Chapter Nine

1907 Words
Chapter Nine SANYA "HINDI nga sabi eh. Ikaw Sally hah, bata ka pa. Marami ka pang kakaining bigas bago ka makipag harutan," pangaral ko sa kapatid ko. "Luhh, si ate, kanina pa ako sinasabihan, hindi ko naman inaano," siya. Natawa na lang din kami pareho. Binuksan niya ang radyo sa ibabaw ng lumang mesa. Ang sabi ay alas onse na. Kaya pala gano'n na kainit. Tamang-tama pala ang dating ko dahil lunch na. Siguro ay mamayang hapon na lang ako magtatanim ng mga gulay sa paligid ng kubo. May seedlings pa naman dito sa kubo. Sitaw at talong iyon. Perfect match yata iyon. Natawa na lang ako dahil sa naisip na hindi kanais-nais. Nagtungo na rin sila papa at Mon sa kubo. Marahil ay gutom na nga sila. Napatitig ako sa katawan ni Mon nang hubarin niya ang kanyang suot na Jacket. Putik putik ang kanyang kamay at paa ngunit hindi siya mukhang madungis at marumi. Bagkus, bagay na bagay sa kanya ang pagtulo ng pawis sa kanyang noo at katawan. Tila ba masarap iyon... Masarap punasan. "Oh Sanya, bakit naparito ka gayong sinabi mo kanina ay magre-review kayo ng kaibigan mo?" si papa. "Ahh, ano kasi pa. Maaga kaming natapos dahil busy rin si Cindy. Siguro ay bukas na lang po ako magre-review. Linggo naman po bukas," Hindi ko maiwasan ang pasimpleng pagbaling kay Mon ngunit mailap yata ngayon ang kanyang mga mata. Ang sungit niya sa akin ngayon. Samantalang noong mga nakaraang araw naman ay todo papansin siya sa akin. Ang choosy! Kainis siya. Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya eh. "Kung gano'n ay sino ang naghatid sa iyo pauwi?" si papa. "Ang kuya ni Cindy pa. Nahihiya naman ako pero ayaw naman nila akong payagan na magcommute pauwi," sagot ko. Napansin kong umasim ang mukha ni Mon na animo'y naumay sa huli kong sinabi. Ang arte niya. Pabebe pa. Tinulungan ko na lang si Sally na maghain ng kanin at ang niluto niyang pinakbet. Naglagay na rin ako ng mga kubyertos sa mesa habang sila Mon at papa ay naghugas ng kamay. Umupo na si Sally maging sila Mon at papa. Bumalik ako sa mesa habang hawak ang apat na baso. Nakaupo si tatay sa tabi ni Sally habang bakante naman ang upuan sa tabi ni Mon. Wala akong choice kundi umupo sa tabi niya. Well, gusto ko naman pero… pero naiinis ako sa hindi niya pagkibo sa akin. Naninibago ako. Sinimulan na naming kumain. Maya-maya pa ay nagsalita si Mon. "Sinong nagluto ng ulam?" "Ako, kuya. Bakit?" si Sally. "Masarap ka pala magluto," komento niya. Hindi ko maikakailang uminit nga ang ulo ko sa narinig. Nakikipaglandian ba siya sa kapatid ko? Parang kailan lang noong ako ang nilalandi niya. Nakita ko namang ngumiti si Sally, "Salamat kuya." "Masarap talagang magluto 'yang si Sally, Mon. Kasa-kasama siya ng mama niya sa kusina kapag nagluluto kaya natuto," isa pa itong si papa. Sorry naman daw hah? Wala akong talent sa pagluluto! Nakakainis. Masarap naman talaga ang luto ni Sally ngunit tila ba pumait ang panlasa ko. Bukas na bukas din ay sinisigurado kong pakikialaman ko ang kusina. Bahala na kung masunog ang bahay. "Ehem, marunong din naman akong magluto eh. Di ba pa? Paborito mo pa nga 'yong noodles na may egg eh," singit ko sa usapan. Biglang nabilaukan ang katabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ngayon ay naubo siya kaya kahit masama ang loob ko sa kanya ay kinuhanan ko siya ng tubig saka iyon binigay sa kanya. Natatawa naman si papa sa sinabi ko. "Ayos lang naman kung hindi ka pa marunong, Sanya. Alam naman naming wala sa pagluluto ng interes mo," "Hindi naman pa, sadyang busy lang po ako," Hindi na lang ako umimik habang kumakain. Hanggang sa matapos kami at nagtulungan kami ni Sanya sa pagliligpit ng mga kubyertos. Ilang sandali pa ay lumapit na si papa sa ilalim ng puno dahil naroon ang kanyang duyan. Si Sanya naman ay inaliw ang sarili sa pagse-selfie sa likod ng kubo dahil maganda ang background doon. Bulundukin at talaga namang sariwa. Kaming dalawa lang ni Mon ang naiwan sa kubo. Tahimik pa rin siya. Pinagmasdan ko siyang humiga sa pahabang upuan na gawa sa kawayan saka pinatong sa kanyang mukha ang kanyang sumbrero. Nagulat ako nang magsalita siya, "Mabuti nang takpan ko, kaysa matunaw ako pagkagising ko." "Wow, mahangin na nga dito, dinagdagan mo pa," "Kung gano'n ay huwag mo akong titigan," "Excuse me, hindi ah," Bumaling sa akin ang malamlam niyang mga mata. "Ramdam ko, Sanya," tila ba nagsayawan ang mga puro-paro sa aking tiyan dahil sa tamis ng pagkakasabi niya sa aking pangalan. Napaka sexy pa. How could I not fall? Boses pa lang iyon. So, yeah, I'm accepting the fact na talagang na fall na nga ako. Pero bawal. Ilang bwan na lang ay magtatapos na ako sa kursong BS Tourism kaya hangga't maaari ay umiwas na muna sa pag-ibig na yan. Natatakot din kasi ako na baka masira ang mga pangarap ko dahil sa isang lalaki. Pero ano nga ba ang ginagawa ko? Sinasabi ng isip ko na iwasan siya ngunit heto ako, patuloy na kinukuha ang kanyang atensiyon dahil lamang sa hindi niya pagkibo sa akin kanina. Am I just after the attention? Or maybe… maybe something deeper. Is it his heart? Dios ko, ayaw ko nang lumalim at bumilis pa ang bugso ng dibdib ko para sa isang lalaki. "Pst, napukaw ka na naman yata. Sino bang iniisip mo? Type mo ba iyong lalaking tumawag sa'yo ng 'baby damulag' kanina?" "Ano?" "Type mo ba iyong maputing higante na iyon?" "Anong pinagsasabi mo?" natawa ako dahil para sa akin ay sakto lang naman 'yong tangkad ni kuya Reese "Tsk," "FYI, hindi ko type si kuya Reese. Sadyang sweet lang siya," "Bakit ako? Hindi ba ako sweet sa'yo? Lagi nga kitang hatid-sundo eh," "Hatid-sundo mo mukha mo. Eh pampasaherong bus naman iyon eh!" Pareho kaming natawa. Sira ulo naman kasi siya. Nagpahinga na rin sila habang ako naman ay humiga sa isa pang upuan at nakatulog na rin. PAGGISING ko ay tanaw ko sila papa at Mon na nasa palayan na naman. Alas tres na pala ng hapon. Napahaba ang tulog ko. Hinanap ko si Sally at nakita ko siyang nagbubungkal doon sa bandang likod. Siguro ay magtatanim din siya ng kamote. Pagsapit ng alas singko ay bumalik na sa kubo sila papa at Mon. Umaandar na rin ang makina. Siguro ay maiiwan si papa para bantayan iyon. "Sa susunod na lang tayo mag abono, Mon. Pupunuin ko pa ito ng tubig," tukoy ni papa sa palayan. "Samahan ko na po kayo mamayang gabi," alok ni Mon. "O siya, umuwi na muna tayo," si papa. Kinuha na rin namin ang iba pang mga gamit. Nauna na sila papa at Sanya sa paglalakad. Bitbit ko ang dalawang kaldero habang si Mon ay bitbit din ang water jug. Nauna na siya ngunit nahuli ako dahil sinara ko pa ang tarangkahan sa kubo. Nagtataka akong naglakad palapit kay Mon dahil tumigil siya sa kinatatayuan at nakatingin siya sa akin. "Bakit?" tanong ko nang nasa malapit na ako mula sa kinatatayuan niya. "Ang bagal mo. Bilisan mo nga," "Heto na nga eh," Nang makalapit ako sa kanya ay tumigil din ako sa paglalakad dahil nakaharang siya sa maliit na daanan dito sa gitna ng palayan. "Lakad na, bilis," reklamo ko. Medyo malayo na rin kasi sila papa. "Mauna ka," saad niya at hindi na ako nagreklamo pa. Tumagilid siya at dumaan naman ako. Nagkaroon ng kaunting kiskisan kaya may spark. Medyo kinilig naman ako. Syempre, sign iyon ng pagiging gentleman niya. Tila ba pinoprotektahan niya lang ako. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang kalsada at ang side car na nasa ilalim ng puno. Pinaandar iyon ni papa ngunit nataranta kami nang bigla siyang napahiyaw. "Dios ko, umatake na naman yata ang arthritis ko," daing ni papa. Agad naman namin siyang dinaluhan. Binuhat siya ni Mon at maayos na pinaupo. "Ako na lang po ang mag drive," "Mabuti kung gano'n, hijo. Sobrang sakit ng katawan ko," Pumwesto na rin kami ni Sally sa magkabilang gilid ni papa upang alalayan siya. NAKARATING na kami sa bahay. Inasikaso naman ni mama si papa. Maya-maya pa ay tinawag niya si Mon. "Maaari bang ikaw na lang muna mamaya ang magbantay doon sa bukid, Ramon? Kahit hanggang alas nuwebe lang sana. Nakabukas pa naman iyong makina," "Ayos lang po sa akin, Mang Sandy," talagang nagpapa impress siya sa parents ko. "Maraming salamat, hijo. Hindi bale, sasamahan ka naman ni Sanya," "P-po?" nagulat lang ako. "Ayaw mo ba anak? Pasensya ka na, anak. Sobrang sakit kasi ng katawan ko. Samahan mo lang naman itong si Mon anak. Baka hindi siya marunong patayin iyong makina," "Ahh, ayos lang ako Mang Sandy, sanay naman akong mag-isa," Ano raw? Dios ko, nagtatampo na naman ang kundoktor ko. "Oo na, oo na, sasamahan na kita," "Kung ayaw mo, huwag na, Sanya," "Bakit ba ang kulit mo? Oo na nga sabi eh!" "Sanya, iyang boses mo. Huwag kang bastos. Namamagandang loob na nga 'yong tao, tataasan mo pa ng boses. Ipakita mong may natututunan ka sa eskwela," saway ni papa sa akin. Bigla tuloy akong nahiya. "Sorry po," nakayukong ani ko. Naiiyak na ako ngunit ayaw kong ipakita kay Mon na ganito ako kahina. Napahiya na nga ako sa harap niya, alangan namang iiyak pa ako. WALA nang nagsalita pa sa amin ni Mon habang tinatahak ang madilim na daan patungo sa bukid. Pwede naman sanang ipagpabukas na, kaso nga lang, baka mag-over flow iyong patubig ni papa. Habang papunta kami sa bukid ay tanging ang ugong ng motorsiklo ang namayani sa aming pagitan. Gusto ko siyang tuksuhin dahil sa pag-e-emote niya kanina nang sinabi niyang sanay raw siya mag-isa, ngunit huwag na lang. Nag emote rin naman ako kanina eh. Mukha pa naman siyang leon ngayon. Kaya ekis muna. Mabuti sana kung sobrang close na kami. I mean, we're literally close right now kasi magkatabi kami. Pero iyong parang friends na may tampuhan lang. Hindi naman masama ang loob ko sa kanya. Kasalanan ko rin naman dahil tinaasan ko siya ng boses kanina at sa harap pa ni papa. At talagang tumulong pa siya sa mga gawain sa bukid namin dahil gusto na raw niyang pagsilbihan ako at ang pamilya ko. Napaka imposible niya. Imagine, wala pa siyang naririnig na assurance mula sa akin ngunit heto na siya ngayon, proving that he's into action, not just into words. Ang ayaw ko lang, lapitin siya ng mga babae at friendly rin siya sa iba. Hindi ko tuloy alam kung kaya siya lumalapit sa akin ay para maging ka-ibigan ko o kaibigan lang din. Hays, friendly boys often confuse girls with their actions. Lalo na kung mabait sila sa iyo at mabait din sa iba. Gusto kong maging friends kami ngunit ayaw tanggapin ng isipan at sistema ko na hanggang doon na lang kami. Basta, magulo ang isipan ko sa ngayon. Ganito pala ma-fall. No matter how hard you try to erase the thought of falling in love, you can't just get rid of it easily. Did I just say, I'm falling in love? Totoo ba? Well, sige na, hindi ko na ide-deny sa sarili ko. Hays, kaya ayaw kong ma-in love eh. End of Chapter 9.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD