Chapter Eleven

1731 Words
Chapter Eleven SANYA NAKARATING na ako sa bahay nila at nadatnan ko si Aling Sabel na nagsasampay ng mga nilabhan niyang damit. Sa tingin ko ay mas matanda siya kaysa kay mama ng limang taon. Mukhang pagod na rin ang ginang sa paglalaba. Nilapitan ko siya at napangiti naman ito nang makita niya ako. "Magandang umaga po," nagmano rin ako sa kanya. "Magandang umaga rin, hija," "Heto po, mga gulay, pinabibigay ni mama," "Nako, 'yang mama mo talaga oh. O siya, maraming salamat, hija. Pakisabi rin sa mama mo," "Walang anuman po. Oo nga pala," kinuha ko ang pitaka ko saka nilabas ang perang pinabibigay ni papa kay Mon, "Pinabibigay po ni papa kay Mon. Kayo na po sana ang magbigay sa kanya," "Nako, hija. Mabuti pa ay itago mo na lang iyan. Kilala ko ang anak ko, kapag bukal sa loob niya ang tumulong, hindi 'yan manghihingi o tatanggap ng kapalit," Natawa naman ako, "Hindi naman po biro iyong pagod niya sa bukid kahapon, Aling Sabel. Wala naman pong libre sa panahon ngayon." "Kung gano'n ay ikaw na mismo ang mag abot sa kanya, hija. Halika muna sa loob nang makapagkape tayo," anyaya niya kaya sumunod na rin ako. "Umupo ka na muna diyan hija at ipagtitimpla kita ng kape," ani ng ginang kaya umupo na rin ako sa kanilang sofa. May kalumaan na iyon, maging ang kanilang kabinet at iba pang gamit nila. Bumalik na rin si Aling Sabel habang hawak ang kape ko. "Pwede bang iwan muna kita, hija? Itutuloy ko lang 'yong nilalabhan kong pinalaba ng kapit-bahay. Katukin mo na lang si Mon sa kwarto niya. Pasensiya ka na talaga, hija," aniya saka tinuro ang kwartong nasa tabi ng dingding na may mga nakasabit na lumang litrato. Ngumiti ako, "Ayos lang po." Nilapitan ko ang dingding kung saan nakasabit ang ilang lumang litrato. Hinawakan ko ang isang picture frame. Family picture nila iyon. Matamis ang ngiti nila. Tinitigan ko ang sanggol na karga ni Aling Sabel sa litrato. Si Mon nga ito dahil siya ang bunso. Ang cute niya pala noon. Ang ibang sanggol ay mangiyak-ngiyak kapag kinukuhanan ng litrato, ngunit si Mon bilang baby ay tila masayahin. Parang inabutan pa siya ng kendi kaya tuwang-tuwa. Natigil ako sa pagmamasid ng mga litrato sa dingding nang bumukas ang pinto sa tabi ko. Iniluwa nito ang lalaking magulo ang buhok at naka-topless. Bumaba ang paningin ko at laking gulat ko nang mapagtantong nakasaludo ang bagay sa gitnang bahagi ng hita niya. Paano ba naman kasi, naka boxers lang siya kaya kitang-kita ang umbok. Hindi naman ako bata para hindi alam ang bagay na iyon. Shet, anong gagawin ko? What if sunggaban niya ako anytime tapos pagsamantalahan ang aking kahinaan? Gosh! "Anong ginagawa mo rito?" masungit na aniya. O marahil masungit talaga siya kapag bagong gising. Ang hot niya lalo, Dios ko. "Ahmm, ano… inutusan ako nila mama at papa," "Na alin?" "Ano…" kinapa ko ang pitaka ko saka inabot ang pera sa kanya, "Pinabibigay ni papa," tiningnan niya lang ang kamay kong nasa ere saka ako kunot-noong binalingan. "Bayad sa pagtatrabaho mo kahapon," dagdag ko. "Pagtulong iyon, Sanya. Hindi ako tumatanggap ng bayad kapag tumutulong ako sa pamilya mo," Yumuko ako. Tila ba ako pa ang nahiya sa sinabi niya. Pera na nga, umaayaw pa. Ang arte hah? "Tingin sa akin, Sanya. Galit 'yang nasa ibaba," mabilis kong inangat ang ulo ko dahil sa kanyang sinabi. "A-ano… bakit mo naman sana pagsisilbihan ang pamilya ko? Tsaka sa panahon ngayon, walang libre. Kaya dali na, kunin mo na itong pera nang makauwi na ako," pamimilit ko. Maya-maya pa ay napangisi siya. Iyong ngisi na animo'y may masamang binabalak. "Hindi ko gusto 'yang ngisi mo, Ramon Malaya," Sumandal siya sa hamba ng pinto saka pinagkrus niya ang braso sa kanyang dibdib. Lalo tuloy akong namangha sa kanyang biceps na ka-flex flex. "Wala pa nga akong ginagawa, nag-iisip ka na ng masama, Sanya Angel Malaya," Pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko dahil sa huli niyang sinabi. Ano raw? Sanya Angel Malaya? Seryoso? Sa pagkakaalam ko ay Tacalan ang surname ko. Why naman gano'n Ramon? Why so pa-fall? Arghhh. "Makinig ka, Sanya. Kahapon ay pinagsilbihan kita ngunit hindi ako tumatanggap ng salapi bilang kabayaran. Pero kung mapilit ka, sige, tatanggapin ko ang kapalit, ngunit hindi ang salapi. Pagsilbihan mo na lang din ako," nagdududa talaga ako sa sinasabi niya. Dios ko, wala akong maalala na inutusan ko siya para pagsilbihan ako. Pero wait, iyon ba 'yong pagtulong niya sa bukid? "Ano?" hindi makapaniwalang wika ko. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong, "Pinagsilbihan kita kahapon, ako naman ang pagsilbihan mo ngayon." Nagulantang ako nang makitang pumasok siyang muli sa loob ng kanyang kwarto. "Pumasok ka," "A-ano? Hoy! Anong ibig mong sabihin? Anong binabalak mo? Hoy, Mon-mon hah, hindi ako basta bastang babae na makukuha mo kaagad. No way! Hindi ako bayaran!" Ngunit mabilis niya akong nilapitan sa kinatatayuan ko. Pansin ko ang multong ngiti sa kanyang labi ngunit bumalik na naman sa seryosong reaksiyon ang kanyang mukha. Maya maya pa ay hinila niya ako. Kumapit ako sa hamba ng kanyang pinto dahil sa takot na traydurin niya ako sa oras na maipasok niya ako sa madilim niyang kwarto habang ako ay walang kalaban-laban. Ngunit sadyang malakas siya at walang sabi-sabi'y binuhat niya ako na parang bagong kasal. Sinara niya ang pinto kaya lalo akong kinabahan. "Ramon! Dios ko, ano bang binabalak mo sa akin? Kung ano man ang kasalanan ko noon, please, huwag mo nang ituloy ang binabalak mo. Maawa ka naman sa akin. Paano na lang ang magiging future ko nito?" Binuksan niya ang ilaw at humagalpak siya sa tawa. Halos bagong gising siya kaya medyo paos ang kanyang boses. Ang halakhak din niya ay tila ba putol putol dahil napapaos siya ngunit masarap pa rin namang pakinggan. "Ang halay mo palang mag-isip. Kaunti na lang ay totohanin ko na 'yang mga iniisip mo," "Ikaw naman kasi eh. Sino ba naman ang hindi kakabahan sa inasta mo kanina," "Relax, magpapamasahe lang naman ako," ngumisi siya at lumapit sa gilid ng kama kung saan ako nakaupo. "Bukod sa likod ko, handa naman akong magpamasahe sa kahit anong parte ang gusto mo," nagtaas baba ang kanyang kilay. Inabot ko ang unan saka iyon pinalo sa mukha niya. Hanggang ngayon ay tumatawa pa rin siya. "Mabilaukan ka sanang deMONyo ka," "Hindi bale basta ikaw ang Sanya Satana ko," Natawa na rin ako sa kanyang sinabi. "Gago, nagkakamali lang naman ako pero hindi ibig sabihin no'n ay masama na ako," umirap ako. "At gano'n din ako," dumapa na siya sa kanyang kama. "Pamasahe itong likod ko, please. Nangalay kasi ako kahapon. Halos buong araw kaming nakayuko eh," naawa naman ako kaya minasahe ko na lang siya. "Ummm, ang sarap… diyan sa baba, ahhh ummmm," naiinis kong kinurot ang kanyang tagiliran dahil umuungol na siya gayong minasahe ko lang naman ang likod niya. Baka marinig ni Aling Sabel at baka kung anong kababalaghan pa ang isipin niyang ginagawa namin ni Mon. "Tama na, lalabas na ako. Baka makita pa tayo ni Aling Sabel," reklamo ko habang nakatingin sa gwapong mukha ni Mon. "Kulang pa eh, sige na. Last," sumunod na lang ako sa gusto niya. Natigilan ako nang marinig ang papalapit na yabag at tawanan mula sa labas ng kwarto ni Mon. "Mon! May tao yata! Saan ako lalabas nito?" bulong ko kay Mon na nakapikit pa at animo'y sarap na sarap sa ginagawa kong pagmasahe sa kanya. "Hmm?" parang 'di pa aware sa narinig. "May tao nga sabi eh!" nanggigigil na bulong ko. At hindi na nga ako nakapalag pa dahil biglang bumukas ang pinto. "Ramon! Tol! Teka-" wika ng lalaking malaki ang katawan na halatang nagulat sa nadatnan. "Pucha tol! Lakas mo!" gulat na wika ng isa sa mga lalaking pamilyar ang mukha. Si Andrei pala iyon. Mabilis na bumalikwas si Mon at gulat na hinarap ang mga kaibigan niya. "Tang…ina, anong ginagawa niyo rito?" "Narito lang naman kami dahil may usapan tayong magra-rides tayo patungo sa Monteverde Wood. Sinusundo ka lang naman namin," Narinig ko na iyon ah. Iyon 'yong madalas dinadayo ng kabataan para kunan ng larawan. Nakakainggit nga eh. I've never been there pa. Sana lahat ay nakakagala. Sandaling napukaw ang kahihiyang nadama ko dahil sa naisip. "Tsk, next time na lang. Sana ay kumatok naman kayo bago pumasok. Mga walang hiya kayo," talak ni Mon habang sinusuot ang kanyang manipis na puting sando. "Nako, mga dre, labas ma muna tayo. Bigyan natin sila ng privacy. Nabitin yata ang kundoktor. Sige dre, umarangkada ka na ulit," pang-aasar ng pinaka mature sa kanila at saka mabilis na sinara ang pinto. Narinig ko pa ang sipol at halakhak ng mga ito sa labas. "Mga gago! Ang dumi ng isipan niyo!" sigaw ni Mon. Naiinis naman akong bumaba sa kanyang kama at padabog na nagmartsa patungo sa pintuan ng kanyang kwarto. "Pst, payatot, anong problema mo?" "Makapagsabi ng payatot, akala mo naman ang perfect mong damuho ka," bulong ko sa sarili. "Ano? Anong sabi mo?" siya. "Wala! Ang sabi ko ay uuwi na ako dahil iniisip na ng mga damuhong kalahi mo na baka may kababalaghan na tayong ginawa," "Tsk, huwag kang maniwala sa mga 'yon. Alam naman nilang hindi ako babaero saka ikaw pa lang ang babaeng nakapasok sa kwarto ko," kalmadong wika niya. Lumapit na rin siya sa akin. Akmang bubuksan ko na ang pinto nang mabilis niyang hinawakan ang kamay kong nakahawak sa doorknob. "Teka, may sasabihin pa ako," Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Ilang dangkal lang ang layo ng aming labi sa isa't isa kaya amoy na amoy ko ang fresh breath niya. Parang… parang amoy lansones. Teka, bakit gano'n? Wow hah, sana all. Napatitig ako sa kanyang labi. Mapula pula pa. Kissable and it looks like marshmallow. Parang ang soft niya. Parang gusto ko tuloy tikman. Ang kaninang naghuhuramentado kong puso ay lalong lumakas ito sa pagbugso. Inilapit ni Mon ang kanyang mukha sa aking tenga. Nagsitayuan ang balahibo ko sa leeg dahil sa hininga niyang tumatama doon. Ang lakas ng epekto nito sa katawan ko, gayong hininga pa lang iyon. How much more kung may touch by touch contact na? Jusko, social distancing na muna. Hindi ko pa yata kaya. End of Chapter 11.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD