Chapter Five

1736 Words
Chapter Five SANYA "TARA na?" si Joey. Nilingon ko si Mon. Hindi ko alam kung bakit natatakot ako mula sa matatalim niyang tingin sa amin ni Joey. Ano naman kaya sanang pakielam niya. Gosh. Naiilang ako dahil naalala ko na naman ang awkward moment na nangyari kaninang tanghali. Nahihiya ako. Siya pa lang ang walang hiyang nilalang nakahawak sa boobs ko. Though aksidente lang iyon pero nakakainis talaga. Bumaling ako kay Joey saka ngumiti, "Tara na." One way to escape from Mon's dark gaze. Patagilid akong umupo sa motor ni Joey. Pinipilit kong ilayo ang katawan ko sa kanya dahil hindi talaga ako komportable. "Sanya, maaari ba kitang sunduin muli bukas?" rinig kong tanong niya. Nakatingin siya sa akin mula sa kanyang side mirror. Umiling ako. "No, magagalit si mama at papa. Sinabi ko naman sa'yo na ayaw pa nilang magpaligaw kami 'di ba?" "Hindi yan. Dalhin mo ako sa inyo nang makilala nila ang gwapong manliligaw ng anak nila," preskong saad niya. "Bawal nga, 'di ba?" inis na wika ko. Natawa lang ito. Napaka tigas talaga ng bungo niya. Nakakainis pa. Parang si Mon-mon lang. BUMABA ako ilang metro mula sa bahay. Mahirap na, baka makita siya nila mama at baka mapagalitan pa ako. "Thank you," wika ko nang hindi nakatingin sa kanya. "You're welcome, beautiful," aniya. Kinilabutan ako. I really am not comfortable around him. Okay pa kay Mon eh. Wait, kanina ko pa kino compare ang dalawa. Maya maya pa ay napahawak ako sa aking dibdib nang bumusina mula sa likuran ang bus. "Leche naman!" naiinis kong nilingon iyon at muli na namang nagtagpo ang mga mata namin ni Mon. "Tang 'na! Gago!" bulyaw ni Joey at akma pa itong susugod kaya pinigilan ko siya. "Tama na, Joey. It's okay. Umuwi ka na," pakiusap ko. Mabagal ang takbo ng bus ngunit nakasunod sa amin ang tingin ni Mon. Gusto ko siyang hampasin ng takong ng sapatos ko ngunit ang mga tingin niya sa akin ay tila ba nakagawa ako ng kasalanan. Ilang sandali pa ay umalis na si Joey habang ako naman ay naglakad na lang. Malapit naman na ang bahay. Hindi pa ako nakakarating sa tapat ng bahay ay nakita ko si Mon-mon na nakatayo doon. Sa bawat hakbang ko papalapit sa kanya ay siyang pagbilis ng t***k ng puso ko. Shett, why do I even feel this? Nasa tapat na niya ako ngunit umiwas ako ng tingin at tila ba hindi ko siya napansin. Lalo ko siyang iniwasan nang mapansing nasa talipapa si mama at may ilang ale na bumibili ng gulay. Nakatatlong habkang pa lang ako papalayo sa kanya nang marinig ko ang pagtikhim niya. "Ehem," Nilingon ko ito. "May problema ba?" ako. Nakatitig lang siya sa akin. Hindi naman ako ice cream pero natutunaw ako sa mga titig niyang iyon. Pinaghalong hot and cold, gosh. Inayos ko ang tindig ko. "Oh, bukas ko na ibalik itong shirt mo. Lalabhan ko pa," Tahimik lang siya. Nailang tuloy ako at hindi ko alam kung kaya ko bang panindigan ang pagsusungit sa kanya. Naiinis ako dahil wala akong nakuhang sagot mula rito. Mamewang ako, "So ano? Tutunganga ka na lang sa harap ko? Umuwi ka na. Baka kung ano pa ang isipin nila mama kapag nakita ka nila." "Tsk," Nilingon ko ang talipapa. Mabuti na lang busy si mama. "Sige na. Papasok na ako," Bago pa man ako makalayo ay nagsalita na siya. "Teka. May tatanungin lang ako," aniya. Ang kaninang mukhang tigreng awra nito ay napalitan ng isang maamong pusa. "Ano iyon?" "Ahh, nanliligaw ba iyon sa'yo?" "Hah?" "Tinatanong kita kung nanliligaw na iyong adik na yon sa'yo," "Oo," ako. "Ahh, okay," siya. "May tatanungin ka pa?" "Susunduin ka ba niya bukas?" sa pagkakataong ito ay hindi na maamo ang awra niya. Masungit ito. "Hindi. Tsaka self-proclaimed manliligaw ko iyon. Di ko naman gusto," hindi ko alam kung bakit obligado pa akong magpaliwanag. Tumango lang siya, "Aalis na ako." Mabilis niya akong tinalikuran. Pinanood ko lang ang likod niyang papalayo sa akin. Nasa apat na metro na ang layo namin sa isa't isa ngunit amoy ko pa ang natural na bango ng kanyang katawan. Nilapitan ko na rin ang talipapa saka nagmano kay mama. Naroon din ang kaibigan ni mama na si Aling Sabel kaya nagmano rin ako sa kanya. Nagpaalam na ang ginang at pagkatapos kong magbihis ay tinulungan ko si mama sa talipapa. Makalipas isang oras, alas sais na ng hapon. Ngunit namataan ko ang pitaka sa gitnang bahagi ng tray na natatakpan ng talbos ng kamote. "Nay, kanino kaya ito?" tinaas ko ang itim na pitaka. "Nako anak, kay Sabel iyan," si mama habang inaayos ang mga gulay. "Hala, ipunta ko na lang sa kanila ma. Ang kaso, di ko naman alam ang bahay nila," "Okay lang ba, nak?" "Opo ma, kawawa naman siya baka kailangan niya ito," kako naman. "O sige, basta't umuwi ka kaagad hija. Diyan sa kalsada, deretso ka lang diyan at kapag napansin mo ang isang tindahan, sa may kanto, lumiko ka lang at dumiretso ka hanggang sa makita mo ang karinderya. Sa tapat no'n ay ang bahay ni Sabel," Natawa ako, "Nako ma, kapag nawala ako, magdala ka ng rescue team sa gilid ng kalsada." "Loko kang bata ka. O siya, bilisan mo. Umuwi ka kaagad. Huwag kang magpaligaw sa kung sino sinong nakatambay diyan," dagdag niya pa. Sinimulan ko na ang paglalakad. Sinunod ko ang sinabi ni mama. Iyon nga lang, noong papasok na ako sa kanto ay namataan ko ang mga kalalakihang nag iinuman. Nilabas ko ang cellphone ko para kapag nadaanan ko ang grupong iyon ay hindi ako mailang. Kunwari ay may katext ako kaya abala ako sa pagkalikot ng cellphone ko. Rinig ko pa ang malakas na tawanan ng mga ito. Ngunit pinagsisisihan ko ang ginawa kong iyon nang matapilok ako. Nagsilingunan sa kinaroroonan ko ang mga kalalakihan. May isang lalaking tumayo. Malaki ang kanyang katawan at halatang kasado na. "Okay ka lang miss? Teka, tulungan na kita," malakas na aniya kaya lalo akong kinabahan. Mabilis akong tumayo saka pinagpag ang suot ko. Maya-maya pa ay napansin ko ang papalapit na pigura ng isang lalaki mula sa gilid ng aking mata. Kilalang-kilala ko ang tindig na iyon. "Tsk, tanga tanga kasi," aniya. "Alam mo, kung nilapitan mo lang ako para insultuhin, pwes, tama na. Oo na, nanalo ka na. Napahiya na ako sa harap ng mga goons na kaibigan mo," "Bakit ka ba napadpad rito? Ilang minuto na lang ay madilim na," banayad ang kanyang boses ngunit mahihimigan ang tampo rito. "Ano kasi, yung kaibigan ni mama, naiwan niya yung pitaka niya sa talipapa," "Pwede namang ipagpa bukas na lang yan. Tingnan mo yang tuhod mo, nagasgasan. Sa susunod ay magsuot ka na naman ulit ng maiksing shorts lalo na kung lalabas labas ka," sarcastic ang pagkakasabi niya rito. Hindi ko na lang siya pinansin at hinanap ko na lang ang bahay nila Aling Sabel. Sa bahay ko na rin lilinisin ang nagasgasan na tuhod ko. May kaunting dugo lang naman. Nakita ko na rin ag karinderya kaya nagtungo na ako sa tapat nitong bahay. Maliit lang ang bahay na gawa sa kahoy ngunit ang paligid nito ay buhay na buhay dahil sa mga halaman. Kung hindi lang siguro magtatakip-silim ay magpi-picture pa ako rito. Ang ganda. Napansin ko ang pagsunod sa akin ni Mon-mon. Nakapamulsa ito. "Ano na naman bang problema mo? Kaya ko na ang sarili ko. Tantanan mo na ako Mon-mon. Umuwi ka na lang," pagtataboy ko. "Pauwi na nga ako eh," aniya. "Pauwi? So gano'n? Ako ang uuwian mo? Dzuh, excuse me lang hah, hindi tayo at hinding hindi magiging tayo," nakapamewang pa ako habang nakaharap sa kanya. Nasilayan ko ang multong ngiti sa kanyang labi. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o hindi. Ngunit nawala ang confidence ko sa katawan nang lumabas si Aling Sabel saka nagsalita, "Oh anak, halos kaaalis mo lang ah?" "A-anak?" "Nako, ikaw pala hija. Bakit ka pala nagawi rito gayong gabi na?" Nilabas ko ang pitaka saka iyon inabot sa kanya, "Ito po kasi, nakalimutan niyo sa talipapa." "Nako, salamat hija. Pero sana ay bukas mo na lang binigay kasi delikado na oh. Hindi bale, itong bunso ko na lang mamaya ang maghahatid sa iyo," "Ahh, huwag na po. Malapit lang naman eh," ayaw kong makasama ang lalaking may mood swings na daig pa ako. "Tsk, ang arte. Ihahatid na kita mamaya, sa ayaw at gusto mo," ma autoridad ang kanyang boses. Bossy! Kainis. "Mabuti, hijo. Oo nga pala Sanya, ito si Ramon, ang bunso ko sa anim kong anak. Ang mga ate at kuya niya ay may kanya kanya ng asawa kaya kami na lang ang naiwan sa bahay," Nagkunwari na lang ako na ngayon ko lang siya nakilala. Pumasok na sa loob ang magaling na bunso ni Aling Sabel habang ako naman ay tumuloy na muna sa bahay nila dahil napansin din ng ginang ang gasgas sa tuhod ko. Hindi na rin ako nakatanggi. Nakailang missed calls na rin galing kay Sally ang hindi ko nasagot. Muling nag ring ang cellphone ko at si mama ang tumatawag. "Sanya! Nasaan ka na? Gabi na!" naghihisterya na naman si mama. "Ma, narito pa ako kila Aling Sabel, pauwi na rin ako," "Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yong bata ka. Labis mo kaming pinag alala ng tatay mo," "Relax ka lang ma, heto na pauwi na," kako saka nagpaalam na sa kabilang linya. Tumayo na rin ako at nagpaalam kay Aling Sabel. Bumaling ako kay Mon-mon na prenteng nakaupo sa simple nilang sofa na animo'y wala ng balak tuparin ang sinabi nito kanina na ihahatid ako sa bahay. "Anak, tumayo ka na diyan nang maihatid mo na itong si Sanya," ani ng kanyang ina. "Tsk, tinatamad na ako, nay," aniya. Gusto ko siyang hampasin pero nagtitimpi lang ako dahil narito ang nanay niya. "Anong tinatamad? Sige na hijo, baka hinahanap na siya sa kanila," Bago pa muling sumagot si Mon-mon na ayaw talaga akong ihatid ay nagpaalam na ako. "Ahh, Aling Sabel, huwag na po. Magpapasundo na lang po ako sa kaibigan kong taga rito rin sa inyo," ang totoo ang wala akong ibang kilala sa bandang lugar na ito maliban sa kanila. Mabuti nang ako na ang umiwas kaysa pilitin ang taong ayaw tuparin ang pangako nito. End of Chapter 5.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD