Naveen's POV Napansin kong kanina pa siya nakangisi habang papunta kami sa stage at sa totoo lang din, kanina ko pa siya gustong patayin. "Sinong magaakala na ikaw lang pala ang mapapangasawa ko?" He asked me then smirked. Nasa stage na kami ngayon at kung nasa malayo ka, alam kong para lang kaming naguusap habang ngingiti-ngiti sa isa't isa. Hindi ko din alam kong paano ko kinayang pumunta dito gayong ayoko sa kanya. Everything is still sinking in. "Oo nga ‘noh? Sa lahat ng lalake, ikaw pala ang magiging asawa ko." Sagot ko rito na punong-puno ng sarkastiko tapos ngumiti pa ako ng matamis. I just saw his jaw tightened. Hindi na lang din ito nagkomento at tumingin na lang sa mga taong nandito. Nakaabrisete pa rin ako sa kanya kaya pasimple ko itong tinaggal at lumayo na rin ng kaunti.

