------- ***Third Person's POV*** - Nainis si Elixir. Isang oras na siyang naghihintay, ngunit wala pa si Lhea, at ang dami pa nilang kailangang tapusin na mga files ngayong araw. Kahapon, basta na lang itong umalis nang hindi nagpapaalam sa kanya. Para sa kanya, isang malinaw na unprofessionalism ang ginawa nito, ngunit inintindi na lang niya ito dahil alam niyang masama ang loob nito sa kanya. Naiintindihan niya ang nararamdaman ni Lhea, kaya't hindi niya pinansin ang biglang pag- alis nito. Ngunit ngayon, hindi pa rin ito pumasok sa trabaho, at ibang usapan na. Hindi niya kayang tanggapin kung wala na naman ito. Hindi siya makakilos ng maayos kapag wala si Lhea sa opisina.He admitted that he was too dependent on Lhea for the things that needed to be done every day in the office. E

