Chapter 2

1277 Words
Naveen's POV "Good morning po!" Bati ko sa kanilang lahat nang bumaba ako sa kusina. Maaga kasi akong nagising dahil na din siguro sa body alarm ko. "Magandang umaga rin sa’yo." Bati nila pabalik kaya natawa ako. Ngumiti ako sa kanila at lumapit. Tinignan ko naman ang mga niluluto nila. "Ano pong maitutulong ko?" Tanong ko at lumapit sa mga gulay. Dadamputin ko na sana ang sitaw ng lumapit sa'akin si Nanay Matda. "Ay wag na! Bisita ka dito kaya doon ka lang." Bilin nila sa’akin at tinuro pa ang sala ng bahay. Agad naman akong napatingin sa kanila at ngumuso. "Naku po! Wala naman akong gagawin e. Ano po bang niluluto niyo?" Tanong ko sa kanila at nanatili sa tabi nila. "Pinakbet." Sagot naman ng isa at ngumiti tapos natigilan. Nag-aalala ang mukha niyang bumaling sa'akin. "Teka! Kumakain ka ba ng gulay?" They all ask in unison. Bigla akong natawa sa reaksyon nila. "Opo." I answered then smiled. They just sighed in relief. "Mabuti naman…" Sabi ni Nana Selda habang tumango-tango pa. "Iba kasi ang pinakbet dito sa Ilocos. Naisipan kong magluto pero kung anong gusto mo ay sabihin mo lang at 'wag kang mahihiya. Lulutuin namin 'yan." She told me. I got curious about the taste of pinakbet. Last time I went here, hindi ko natikman ang pagkaing iyon. They said it's really delicious. Sabayan mo pa daw ng bagnet.  "Ayos na po 'yan 'Nay. Hindi naman po ako mapili." I told them.  "Oh siya. Upo ka na lang diyan at kwentuhan mo na lang kami. Mukhang hindi na ka namin mapapalayas dito." Natatawang sabi niya ulit sa'akin kaya nakitawa na rin ako at naupo sa pinakamalapit na silya. "Ikaw ba, anong trabaho mo sa Maynila?" Tanong ni Nay Selda saakin. "Doctor po ako dun." l answered then shrugged.  Bumaling naman siya sa'akin. Mukhang nagulat pa. “Pero bata ka pa para maging doctor ah?” Nagtataka nilang tanong. Tumango lang ako at ngumiti ng matamis. “Nagka-academic acceleration po kami ni Coleen noong nag-aaral pa lang kami.” Paliwanag ko. Kumunot naman ang noo ng dalawa pero tumawa rin pagkatapos. "Hindi ko gaanong alam iyon pero alam kong matalino kayo ng kapatid mo.” Nana Sela said. “Matalino at magandang dalaga." Manghang sabi naman nj Nanay Matda. Ngumiti lang ako. "Salamat po." "Nakapunta ka na ba dito dati?" Tanong pa nila. Tumango ako. "Opo, pero dahil sa trabaho lang po ‘yun. Kasama ang kapwa ko doctor. Sa Adams yata 'yun." Sagot ko sa kanila. Tumango naman ulit sila bilang pagsang-ayon. Habang nagluluto sila, panay ang tanong nila na sinasagot ko naman. Nagkakatuwaan din kami dahil mapagbiro pala ang dalawang matanda. Masaya daw sila na nandito ako dahil minsan lang dumalaw sina Gerald at Coleen dito. "Nay? Ano po ba ang...nagpintas?" Takang tanong ko sa kanya mayamaya. Narinig ko na rin sakanila ito pero ngayon ko lang naalalang tanungin. "Maganda ‘yun sa Ilocano." Sagot ni Nanay. Tumango tango ako. Maganda pala ang ibig sabihin 'nun. "Gutom ka na ba?" Tanong nila nang nahinto na kami pagdadaldal. Iiling na sana ako ng maamoy ko ang luto nila. Tumawa sila sa reaksyon ko at natawa na din ako. Nakakagutom naman talaga ang pinakbet. "Ano po bang ang opo sa Ilocano?" Tanong ko ulit sa kanila. "Wen." She answered. I smiled. Mukhang madali lang pala. "Nay, tanong niyo ulit." Sabi ko sa kanya. Natuwa ang dalawang matanda. "Mabisin kan?" 'Yan ang tanong nila. Ako naman ay napakunot noo. Ano raw? "Po?" Naguguluhang tanong ko. Ang sabi ko, ulitin ang tanong. Hindi ko naman maintindihan ang tanong niya ngayon. "Kako, gutom ka na?" Natatawang sabi nila sa’akin. "Nanay naman, pinagtritripan niyo ako." Nakanguso kong sabi. Kumuha siya ng pinggan at ibinigay sakin. "Hindi naman a. Gusto mo ba talagang matuto ng Ilocano?" Tanong niya habang naghahain sa mesa. Sabay-sabay kasi kaming kumain dahil naiilang ako kahapon ng ako lang mag isa. "Siguro po, dito ako titira ng isang buwan e. Baka mamaya minumura na nila ako, hindi ko pa alam." Natatawang sagot ko rito. Napalabi naman ito. "Bakit naman nila mumurahin ang kasing ganda mo? Mababait ang mga taga rito ineng." Payo niya sa’akin. "At tulad ka rin ni Coleen noon, ganyang-ganyan din ang reaksyon niya noon." Tumawa siya.  "Basta po 'Nay, turuan niyo ako ha?" Pangungulit ko. Ngumiti lamang siya sa’akin at hinawakan ang pisngi ko. "Wen." She answered. Tumango ako. (oo/opo) Pagkatapos naming kumain, napagdesisyunan kong magikot-ikot muna, dinala ko ang kotse ko para mas madali. Hindi naman katulad ng Maynila. Malinis ang Laoag, presko ang hangin at hindi gaanong mabigat ang traffic. Kung saan-saan ako napadpad, nag-grocery pa ako para saamin nina Nanay Selda. Nahihiya kasi ako kay Gerald dahil siya ang gumagastos para sa kinakain ko. May pera na naman ako at hindi na niya ako responsibilidad.   PAUWI NA AKO bandang alas tres na ng hapon, nagtake out na lang ako ng kakainin namin. Bumusina ako ng nasa harapan na ako ng gate. Pakanta-kanta pa ako at napatingin sa paligid. Saan kaya dito ang bahay ng matandang nakita ko noon?  Bubusina sana ulit ako ng may makita akong babae sa harapan. Parang nanghihina ito dahil sa init at...shit! May dala itong bata!  Agad akong bumaba ng sasakyan at tinakbo ang puwesto nila. "Miss, ano nangyayari? Ba't duguan ka? Ang init-init dito!" Sabi ko sa kanya. Nakayuko kasi ito habang hawak hawak ang bata, umiiyak at nanghihina na rin siya. I tapped her hands. "Miss..." Nag-angat ito ng tingin sabay hawak sa kamay ko. Biglang nanlaki ang mga mata ko! Kilala ko 'to! "Kate?" Takang tanong ko! Batch ko 'to sa high school! Sakto namang lumabas sina Nanay Selda at lumapit sa'amin. "Diyos ko! Anong nangyayari dito Naveen?" Hysterical na tanong niya at agad lumapit. Lumapit pa sina Manong Nando. Agad kong binuhat ang bata at binigay sa kanila. Hinawakan ko siya sa balikat at tinulungang tumayo pero pinigilan niya ako. "Kate, halika na. Asan ba ang---" Napatigil ako ng makita ko ang saksak niya sa likod! Ni hindi ko napansin ang mga dugo sa mga dinaanan niya! "Naveen..." "May saksak ka pala sa likod! Manong, pakibuhat po siya para madala na natin sa ospital!" Utos ko kay Manong Nando. Agadd naman itong tumalima. Binilin ko kay Nanay Selda ang bata at dali-daling sumakay sa kotse para maagapan pa ang pagdaloy ng dugo ni Kate. "Naveen…" "Shhh. Hold on, malapit na tayo sa ospital. Lumaban ka para sa anak mo." Sabi ko sa kanya. Ang dating puti niyang damit, ngayon ay pula na. Namunutla na rin ito. I tried to give her first aid pero hindi na ito nakatulong. Sa likod ang saksak niya at malapit sa puso tumama ang nagamit na matulis na bagay. Minura ko ang sarili ko sa isipan ko! Doctor ako at hindi ko napansin ang saksak niya sa likod kanina! Ano bang nangyayari sakin?! Hinawakan nito ang kamay ko. Nanginginig pero ng tignan ko siya ay pilit pa rin siyang ngumiti. "Naveen, alagaan mom una ang baby ko. Ang pangalan ng tatay niya ay---" Napapikit ako ng lumuwag ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko! I calm myself before opening my eyes again. "Kate?" Tawag ko ng pansin nito. Tinapik ko ng mahina ang pisngi niya pero hindi na sumagot. "Kate..." Tawag ko ulit. I checked her pulse and I bowed my head. Wala na. Hindi ko na siya nailigtas. Hindi rin siya umabot sa ospital. Napamura ulit ako. Nagkatinginan kami ni Mang Nando, umiling ako sa kanya. Tumingin ulit ako sa maputlang Kate, wala na itong buhay. Kawawa naman ang bata, lalaking walang ina. "I'm sorry Kate." Paumanhin ko sa kanya na parang naririnig pa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD