-------- ***Lhea’s POV*** - Nararamdaman kong malapit ko nang matapos ang aking advertising business proposal, isang proyektong pinaghahandaan at pinaghirapan ko. Ilang araw na lang, at maaari ko na itong i-propose kay Elixir upang magamit sa bidding ng Montreal Architecture. Pinangalanan ko itong "AdVance: AI-Powered Marketing Revolution," isang makabagong estratehiya sa advertising na gumagamit ng artificial intelligence upang gawing mas epektibo, mas makabago, at mas personalized ang mga marketing campaign. Umaasa akong malaki ang maitutulong nito kay Elixir at sa kumpanya. Matapos ang ilang oras ng pagsusuri, pag-a-analyze, at pagpolish ng bawat detalye ng proposal, naramdaman ko ang matinding pagod. Hindi ko na kayang pigilan ang antok na unti-unting bumabalot sa akin. Napagpasyah

