3
Naveen's POV
Nakatulala ako habang nasa biyahe kami pauwi. Ala sais na ng gabi at madilim na rin ang paligid. Inasikaso ko muna ang bangkay ni Kate kanina dahil wala naman kaming ma-kontak na relatives niya. Napailing na lang ako ng maalala ko ang nangyari kanina.
Sa tagal kong naging doctor, ngayon lang ako naging absent-minded. Nalulungkot ako dahil hindi ko natulungan ang dating kaklase ko. Namatay siya kasama pa niya ang isang doctor na kagaya ko.
I sighed again then look outside the window.
"Ma'am, 'wag niyong sisihin ang sarili niyo. Sabi niyo nga, marami nang nawalang dugo sa kanya. Nakita ko pa ‘yun minsan e, parang binubogbog ng asawa." Napatingin ako kay Mang Nando sa sinabi nito, asawa? May tatay na ang anak nito?
"Pero bakit po ang bilin niya ay hanapin ko ang tatay ng bata?" Takang tanong ko. Tinignan niya lang ako gamit ang rear view mirror bago muling ituon ang tingin sa daan.
"Ang bali-balita po e hindi daw siya ang tatay ng bata, kawawa nga po dahil mali ang pagtrato nila sa kanya. Wala na rin kasi ang mga magulang ni Kate." Paliwanag nito.
Tumango ako bilang sagot. Ang hirap naman ng dinanas ni Kate. Matalino ito at mabait noon. Inaanin ko ring ayoko sa kanya kasi puro aral siya noon.
Uh. Iba talaga ang buhay ngayon.
Pagdating namin sa bahay, bumungad sakin ang iyak ng sanggol at ang nagaalalang boses ni Nana Selda. Agad akong lumapit sa kanila.
"Naku! Buti naman at nakauwi ka na Naveen! Anong gagawin natin sa bata?" Tanong niya sa’akin. Binalita ko kasi kanina na wala na si Kate. Tuluyan na akong nakalapit sa kanila at kinarga ang bata. Tantya ko e nasa eight-month old pa lang ito.
Kawawa naman. Bigla rin siyang natahimik ng nasa bisig ko na ito.
"Binilin ho siya ni Kate sakin e. Pwede po bang dito na rin siya pansamantala?" Paalam ko sa kanila. Nagkatinginan muna silang lahat bago ako balingan ni Nanay.
"Okay lang saamin, pero hija, sigurado ka ba? Hindi biro ang maging ina. Pwede naman natin siyang ibilin sa ampunan." Nag-alaalala niyang bilin sa’akin. Tumingin ulit ako sa sanggol na tahimik na at ngumingiti sa’akin. Biglang natunaw ang puso ko sa mga ngiti nito.
"Sanay po akong mag-alaga dahil kay Coleen. Halos kaming tatlo lang kasi ang nagpalaki sa anak niya." Sabi ko sa kanila.
Ayaw kasi ni Coleen na maghire ng yaya kaya silang magasawa o kaya naman ako ang palaging kasama ng anak nila.
Tinignan ko ulit sila. Kung kailangan kong magmakaawa para manatili sa'akin ang bata ay gagawin ko.
"Oh siya. Ikaw na ang bahala. Ang problema natin ngayon, ang mga kailangan niyan." Sabi sa’akin ni Nanay at tinignan muli ang sanggol "Tatlong pares lang nang damit pambata ang nakita ko." Singit naman ni Nana Matda habang pinapakita ang mga damit pambata. Halata ring luma na ito.
"Sa apo ko ito, naiwan lang ng umalis sila dito." Sabi pa niya at tumango lang ako.
"Ako na po ang bahala dun. Bibili din ako bukas..." Sabi ko sa kanila. Nang matapos ang usapan namin ay pumunta na sina Nana Matda at Mang Nando sa kusina kaya naiwan kami ni Nanay Salud sa sala.
"Ikaw ba'y sigurado na talaga?" Tanong nito sakin. Tumingin ako sa kanya at marahan na tumango.
"Wen nana." Sagot ko sa kanya. Ngumiti lamang siya pabalik at tinapik ang balikat ko.
"Napakaswerte nang mapapangasawa mong bata ka." Sabi niya sa’akin. Ngumiti lang ako.
"Salamat po." Sagot ko na lang rito. Napatingin kaming dalawa sa batang karga ko ng humagikgik ito. Natuwa ako dahil ang inosente ng tawa nito.
"Ang gwapong bata. Nalulungkot ako sa sinapit ng ina niya." Umiiling na wika niya habang nakatitig sa sanggol. Napailing din ako.
"Oo nga po 'Nay, pero aalagaan ko rin siyang mabuti at ibibigay ang makakaya ko. Hangga’t hindi pa nahahanap ang totoong ama niya." Determinadong sabi ko sa kanya.
"Napakabait mo talagang bata ineng, may nobyo ka bang naiwan sa Maynila?" Usisa nito sakin. Ako naman ay natigilan at ngumiti ng tipid.
"Wala po akong boyfriend." Nahihiyang pag-aamin ko. Ito naman ang natigilan at tumitig sa mukha ko. Tiyak na tatawanan ako ni Coleen kapag nandito siya ngayon. Pinipilit niya ring pumasok ako sa relasyon pero hindi ko talaga alam kung bakit ayoko.
"Sa ganda mong 'yan? Naku! Bakit naman? Pihikan ka ba?" Tanong niya. Umiling ako bilang sagot. Paano ba ako magiging pihikan kung aamin pa lang sila ay sinasabi ko ng wala silang pag-asa? Kaysa naman sa patagalin ko pero sa bandang huli ay aayaw din ako.
"Hindi naman po sa ganun." I started then looked at the baby again. "May mga nanliligaw din naman pero ayoko po talagang pumasok sa isang relasyon kung hindi ko siya mahal." Paliwanag ko. Alam ko ring natututunan ang pagmamahal pero naniniwala ako sa spark.
Yes. I'm old enough to believe in that but I'm still looking for that spark.
"Ibang-iba ka talagang mag-isip Naveen, pero paano nga pala ang mga magulang mo? Baka hindi sila pumayag sa desisyon mo?" Nag-aalalang tanong ulit niya.
Komplikado nga pero ito ang gusto ko.
"Kaya ko namang magpalaki ng bata 'Nay. Hindi ko naman sinasabi na aampunin ko siya ngayon dahil kailangan ko ding hanapin ang ama niya. Pero kung hindi natin makita, ako na pong bahala doon. Besides, wala sila ngayon sa Pilipinas. Hahanapin ko pa rin ang tatay nito at sana, mahanap ko siya bago umuwi ang mga magulang ko rito." Sagot ko.
Pagkatapos namin mag-usap, pinatulog ko na rin ang bata at pumunta sa kwarto ko. Maingat ko itong inilapang sa aking kama at tinitigang mabuti.
"Ni hindi ko alam ang pangalan mo, kung saan ko hahanapin ang Daddy mo. Pero mamahalin kita at ituturing na akin. Mommy Naveen loves you." I whispered then caressed his soft cheeks.
"I'll call you Gelo for the mean time." Sabi ko ulit sa kanya. "Angelo. Is that okay?" I asked then smiled a bit when I realized he's not going to answer my question.
Iisa lang ang hinihiling ko ngayon, ang maintindihan ng mga magulang ko ang sitwasyon. Sana rin ay maintindihan nila ang desisyon ko, at suportahan nila ako.