----- ***Lhea’s POV*** - Bago pa man tuluyang makalapit sa direksyon ko si Kristoff, sinalubong na siya ni Dianne—hila-hila si Megan na halatang ayaw sumama pero wala nang nagawa kundi magpadala. "Hi, Kristoff!" masiglang bati ni Dianne na parang wala sa matinong pag-iisip. "Hinila ko na si Megan para sa’yo! Alam kong siya ang gusto mong lapitan. Ayan na siya oh!" sabay kindat pa, proud na proud sa kalokohang ginawa. Saglit na napaawang ang labi ng kakambal ko—halatang nagulat. Unti-unti itong napakunot-noo habang nakatitig kina Dianne at Megan. “Excuse me,” malamig ang tono ng boses niya, may halong pagtataka, “sino kayo?” Natahimik ako sa kinatatayuan ko. Nakapulupot na ang mga bisig ko sa harapan, pilit sinusupil ang ngiting gustong kumawala. Pero si Dianne, aba’y parang wala pa

