------ ***Third Person's POV*** - Habang palabas si Cathleya sa restaurant, sa ikalawang pagkakataong hindi inaasahan, ay muli na namang nagkrus ang landas nila ni Markus. “Cathleya,” agad nitong bati, may bahagyang ngiti sa labi. Napahinto siya at bahagyang napatingin dito, bahagyang nagulat. “Kung hindi lang kita kilala, baka isipin ko stalker ka na,” aniya, kalahating biro, kalahating seryoso ang tono. Napatawa si Markus. “Sayang, paalis ka na pala saka pa ako dumating. Gusto ko pa namang makasama ka sa dinner.” “Hindi pa talaga ako nakapag-dinner,” sagot niya, iniwas ang tingin sandali. “Hindi kasi ako sinipot ng kausap ko kaya aalis na sana ako.” Kitang-kita niya ang bahagyang liwanag ng kasiyahan sa mukha ni Markus, na agad nitong pinigilan para huwag magmukhang masyadong hal

