------ ***Lhea’s POV*** - “Pwede ba tayong mag-usap?” Parang sirang plaka na paulit- ulit sa isip ko. Hindi pa kasi tuluyan nag- sink- in sa isip ko ang sinabi niya. Para akong napatigil sa oras—nabigla sa biglaan naming paghaharap ngayon. Buong akala ko, hindi siya makakarating dito—dala na rin ng sinabi ng assistant niya na nasa ospital daw ang asawa niya. Si Megan--- sa tingin ko. “Lhea?” tanong ni Markus, habang nakakunot ang noo at nakatingin sa akin, halatang nalilito. Alam kong nagtataka siya kung bakit Lhea ang tawag sa akin ni Elixir, gayong ang pagkakakilala niya sa akin ay si Cathleya ako. At si Elixir… hindi pa rin niya alam ang totoo—na ako si Cathleya. Naudlot kasi ang dapat sana’y paghaharap namin kanina. Alam na sana niya ngayon ang totoo. Isang makahulugang ngit

