-------- ***Third Person’s POV*** - Kuyom ang kamao ni Elixir habang titig na titig sa direksyon nina Lhea at Kristoff. Kitang-kita niya kung paanong sumasabay ang ngiti ni Lhea sa bawat biro ng lalaki, at kung paanong tila kampante na ito sa presensya ni Kristoff—parang matagal nang magkakilala ang mga ito, naramdaman niya na parang may koneksyon ang dalawa sa isa’t- isa. May namumuong init sa loob niya, init na unti-unting kumukulo sa dibdib at nanlilisik sa mga mata. Marami nang nabubuo sa kanyang isipan. Isa na rito ang ideya na malamang ay nagpakilala na si Kristoff kay Lhea kanina. At sa ganda ni Lhea—na walang kapantay para sa kanya—hindi malabong nabighani rito ang lalaki. Sa isiping ito, parang sasabog na siya sa matinding inis. Hindi niya maitago—selos ang pumipigil sa kanya

