harsh mo sa kanya," "Hayaan mo siya," hindi ko maitago ang ngiti sa labi ko. "Yieee, ikaw hah, may napupusuan ka na," "Gaga, never. As in never ever," "Deny pa, beshy. Tingnan mo, lalong nagugustuhan mo na siya habang nagkukunwari ka," aniya at umiling na lang ako. Nagpaalam na kami kay Aling Lucing dahil alas dos na pala ng tanghali. Pagkarating namin sa Monteverde University ay may dalawampung minuto pa kami para magpahinga ni Cindy. MABILIS lumipas ang oras at uwian na naman. Tiningnan ko ang sarili sa maliit kong salamin sa bag at halatang pagod at stressed ako. "Beshy, hindi ka man lang ba mag-a apply ng lipstick at pulbo sa mukha mo? Sis, you really looked stressed. Ikaw rin, baka lapitan ka ni Mon," nasanay na ako sa pang-aasar niya. Katulad ko ay medyo payat din ito. Iyon nga lang, mas payat siya at maputi. Nilingon ko siya, "Tigilan mo nga kaka 'Mon-mon' mo diyan beshy. Di ko talaga siya bet. At saka bawal pa akong mag-jowa, remember?" Hindi na sana ako mag aayos ngunit mukha talaga akong stressed. Ang hirap naman kasi ng lesson namin. And I really have to work on my requirements and study hard kasi nakasalalay doon ang scholarship ko. "Okay, okay," nakangiting aniya at sabay na kaming lumabas. Nag-text si Sanya. Ang sabi niya ay sumabay na siya sa kaniyang kaibigan pauwi kaya malamang malapit na sa bahay iyon. Swerte niya lang talaga kung hindi makita nila mama ang naghatid sa kanya, kung hindi ay sermon na naman ang aabuti niya. Nagsilabasan na rin ang mga estudyante at kanya-kanyang sakay na ito sa mga tricycle. Nakatayo kami ni Cindy sa gilid ng gate. Maya-maya pa ay napukaw nag atensiyon namin sa pagmamasid ng mga sasakyan nang huminto si Joey sa harap namin. Maangas siyang bumaba sa motor. Kumikinang din ang hikaw niya sa kanang tenga sa tuwing matatamaan ito ng sinag ng araw. Napansin kong ngumunguya pa ito ng bubblegum. Mukha talaga siyang gangster. Napaka bossy niya talagang tingnan. Lumapit siya sa akin at nagtataka ko siyang binalingan. "Diba may usapan tayo?" nakangiti pa siya. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanya at bakit masama na ang tingin sa akin ng ilang kababaihan. "Anong usapan?" "Makakalimutan ka talaga," "Ano nga?" Bago ko pa marinig ang sagot niya ay narinig ko na ang ugong ng bus. Tumambad din sa pinto ng bus ang macho at gwapitong si Mon-mon. "Ano na Sanya?" rinig ko pang tanong ni Joey ngunit napukaw ang atensiyon ko sa kanya. Mabilis na dumapo sa akin ang malalim na tingin ni Mon kaya umiwas ako. "Ahh- ano?" muling tanong ko kay Joey. "Umagree ka kaninang umaga na ihahatid kita, 'di ba?" "Hah?" Mula sa gilid ng mata ko ay pansin kong sumakay na ang ilang estudyante. Ngunit nailang ako nang mapansin ang paninitig sa akin ni Mon. Tila ba hinihintay nitong sumakay ako sa bus. "Ahhh, ano…" hindi ko alam kung sasama ba ako kay Joey o sasakay na lang sa bus. Nakakatakot ang paninitig ni Mon habang si Joey naman ay nakangiti pa. "Ehemm, mauuna na ako beshy. Ang haba ng hair mo. Ikaw na talaga," natatawang bulong niya sa akin saka nagtungo na rin sa kanilang sasakyan. Tila mas lumiit ang espasyo sa aming tatlo at ramdam ko rin ang pamumuo ng pawis sa aking noo. Ano ba naman ito, bakit tila naiipit ako sa sitwasyon na 'to? MON PAGKATAPOS ng byahe namin sa San Gabriel ay nagsibabaan na ang mga pasaherong taga Centro, Monteverde. Kagaya ng dati, umikot ang bus at pumarada sa harap ng Monteverde University. Sumakay na ang ilang estudyante ngunit naagaw ni Sanya ang atensiyon ko. Nasa harap niya ang nakauniporme ring lalaki. Mukha itong adik. May hikaw pa sa tenga ang mokong. Paano na lang kung bilugin nito si Sanya at sa huli ay gaguhin lang niya? Pucha, hindi iyon pwede. Kaya naman hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Bakit kasi hindi na lang niya iwasan ang tukmol na yan? Kung siguro ay nag aaral lang din ako, uunahan ko na yang lalaking iyan. Maswerte lang siya dahil halata namang may kaya ito. Bahagya akong nanliit sa sarili. Pinilig ko ang ulo ko dahil sa naisip kong iyon. "TOl, may sasakay pa ba?" Rinig kong saad ni Boy ngunit hindi ko siya sinagot. Nakatingin lang ako sa dalawa. Lumingon siya sa akin at muling bumaling sa kausap nito. Pucha, nginitian pa niya. Akala ko ay magpapaalam na siya dito ngunit akala ko lang pala iyon. Sumakay na siya sa motor habang ako ay masamang nakatingin sa kanilang likuran. End of chapter 4.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD