Naveen Angelica Abellana's POV
"I'm glad you accepted it!" Masayang sabi ni Coleen sa’akin at yinakap ako. Inismiran ko ito kasabay ng pagpapatuyo ng buhok ko. She's asking for me to have my vacation. At ang masama, kakasabi niya lang kahapon.
"May magagawa pa ba ako? Besides, you already settled everything. As if naman makaka-hindi pa ako." I answered then rolled my eyes again. She just laughed softly.
"Ang sweet mo talaga twin!" Sabi nito. Ewan ko kung may halo itong pangungutya pero pinabayaan ko na lang. Mula pagkabata namin ay hindi na kami palaaway dalawa. Palagi rin kaming magkakamapi sa lahat ng bagay. Kaya nga matapang siyang nagdesisyon para sa’akin dahil alam niyang papayag at papayag ako sa bandang huli.
"Asan ba dun sa Ilocos?" I asked her and continued packing my things. Binuhat niya ang ilang bagpack ko at ngumiti sa’akin.
"Sa Laoag, may bahay dun si Gerald. You can use it. Siya na mismo ang nagsabi. Nag-aalala rin daw." Sagot niya, tukoy nito sa asawa niya. I looked at her again. Ba't ang saya ng babaeng ito?
"Tell me Coleen, may plinaplano ka ba?" Seryosong tanong ko rito. Umiling lang ito pero nakangiti pa rin sa’akin! Kinabahan ako bigla.
"What is it?" Tanong ko ulit. Hindi kasi ako mapalagay. Aaminin ko ring masama ako kumpara sa ugali niya pero mas matalino ito kaysa sa’akin. Ang mga plano niya? Walang pumalpak.
"Ang dami mo namang tanong, Naveen! Wala akong plano, okay? I just want you to take some break." Sagot niya at sinara ang maleta ko. Tinulungan niya din akong hilain ‘yun palabas ng kwarto ko.
"Che. Oo na! Bye na." Paalam ko at kinuha naman ni Manong Dante ang maleta ko at linagay sa kotse ko.
"Huwag ka ngang masungit!" Sita niya sa’akin at yumakap. I rolled my eyes and hugged her back.
"Anong gusto mong pasalubong paguwi ko?" I asked her. Ngumiti lang ito.
"Wala akong ibang gusto maliban sa bumalik ang dating ikaw pagbalik mo." Sabi niya ng mahina pero sakto lang para marinig ko. Napatigil ako.
"Coleen…" I warned her. Umiling ito at hinawakan ang kamay ko. She squeezed it and smiled sadly.
"Look Naveen, masaya ako. Masaya ako dahil sinasabi mo lahat ng nararamdaman mo. Pero mas sasaya ako mpag nakita ko ulit 'yang mata mo na kumikislap ulit dahil masaya ka. I mean, tunay na masaya ka. Kapatid kita kaya wala akong ibang hinahangad kundi ang maranasan mo rin ang tinatawag na tunay na masaya gaya ng nararamdaman ko ngayon sa taong mahal ko." Mahabang linya niya. Hindi na ako nagsalita at tumango na lang.
Knowing Coleen? Ipipilit niyang isaksak sa isipan mo ang mga sinasabi niya kaya hindi na lang ako nagkomento. Nagbeso beso muna kami bago ako tuluyang lumabas ng bahay.
"Ingat ka." Bilin niya bago ko pinaandar ang sasakyan ko. I waved my hand before she closed our gate.
Hinawakan ko ang rosary na nakasabit sa rear view mirror ng sasakyan ko at nagdasal saglit.
Habang nasa byahe ako, inalala ko ang konting away naming magkapatid kaninang madaling araw. Halos natulog lang ang ginawa ko buong araw dahil hiniling nito ang magleave ako. Pinagbigyan ko naman siya. Pero kanina lang, she told me that I need to go somewhere. Naka-impake na ang halos mga damit ko. She told me that I can use Gerald's house. Binigay nito sakin ang address. Naipagpaalam niya rin daw ako sa mga magulang namin---na tuwang tuwa dahil pumayag daw ako which is, pakana lahat ni Coleen.
Hindi ko naman siya masisi dahil pagkagraduate ko ng college, naghanap na ako ng trabaho at dun, ni hindi ko na magawang magbakasyon kahit isang buwan lang. Maybe one to two weeks will do. Pero nabo-bored ako at bumabalik ng mas maaga sa trabaho ko.
I'm 26 years old now, isa na rin akong doctor sa hospital na pagmamay ari ni Gerald. Coleen got married when she was 24, of course with her boyfriend Gerald. Dalawang taon na silang kasal at may isang taong gulang na silang anak na lalaki.
Magsisinungaling lang ako kung sasabihin kong okay lang ako kapag nakikita ko silang masaya. I even bought my own house. Hindi naman sa insecure ako sa sarili kong kakambal pero basta. Nakakaramdam ako ng lungkot, parang may kulang kaya binuhos ko lahat sa trabaho ang oras ko.
Okay, enough for the dramas. After two hours, nagstop-over muna ako para kumuha ng kape. Iinumin ko habang nasa byahe. I've been to Laoag before kaya medyo alam ko na ang daan papunta doon.
IT TOOK me ten hours after I finally reached Laoag. Nagpahinga muna kasi ako saglit kanina dahil hindi ko naman kayang magdrive ng diretso. Puyat pa ako. Nang makarating na ako sa may pinakasentro, pinark ko lang ang kotse ko sa isang gilid at lumapit sa isang lalaking nakita ko.
"Kuya, excuse po. Nasaan po ba ang daan papunta sa address na ‘to?" Tanong ko. Pinakita ko rito ang papel.
"Diretso ka lang hija tapos sa maikatlong crossing, kanan. ‘Yung kulay white na bahay. ‘Yung malaki." He instructed then looked at me again. "Ikaw ba ang sinasabi ni Gerald na magbabakasyon?" Tanong nito sa’akin. Nagtataka akong tumango.
"Welcome sa Laoag hija. Magkapitbahay tayo. Tiyak na mag-eenjoy ka dito. Nagpintas ka." Aniya tapos ngumiti. Hindi ko man maintindihan ang sinabi niya ay nagpasalamat na lang ako sa kanya bago ako bumalik sa sasakyan ko.
Hindi naman mahirap hanapin ang bahay dahil sa ito ang pinakamalaking nandoon. I parked my car in front of the house. Nanatili ako ng ilang minuto bago ko makita ang isang babae na lumabas ng bahay. lumabas na din ako at linapitan ito.
"Hello po, magandang hapon 'Nay." Bati ko rito at ngumiti. Tinigil niya ang paglilinis at lumapit sa'akin. Tinitigan niya akong Mabuti at dahil kamukha ko si Coleen, alam kong may ideya na siya kung sino ako.
"Magandang hapon naman ineng!" Ganti niya at linuwagan ang gate. "Siguradong ikaw si Naveen. Kamukha mo pala talaga si Coleen. Pasok ka." Sabi niya sa’akin at tinulungan niya ko sa maleta ko. Nagpasalamat lang ako rito.
Maganda ang bahay sa labas pero mas maganda sa loob, hindi ko akalaing may ganito kagandang bahay dito sa Ilocos. I mean, ganito kagara. Modernized na siya. Sa liblib na lugar kasi kami nagpunta noon at mga kahoy pa ang bahay doon.
'Sabagay, bahay naman 'to ni Gerald.' Ani ko sa isipan ko.
"Ay nagpintas nga balasang aya?" Rinig kong sabi ng isa pang katulong kaya nangunot ulit ang noo ko. Ano ba ang ibig sabihin ng salitang 'yan? (ang gandang dalaga dba?)
Gusto ko silang tarayan dahil baka minumura na nila ako pero hindi ko ito balwarte kaya tahimik na lang ako.
"Kumain ka na?" Tanong ng isa. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Nahihiya akong umiling at ngumiti sa kanila.
"Magpalit ka muna at ipaghahanda kita. Matda, isaganaam man ti makan ni ma'am." Baling niya sa kasama niya at ngumiti ulit sa'akin. (Ipaghanda mo ng makakain si Ma'am)
Naweweirduhan ako sa salita nila pero hindi ko na lang ito pinansin. Kung hindi ako nagkakamali, Ilocano ang tawag nila doon. At oo, hindi ko alam 'yun. Si Coleen lang.
'Welcome to Laoag Naveen.'
Bati ko sa sarili ko ng makapasok ako sa isang kwarto.