Chapter Twelve

1793 Words
Chapter Twelve SANYA "UHMM, diinan mo pa. Ughhh, ang sarap... Sige pa, Sanya..." Kinakabahan ako sa mga lumalabas sa labi niya. Kung may makarinig man sa amin ay aakalain sigurong may change oil na nagaganap. "Ang galing mo magmasahe, ang sarap pa," baritono pa ang kanyang boses. "Uhmmm, y-you're welcome," sabi ko na lang. "Gusto mo i-massage naman kita? Nang matikman mo naman kung gaano kasarap?" Jusko, ano bang pinagsasasabi niya. "Uhhm, ano... hindi, hindi!" tanggi ko. Mamaya niyan, baka kung saan saan pa makarating ang kamay niya. Lagot na. Tumingala ako at tinumbasan ang mapangahas niyang mga mata. Ngunit tila ba naubos ang enerhiyang binabato ko sa kanya nang ilapit niya ang kanyang mukha kaya ako na lang ay nagpasyang magpaubaya. Pinikit ko ang mga mata ko at lumipas ang ilang segundo, wala pa rin akong nararamdamang malambot na labing dumampi sa labi ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at nahihiya akong umiwas ng tingin sa kanya. Napahiya ako habang siya ay ngiting ngiti at animo'y may natuklasang kahinaan ko. Gosh. Dakilang ilusyonada kasi ako. Akala ko talaga hahalikan niya ako. Hindi naman sa gusto ko, I'm just curious about how it feels to be kissed tenderly and passionately. Hayss, siguro ay kailangan ko nang itigil ang pagbabasa ng mga nobela. Pero hindi naman iyon pwede. Reading is part of my life kaya tanggap ko na kahit hindi ako magkajowa kung hindi rin lang kasing sweet tulad ng mga lalaking nababasa ko sa libro. NAGTUNGO na kami ni Mon sa kanilang sala at wala na doon ang kanyang mga kaibigan niyang nambulabog sa amin kanina. Nang makaalis kasi sila ay humirit pa ng isang round na masahe ang damuho. Sakto namang pumasok si Aling Sabel habang hawak ang tray na lalagyan ng damit. Mabuti na lang at lumabas na kami bago pa niya mahuling galing ako sa kwarto ng anak niya. "Teka, ayaw mo ba sa kape, hija? May gatas naman doon sa kusina kung gusto mo," "Nako, nakalimutan ko lang po na inumin," nahihiyang wika ko. Nakita ko namang dumeretso na si Mon sa kanilang kusina. "O siya, sumunod ka na kay Mon-mon, hija, nang mapalitan ng mainit yang kape mo," "Sige po," "Oo nga pala, hija. Pasensiya ka na talaga hah? Sobrang abala ako kaya hindi kita maasikaso ngayon. O siya, magkape ka na doon. Pupunta kasi ako sa bayan," "Ayos lang po. Uuwi na rin po ako mamaya," sagot ko at nagpaalam na ang ginang para magbihis. Nagtungo na rin ako sa kanilang kusina dahil parang gusto kong magkape ngayon. Para muling magising ako mula sa kahibangan na aking nararamdaman. Feel at home ako kasi noon pa man ay komportable na ako kay Aling Sabel dahil magkaibigan sila ni mama at madalas pa siya sa bahay. Tila ba tinubuan ako ng hiya sa katawan simula noong nalaman kong anak niya si Mon. Nagtitimpla na rin si Mon ng kanyang kape. "Paabot naman 'yong termos," "Oh, mahilig ka rin pala magkape," komento niya ngunit hindi niya inabot ang termos na nasa tabi niya. "Akin na nga 'yang termos. Kapeng kape na ako," reklamo ko. "Kape o ako?" nakangiting tanong niya. "Malamang, kape. Bakit? Masarap ka ba?" umirap pa ako. "Bakit hindi mo ako subukang tikman?" talagang hinahamon niya. Heto na naman kasi 'yong ngisi niyang mapagparusa. Nakakagigil. "Never ever," maarteng saad ko. "Tsk, tandaan mo 'yang never ever na sinabi mo. Baka bukas o makalawa ay nasasarapan at nasasabik ka na sa akin," kumindat pa ang mokong. Magulo ang kanyang buhok pero mukha pa rin siyang mabango. Paamoy sana. "Makapal talaga ang mukha mong damuho ka," "Gwapo naman," Kinuha ko ang kutsilyo na nasa ibabaw ng mesa saka siya pinagbantaan. "Ibibigay mo ang termos o isasaksak ko 'to sa lalamunan mo?" "Wooahh, relax lang baby loves, heto na," natatawang wika niya saka inilapit sa akin ang termos. "Hindi ka pa nagkakape ngunit naha-highblood ka na," dagdag niya pa. "Nye nye, asar ka kasi," ako. Nakuha ko na rin ang timpla ng kapeng gusto ko. Hindi masyadong matamis. "Kapag tinutukan kita, sinisigurado kong susuko ka nang kusa," makahulugang wika niya. Bakit parang gusto ko naman? Hays, simula noong nakilala ko ang lalaking ito, nabahiran na ng kamanyakan ang isipan ko. "Tingnan natin kung bibigay ba ako," sabi ko na lang dahil nakangisi pa ngayon ang damuho. Maya-maya pa nagsalita siya. "May lakad ka ba ngayon?" tanong niya. "Wala. As usual, sa bahay lang," sagot ko saka sumimsim ng kape sa aking baso. "Ang boring naman," "Wala akong pake. Nakakapag explore pa rin naman ako by reading books," "Tsk, boring nga. Gusto mo bang ma-explore ang katawan mo?" "Ano?" naibuga ko pa ang sinisimsim kong kape. Natawa siya, "Relax baby loves. Ang ibig kong sabihin ay kung gusto mo bang mag explore ng actual. Iyong hindi lang sa libro. Mas masaya, mas enjoy pa." "Ayoko. Bawal. Saka nga lang ako nakakalabas kung nire-require ng school na mag-tour kami sa iba't ibang lugar eh. Kakaunti pa nga lang ang napupuntahan kong lugar gayong iyon ang field ko," medyo malungkot kong wika. "Pwes, sumama ka sa akin. May ipapakita ako sa'yo at tiyak na mamamangha ka," kumindat siya. Medyo na green ako sa sinabi niya. Ano na naman kaya iyon? Don't tell me na 'yong katawan niya? Nakamamangha nga iyon pero I won't explore it! Gosh! Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko. "Ayan ka na naman, Sanya. Namumula ka. Nag-iisip ka na naman ng ka-berdehan," "Hindi ah, masyado lang mainit itong kape," rason ko. "Basta sumama ka sa akin mamaya. Dadalhin kita sa langit," "Oh my goodness, naman Ramon! Anong pinagsasasabi mo? Anong langit? Gosh!" "Ayan, ayan, ganyan ka kapag nag-iisip ka ng kamanyakan. Bilisan mo diyan dahil pupunta na tayo sa sinasabi kong langit," hagalpak niya saka iniwan ako sa kusina na namumula, nahihiya at nanggigigil. "Wait for me baby loves," dagdag niya pa. "Baby loves mo mukha mo! Bwisit ka!" sigaw ko. Hindi ko na inubos pa ang kape ko dahil ninenerbyos na ako. Lumabas na rin ang damuhong nakasuot na ngayon ng manipis na puting sando at gray na board shorts. In fairness, bagay na bagay sa kanya. Pero naiinis pa rin ako. Masyado siyang epal, kupal at hangal. Pashnea siya. Lagi na lang akong naiinis sa kanya pero gusto ko pa rin naman siya. Ang gulo talaga. Ganyan niya ginugulo ang isipan ko. Kainis. "Tara na baby loves," aniya saka ako inakbayan. "Tanggalin mo 'yang kamay mo o puputulin ko?" mariing wika ko. Masyadong mabilis- smooth. Akala niya siguro ay hindi ko pa nakakalimutan ang mga pang aasar niya sa akin. "Chill, baby loves. Inaalalayan lang kita," rason niya. "Hindi ako baldado, Ramon. Baka gusto mong lumpuhin kitang damuho ka," Humagalpak siya, "Tang…ina. Ang lakas mong magbanta gayong hanggang balikat lang naman kita." "Huwag kang mura ng mura. Basagin mo mukha mo eh," inis na wika ko saka nauna nang lumabas. "Naglilihi ang baby loves ko," siya. "Isa pang tawag mo ng baby loves sa akin. Titirisin ko na 'yang junjun mo," "Woahh, huwag naman baby-" hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya dahil pinakita ko sa harap niya ang kamao ko. "Hmmm- tatahimik na po master," siya. Natawa naman ako sa sinabi niyang master. Nako, talagang ibabalibag ko siya kapag nainis ako nang sobra. Pinaandar niya ang motor ni papa na inuwi niya kagabi. Magpagas na lang daw siya mamaya saka ako ihahatid sa bahay. Pinaandar na niya ang motor saka tumingin sa akin. "Tara na sa langit baby loves," Kaya lumapit ako at sumakay sa motor. Umirap na lang ako sa sinabi niya. Alangan naman kurutin ko ang junjun niya. No way. "Ano ba kasi 'yong langit na 'yon?" pasigaw na tanong ko dahil malakas ang ugong ng motorsiklo. "Basta ang alam ko lang ay masasarapan ka," "Gago!" Tumawa na naman siya. "Saan ba iyon? Huwag mong sabihin na sa kabilang bayan pa iyon? Nako, Ramon, malilintakan ka talaga sa akin kapag nalintikan ako sa mga magulang ko," "Huwag kang mag-alala, baby loves, sa bayan pa rin naman natin iyon. Kaso nga lang medyo malayo," "Oo na," kako na lang. Bigla niyang binilisan ang pagpapatakbo ng motor kaya abot abot ang kaba ko at ginawaran siya ng kurot sa kanyang matigas na dibdib. "Arayy," daing niya. "Yan ang napapala ng mga maaangas magmaneho," "Sorry na baby loves," ramdam kong nakangiti siya kaya napangiti na rin ako. Wala na yata akong magagawa pa sa pagtawag niya sa akin ng baby loves. Sana lang ay huwag niya akong tawagin no'n sa harap ng mga magulang ko. Ang sabi niya ay malapit lang. Ngunit marami na kaming pinasukan na kanto at hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nararating ang langit. "Malayo pa ba?" sigaw ko. "Malapit na," "Ang tagal," "Heto na nga. Malapit na," aniya saka lumiko at pumasok sa isang makitid na kalsada. Hindi iyon sementado. Kawawa ang motor nito at kawawa rin ang boobs ko. Jusko. Kung titingnan ay siguro hindi na makapasok pa ang malalaking sasakyan dito. Parang tinatahak namin ang daan patungo sa hidden treasure ng Monteverde. Napapaaray na lang ako sa tuwing tumatalbog ako. Masakit na rin ang puwit ko. Lalo akong lumapit kay Mon dahil sa takot na mahulog ako anytime. Okay lang kung sa mga kamay niya, huwag lang sa rough road. Gosh, ang landi ko na. Napansin kong tumindig ang balahibo niya sa leeg kaya nagtataka ko siyang tinanong. "May problema ba?" "Wala," "Eh bakit tumatayo ang balahibo mo sa leeg? May mumu ba rito? Takot ka ba sa mumu?" pang aasar ko. "Wala, wala. Arghhh, Sanya. Tumahimik ka na nga. Kaunti na lang ay sasabog na talaga 'tong pantog ko," siya. "Hah? Edi ihinto mo muna itong motor kung naiihi ka," ako. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Iyong ano mo. Nakakaano," "Anong ano?" natatawang tanong ko. Maya-maya pa ay hininto niya ang motor sa lilim ng puno ng mahogany. Pansin ko rin na masukal ang lugar. "Narito na tayo," aniya kaya bumaba na rin ako. "Tang…ina… buti na lang talaga nakayanan ko," tila ba frustrated na aniya. "Ano ba kasing problema mo? Kanina ka pa nagrereklamo gayong hindi mo naman sinasabi sa akin kung ano ang dahilan," Tiningnan niya nang masama ang hinaharap ko at nginuso iyon. "Yan, pinatigas ako," Nanlaki ko ang mata ko sa sinabi niya. "Ano?" hindi ako makapaniwala sa narinig. "Ang sabi ko, tinitigasan ako habang nagmamaneho dahil nakadikit sa likod ko 'yang ano mo. Pucha, ramdam ko eh. Ang laki pala at malambot pa," "Manyak!" "Relax ang tinutukoy ko ay 'yang puso mo. Malaki at malambot," depensa niya ngunit alam kong itong baby boobsies ko ang tinutukoy niya. Arghh, Mon-mon manyak! End of chapter 12.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD