Chapter Thirteen

1880 Words
Chapter Thirteen SANYA "HALIKA na nga," saad niya at nauna nang maglakad sa medyo masukal na daan. "Hoy, saan ba kasi tayo pupunta? Kilala ka ng mga magulang ko, Ramon. Siguradong kulong ka agad kapag pinagsamantalahan mo ako," "Type kita pero wala akong balak pagsamantalahan ka. Lalo na't maliit pa 'yang hinaharap mo," "Bwisit ka talaga!" Kasasabi niya lang kanina na malaki ngunit binawi na niya ngayon. Arghh, kagigil. Lumingon siya sa akin at nilagay pa sa labi niya ang kanyang hintuturo, "Shhh." "B-bakit?" nag-aalalang bulong ko. Baka kasi nakarating na kami sa kuta ng mga rebelde. Lagot na kung sakali. "Rinig mo ba iyon?" tanong niya. Tumahimik ako at nakiramdam sa paligid. Tila ba nagbabagsakang tubig naman iyon. Hinila niya ang kamay ko at hindi na ako nagreklamo pa. Lakad-takbo ang ginawa namin na tila ba mga batang sabik na sabik sa kendi. Bumungad sa akin ang napakagandang talon ng Monteverde. Halos lumuwa pa ang mga mata ko dahil sa pagkamangha. "Ang... ang ganda!" MON "NAGUSTUHAN mo ba?" nakangiting tanong ko kay Sanya habang pinagmamasdan siya. Nakatingin siya sa talon habang ako naman ay nakatingin sa kanya. Nakita ko ang tuwa sa kanyang mata. "Gosh! Super ganda dito, Mon!" sagot niya nang hindi man lang ako binalingan ng tingin. Nakatitig lang ako sa kanya, "Oo nga, sobra." Maya-maya pa ay nilingon niya ako kaya mabilis kong iniwas ang tingin ko. Ayaw kong mailang siya. Tsansa ko na ito dahil hindi pa umiiral ang kanyang kasungitan. "Halatang ngayon ka lang nakalabas," natatawang saad ko. Ngumuso siya, "Oo nga eh." Dahil mataas na ang sinag ng araw at mainit na sa balat, hinubad ko ang suot kong t-shirt at shorts saka tumalon sa napakalinaw na tubig. Malalim ito ngunit marunong naman akong lumangoy. Nakakarelax ang ingay ng tubig na bumabagsak. Halos matagal na rin akong hindi nakakapunta rito kasama ang mga kaibigan ko dahil sa nakaraang virus. Napapalibutan ang talon ng mga naglalakihang puno ng kahoy. Masuwerte ako dahil natatamaan pa rin ng sinag ng araw ang gitnang bahagi ng talon kaya hindi ako giniginaw habang lumalangoy. "Pst, payatot, halika na!" sigaw ko ngunit ngumiwi siya. "Dali na! Hindi naman kita mamanyakin eh," "Ayoko nga! Hindi ako marunong lumangoy," kaya naman pala. Umupo siya sa gilid at binaba ang paa sa tubig. Sa pagkakataong iyon ay tila ba malungkot siya. Kanina lang ay sobrang tuwa niya ngunit ngayon ay nababalutan na ng kalungkutan ang kanyang mga mata. Mabilis akong lumangoy palapit sa kinaroroonan niya at umahon. Umupo ako sa kanyang tabi at nag-aalalang tinanong ito. "May problema ba? Gusto mo bang umuwi na tayo?" "Hindi. Ayoko. Dito muna tayo," "Bakit ka malungkot? May nagawa ba ako? May nasabi ba ako?" Ayaw kong nagkakaganito siya. Mas gusto ko na lang iyong sungitan niya ako magdamag kaysa nakikita siyang malungkot. "Wala. Oa mo hah," kunwari ay natawa siya. "Pasensiya ka na," kusang lumabas sa labi ko. "Hah? Sira, anong pinagsasasabi mo?" "Wala. Parang gusto ko lang sabihin iyon. Kasi… syempre, kinukulit kita. Baka nai-stress ka na sa akin," Seryoso niya akong tiningnan. "Wala kang ginagawang mali. Wala kang kasalanan sa akin," Hindi ako nagsalita. "Alam mo ba kung bakit ako malungkot? Kasi… I just feel like... Ngayon lang ako nagkaroon ng kalayaan. Kapag nasa bahay ako ay sobrang daming responsibilidad ang nakaatang sa aking balikat. Pressured na nga ako sa school at pagdating ko sa bahay, gano'n pa rin ang sasalubong sa akin," "Huwag mong hayaan ang sarili mong makulong sa kalungkutan, Sanya. Hindi naman masamang mag enjoy ka rin kung minsan," ako. "Iyon na nga, Mon, eh. I've always wanted to explore on my own. Ewan ko ba, hindi naman na ako bata para pagsabihan pa ako nang paulit-ulit. Alam mo iyon, nakakarindi," "Masuwerte ka nga eh. Tanda iyon na pinoprotektahan ka ng mga magulang mo. Ako nga, matagal ng nasa kulungan ang tatay. Gusto ko ring marinig ang payo ng aking tatay araw-araw," Pinapayuhan din naman ako ni nanay ngunit iba pa rin kung may tatay ka sa tabi mo. Lalo na't lalaki ako. Hindi naman lahat ng bagay ay pwede kong sabihin kay nanay. "Hays, sobrang dami kong gustong gawin sa buhay. Ang ayaw ko lang naman ay iyong pine-pressure ako. Gustong-gusto ko ang pinili kong kurso pero may mga bagay pa akong gustong gawin bukod sa pag-aaral ng mga lessons namin," "Edi simulan mo nang gawin ngayon. Ikaw rin, baka sa huli ay pagsisisihan mong hindi mo iyon nagawa," Tumayo na ako saka muling nag-dive sa malalim na tubig. Inahon ko ang ulo ko saka siya hinamon. "Simulan mo nang mag-explore. Talon na dito!" Tumawa siya. Napakagandang dilag talaga. "Loko ka talaga. Eh hindi nga ako marunong lumangoy," aniya. "Ang sabihin mo, takot ka," "Hoy, hindi ah. Baka kasi ginawin ako at wala akong damit na pamalit. Duh," napangiti ako. Bumabalik na naman siya sa masungit at palaban na Sanya. "Wala… takot ka lang eh," kantyaw ko. "Hindi ako marunong lumangoy, Mon," nakikita ko namang gusto niya ngunit takot lang siya. Lumangoy ako palapit sa kanya. "Huwag kang matakot, narito lang ako. Aalalayan kita," Napatitig siya sa akin saka tumango. Ngumiti ako, "Very good," lalo akong lumapit sa kanya, "Baba na diyan." Kumapit siya sa malaking bato na inupuan niya kanina saka dahan-dahang lumusong sa tubig. Nilapit ko ang katawan ko sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. "Huwag kang matakot," paulit-ulit kong wika sa kanya. "Shet, bakit ang ginaw?" komento niya kaya natawa ako. "Hindi naman. Doon tayo sa gitna, mainit doon oh," tinuro ko ang maaraw na bahagi ng talon. "A-ayoko," "Sige na, nakaalalay naman ako oh," Maya-maya pa ay unti-unti ko siyang hinila sa gitnang bahagi. "Ahhhhmmm-" sigaw niya nang mabilis ko siyang hinila sa ilalim ng tubig. Hinawakan ko ang dalawang binti niya habang nagpupumiglas siya. Natigilan siya nang aksidenteng dumausdos ang paa niya sa aking armas na nakahanda na sa bakbakan. Inangat ko siya at napakapit siya sa balikat ko. "Gago ka! Bwisit ka talagang lalaki ka!" nakatanggap ako ng sandamakmak na kurot sa kanya. "Sorry na baby loves. Ang sarap kasi sumisid eh," natatawang wika ko. Pero mas masarap siguro kung siya ang sisirin ko. Matagal pa iyon. Patuloy pa rin ako sa pagsipa ng tubig sa ilalim upang hindi kami lumubog. "Ayoko na. Ayoko na talaga. Tara na," "Bakit? Ayaw mo na bang sumisid? Ako na lang ang sisisid sa'yo kung gano'n," pilyong sabi ko. "Arayyyy," daing ko. Nakakailang kurot na siya sa akin. "Ang manyak mo. Umahon na nga tayo. Giniginaw na ako eh," "Anong gagawin mo kung ayoko?" Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Ang labi niya'y basa ngunit parang gusto ko 'yong ideya na basahin pa iyon gamit ang aking labi. Nakakawit sa aking leeg ang kanyang braso. Tila ba hindi niya alam na gano'n ang posisyon namin ngayon. Napatitig ako sa kanya, "Sanya…" Napaka natural ng kanyang ganda. Ang kanyang kilay ay hindi drawing, matangos ang kanyang ilong at makapal ang kanyang pilikmata. Bumaba sa kanyang labi ang paningin ko at doon ay nakaramdam ako ng pananabik na tikman iyon. Hindi na ako nakatiis pa dahil lumamlam na rin ang kanyang mga mata. Hinawakan ko ang kanyang ulo at tinulak iyon palapit sa mukha ko. Tila ba nag-isa ang bugso ng aming damdamin at nakapikit pa ako habang dinadama ang lasa ng kanyang labi. Malambot. Tila ba gusto kong ubusin ang kanyang laway. Tinigil ko ang paggalaw ng labi ko at napansin kong tumutugon siya sa halik na ginawad ko. Iyon nga lang, hindi siya marunong. Sinipsip niya ang ibabang bahagi ng labi ko at makulit ang kanyang galaw. Napangiti ako. Alam ko at ramdam kong ako pa lang ang unang humalik sa kanya. Natigilan din siya nang mapansing hindi ako gumalaw para halikan siyang muli. Gustong gusto ko ang paraan niya. Tila ba isa siyang bata na curious at sinusubukang gawin ang isang bagay na naaayon sa gusto niya. "Ahhm, ahhmm- jusko! Ang unang halik ko," nahihiyang wika niya saka siya pinamulaan. SANYA NAKIPAGHALIKAN na ako! Hindi ko pa rin mawari kung bakit gano'n na lang ako kabilis na bumigay sa damuhong iyon. Bwisit kasi ang mga mata niya, nang aakit at nakakadala. Sinubukan kong lumayo mula sa kanya dahil sobrang nahihiya pa ako. Grabe, gano'n pala ang feeling ng first kiss? Jusko, hindi ko nagugustuhan ang nangyayari sa akin. Bakit gano'n? Sa mga nababasa kong libro, kapag naghahalikan ang mga bida ay mararamdaman daw ang kakaibang kuryente na dumadaloy sa katawan ng bawat isa. Ngunit ako, heto, nangangapa at hindi na mawari kung totoo nga ba 'yong pangyayari kanina. Ang sabi sa libro ay matamis ang halik. Ngunit iyong halikan namin ni Mon ay wala namang lasa. Grabe, ayoko na. Lugi yata ako. No. Luging lugi talaga ako. He's my first damn kiss at siya ay parang eksperto na. At ang malala, hindi na pala ako aware kanina na ako na pala ang sumusugod. Jusko. Nawa'y patawarin ako nila mama at papa dahil doon. Hindi ako lumingon kay Mon habang inaalalayan akong umahon. Nang makakapit ako sa damuhan ay mabilis kong inangat ang sarili at tumalikod dahil sa hiyang nadarama. Hindi ko dapat hinayaang lumapit siya sa akin. My virgin lips is not virgin anymore. "Tara na," kako saka bahagyang piniga ang laylayan ng shirt ko. Badtrip, bakat pa ang lintik kong floral na br*. Oh, mahabaging emre, nawa'y bigyan ako ng kapangyarihan para baguhin ang pangyayari. "Lagot na, mapapagalitan ako neto," bulong ko sa sarili nang maalalang nasa bahay pala sina mama at papa. Makikita nilang basa ang damit ko. Naisipan kong makisuyo sana kay Sally ngunit sumbongera pala iyon. Kapag nalaman niya ito ay siguradong patay ako kapag nagsumbong siya. Bumaling ako kay Mon at nakahanda nang patayin siya gamit ang aking mga mata. Ngunit mabilis akong umiwas ng tingin dahil kasalukuyan niyang sinusuot ang kanyang shorts. "Ayyy! Grabe… sana sinabihan mo akong naka-brief ka lang pala," inis na mungkahi ko. Kita ko pa kung gaano kaputi ang kanyang hita. Mabalahibo pala talaga. Nag-flash din sa isipan ko ang super pink niyang n*****s. Parang gusto ko tuloy i-pinch. Sinaway ko ang sarili dahil pinupuri ko na naman siya. "Tsk, ayos lang naman sa akin kung panoorin mo ako habang hubo't hubad," Hindi ko na lang siya pinansin. Nag-aalala na ako dahil siguradong hinahanap na ako nila mama at papa. Hindi ko alam kung paano ako nauto ng damuhong ito. Maya-maya ay inabot sa akin ang kanyang tuyong sando. Tiningnan ko lang iyon. "Isuot mo yan baby loves, bakat yang ano mo," nginuso niya ang dibdib ko. "Baby loves mo mukha mo. Saka isuot mo na nga lang 'yan, mababasa rin lang 'yan," wika ko saka iniwas ang paningin mula sa kanyang dibdib. Macho pala talaga siya. May kaunting bilbil sa katawan pero mas lamang ang pagiging maskulado niya. Ang nakakainis ay traydor ang mga mata ko. Iiwas ng tingin ngunit wala pang isang minuto ay madadako na naman sa katawan ni Mon. Kalma, Sanya. Tiis tiis lang. Pagsubok lang iyan na kailangan mong lagpasan. Ngunit kaya ko pa kaya? Iyon kasi ang pagsubok na ayaw kong lagpasan dahil gugustuhin kong gapangin na lang. Rawrr. End of chapter 13.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD