11 - MSG Moreno

2403 Words
NAGKASABAY sa doorway sila Gray at Emerald. Hindi niya pinansin ang madrasta pero nararamdaman niya ang mga titig nito sa kaniya. Gusto niya itong konprontahin at tanungin kung saan kumukuha ng lakas ng loob na titigan siya ng ganoon pagkatapos ng ginawa nito kaninang madaling araw, lamang ay importante ang kaniyang lakad at wala siyang oras para harapin ito. Nagpatuloy siya sa paglakad hanggang makarating sa garage kung saan nakaparada ang kaniyang sasakyan. "Sa'yo na ako sasabay," narinig niyang sabi ni Emerald sa kaniyang likuran kaya naudlot siya sa pagbubukas ng car door at tiningnan ito. "Papunta ako sa ospital pero hindi kay Daddy, luluwas ako ng Manila para bumisita sa Urologist—" naputol mismo ang kaniyang sinasabi nang maisip na sobra na ang dila niya, itini-tsismis na niya ang sarili sa madrasta. Nakita niya ang pagtitig sa kaniya ni Emerald pati na rin ang pagbaba ng tingin nito sa kaniyang pagka.lalaki bagay na gusto niyang ikairita. Kumilos siya at tuluyang binuksan ang pintuan ng kaniyang kotse. "Sasama ako sa'yo," anito. "Hindi puwede," maikling pagtanggi niya. Sumakay siya sa kotse at naupo sa driver seat. Akmang kakabigin na niya ang pintuan nang bigla ay mapaigik na lamang siya. Paano ba naman ay bigla na lang siyang tinadyakan ni Emerald sa kaniyang balikat at dahil hindi niya inaasahang gagawin nito iyon ay nawalan siya ng balanse at bahagyang nahulog sa upuan. Napakalakas nito, babae ba talaga ito? Mabilis pa sa alas kuwatrong nakasakay ito at nakaupo sa driver seat na bahagya niyang nabakante. Tiim-bagang siyang napatingin dito. "Umalis ka nga," matigas niyang utos dito pero hindi ito nagpatinag. Kinabig nito ang pintuan ng sasakyan sabay lahad ng palad sa kaniya. "Susi." "Hindi." "Susi." "Hindi nga eh, bumaba ka." Itinulak niya ito pero nakipagmatigasan ito. "Pinag-bakasyon ng Dad mo si Steve, wala si Ricky kaya ako ang inutusan niyang maging personal driver at bodyguard mo ngayon." Pasinghap siyang napangisi. "Bakit ako ang babantayan mo? Hindi ba dapat si Daddy—" "Nasa ospital si Shane," putol nito sa kaniya. Ang taga-linis sa ikalawang palapag ng kanilang mansiyon ang tinutukoy nito. "Ito ang order ng iyong ama, hindi ko p'wedeng baliin." Maanghang siyang napatawa. "Order? Ano ka ba niya? 'Di ba asawa ka niya at hindi utusan." "Whatever, sasama ako sa pagluwas mo, tapos." Muli nitong inilahad ang palad sa kaniya. "Susi." Hindi siya nagsalita bagkos ay inis na kumilos at umupo sa mismong kandungan ni Emerald. Narinig niya ang pasimple nitong pagdaing. "Umalis ka nga, ambigat mo!" pagtataboy nito sa kaniya. "Aalis ako kung ipapangako mong bababa ka rito sa kotse ko." "Hindi." "Oh, eh 'di hindi rin. Wala akong paki' kung makarating tayo sa Maynila na para ka na si Duffy Duck lumakad," pang-aasar niya sa madrasta saka ini-start na ang makina ng sasakyan. Ngunit mukhang hindi talaga ito patitinag, tumahimik ito at hinayaan siya sa ginagawa niya. 'Buwisit!' inis na sa loob-loob niya. Pinaharurot niya ang kaniyang sasakyan nang makalabas sa awtomatikong tarangkahan ng mansiyon. Hindi pa rin ito sumuko kahit pa nga nakatakbo na sila ng medyo malayo. Napatiim-bagang siya sa gigil dito. Tingnan lang niya kung hindi sumuko itong makulit niyang madrasta. Kinabig niya ang manibela at tinungo ang direksiyon papunta sa malaking parke. Kahit ganito pa kaaga ay madami na ang tao nagpupunta roon, kaya naman nang ipasok niya ang sasakyan doon ay diniinan niya ang busina. "Ano ba'ng ginagawa mo? Madaming tao, baka makasagasa ka rito!" nag-aalalang bulyaw nito sa kaniya. Hindi niya pinansin ang madrasta lalo pa at ang mga tao sa loob ng parke ay mabilis namang nagtabihan dahil sa ingay ng kaniyang busina. "Gray, ano ba!?" bulyaw ni Emerald sa kaniya sabay kurot sa tagiliran niya. Napakislot siya pakanan pero kinagat niya ang ibabang labi para tiisin ang sakit. Tutal naman ay heto na, mapapasuko na niya ito. Mataas ang kabilang bahagi ng parke, kaya naman mayroon doong nasa pitong baitang na hagdanan pababa bago ang kalsada. Doon niya pinadaan ang kaniyang kotse. Napatili si Emerald ng lumundag-lundag pababa roon ang kaniyang sasakyan habang siya ay umugtul-ugtol sa kandungan nito. Gusto niyang mapatawa pero hindi niya iyon magawa dahil sa pagtudo nito ng kurot sa kaniya na sa pagkakataong iyan ay sa tigkabilang tagiliran na niya. Pabalagbag na sumapit sa gitna ng kalsada ang kaniyang sasakyan at muntik ng lumikha ng aksidente. Narinig niya ang pagbusina ng mga sasakyan na muntik na magkarambula dahil sa biglaang mga pagpreno. "Nakita mo na!? Magku-cause ka pa ng aksidente eh!" singhal nito sa kaniya. Hindi pa rin niya ito pinansin bagkos ay kinabig ang manibela upang ilagay sa tamang lane ang kaniyang kotse, tapos ay muling pinaharurot. "Mabigat ako, hindi ba? Lumimpi ka na at bumaba," sabi niya habang abala sa pagpapatakbo ng sasakyan. "Why would I do that?" tanong nito. "Kung kaya naman kitang papayagin na manatili ako rito." Napakunot ang kaniyang noo at saglit na napatunghay sa kaniyang sarili nang maramdaman ang pagpasok ng kamay nito sa loob ng kaniyang t-shirt. "Ano'ng ginagawa mo!?" inis na paninita niya sa madrasta. Hindi ito nagsalita bagkos ay humaplos ang mainit nitong palad sa kaniyang abs pababa sa kaniyang puson. Napalunok siya nang madama ang kaaya-kaayang kilabot na mabilis na gumapang sa buo niyang katawan, at labis niyang ikinaiinis ang ganoong pakiramdam. "Frick!" pigil na bulalas niya. "Step-mommy, aunty," sabi niya upang ipaalala rito kung ano ang kaugnayan nila sa isa't isa para mapahiya ito't maawat sa ginagawa sa kaniya. Ngunit hindi ito nasawata bagkos ay humaplos pa ang palad nito pababa papasok sa loob ng suot niyang pantalon. "s**t, Emerald! Stop doing this s**t!" madiing saway niya rito sabay tapak sa preno ng sasakyan. Muntik pa siyang mapasubsob sa manibela dahil sa biglaang paghinto ng kaniyang kotse sa gilid ng kalsada. Pikit ang mga mata at habol ang hiningang umayos siya ng pagkakaupo sa kandungan nito habang mariin ang hawak sa manibela. "Gusto mo bang isumbong kita kay Daddy, hah?!" Tumingin siya sa rearview mirror upang matingnan ito. Tiningnan din siya nito sa pamamagitan niyon at nagtitigan sila roon. Nasa mga mata niya ang pagbabanta habang nasa mga mata nito ang paghahamon. "As if naman kung maniniwala siya sa'yo, gayong alam niya na hindi mo ako gusto." Sarkastiko itong ngumiti. Napatiim-bagang siya sabay hawak sa mga braso nito at marahas na inalis sa kaniyang baywang, ngunit pagkatapos niyan ay agad din siyang natigilan at napaisip. Hindi ba at ang nais niya ay patunayan sa kaniyang ama na nagkamali ito na pinakasalan ang babaeng ito? Puwes, pagkakataon na niya ito. Kung hahayaan niya itong mapalapit sa kaniya ay maisasakatuparan niya ang kaniyang layunin. "Okay, fine," aniya kapagkuwan. "Panalo ka na, pumapayag na akong sumama ka pero sa isang kondisyon, ako ang magda-drive ng kotse." Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Iyon lang naman pala eh, pinaabot mo pa rito." Itinulak siya nito paalis sa kandungan nito. Inangat niya ang kaniyang pang-upo para makaalis ito at makalipat sa passenger seat. "Napilayan yata ako," gumod nito. Lihim siyang napangiti. 'Mabuti na nga sa'yo,' aniya sa isip. Nang makaayos siya ng upo ay tiningnan niya ito sa kaniyang tabi na nang mga sandaling iyan ay abala sa pagsi-seatbelt. Wala sa loob niya ang biglaang paglamlam ng kaniyang mga mata habang nakatitig sa madrasta nang ma-imagine ang ginawa nitong paghaplos sa kaniyang tiyan. Pakiwari niya ay nanindig ang kaniyang mga balahibo dahil sa kaaya-ayang kilabot na gumapang sa buong katawan niya. 'Napaka-pamilyar sa aking kaibuturan ang pakiramdam na dinulot mo, Emerald,' piping turan niya sa kaniyang isipan. Nasa ganiyang ayos at pag-iisip siya nang iangat nito ang mukha sabay tingin sa kaniya. Huling-huli nito ang malamlam niyang titig at hindi niya nagawang ialis ang mga mga rito. Pumitik ang kaliwang kilay nito. "Guwapo ka naman pala kapag ganiyang kalmado," wika nito bago iniiwas ang tingin sa kaniya at tumanaw sa labas ng windscreen. Hindi siya nagsalita at paismid na iniiwas ang tingin sa madrasta. Sarkastiko pa siyang ngumiti bago umayos ng upo at muling pinausad ang sasakyan. Dahil nakatuon na sa kalsada ang kaniyang mga mata ay hindi niya nakita ang muli nitong pagtingin sa kaniya. Tinitigan siya nito sa malamlam na paraan. *** PAGKARAAN ng mahabang oras ay pumarada ang sinasakyan nila sa parking lot ng isang pribadong ospital. Napakunot ang noo ni Emerald habang inililigid ang paningin sa labas ng sasakyan, pamilyar sa kaniya ang lugar na iyon. Ang sabi ni Gray ay sa Manila sila pupunta, mukhang sinubukan siya nitong iligaw kanina kung saan talaga ito patungo. Kung sabagay, kabilang naman sa sixteen cities ng Manila ang Quezon City kung saan sila naroon ngayon. Sinilip niya sa labas ng windscreen ang pangalan ng ospital. Napabuntong-hininga siya, ang ospital na kinaroroona nila ay nasa eight hundred meters lamang ang layo buhat sa V. Luna General Hospital o mas kilalang Armed Forces of the Philippines Medical Center. "Bakit dito—" "Dito mo na lang ako hintayin sa sasakyan," putol nito sa kaniya sabay alis sa seatbelt nito. Kaagad itong kumilos at bumaba sa kotse kayaa naman hindi na siya nagtanong o umapila pa. Mabuti na ring manatili siya sa loob ng sasakyan, marami siyang kakilala sa lugar na ito at ayaw niyang makita siya ng mga iyon na kasama si Gray. Inihatid niya ng tanaw ang binata habang naglalakad ito patungo sa entrance ng ospital, at wala sa loob na sumilay ang paghanga sa kaniyang mga mata. Guwapo si Gray, matangkad ito at lalaking-lalaki kung kumilos. Maganda ang pangangatawan nito at tiyak na maraming babae ang nagnanais na makulong sa mga bisig nito at madama ang matitigas nitong dibdib, pero gusto niyang pagtakahan kung bakit sa edad nito ay hindi pa ito nag-aasawa. Nabanggit ni Gael sa kaniya na malapit daw ito sa lalaking nakita niya sa pool kaninang madaling-araw, kay Ndrew Jhon. Guwapo ang lalaking iyon at matikas ang pangangatawan, pero kakatwang nagsusuot ito ng floral na panty. Hindi tuloy niya mapigil na isipin na baka bading ang Ndrew na iyon maging itong si Gray, lalo na sa reaksiyon nito sa ginawa niya kanina. Bading nga ba si Gray? Ah, hindi. May bahagi ng kaniyang isipan ang nagpapatunay na mali ang iniisip niya, iyon ay isang bagay na ayaw sana niyang naaalala pa. Napabuntong-hininga siya ngunit agad ding natigilan at kapagkuwan ay napaunat sa kaniyang kinauupuan. Parang ilang sandali pa lang nawawala sa paningin niya si Gray nang makapasok ito sa entrance ng ospital, pero heto na ito ngayon at pabalik na muli roon sa sasakyan na hindi na nag-iisa. Ipinagkit niya ang tingin kay Gray at sa kasama nitong babae na hayun at nakasuot pa ng lab coat. Hindi niya nilubayan ng tingin ang mga ito hanggang makalapit sa sasakyan kung saan siya naghihintay. Binuksan ni Gray ang pintuan sa driver seat at niyukod siya sa loob. "Tita, okay lang po ba kung sa backseat ka na muna maupo?" normal ang tonong tanong nito sa kaniya na bahagyang nagpakunot sa noo niya. Tita? Tinawag siya nitong tita. Tumikhim siya. "O-oo naman, bakit hindi?" Kumilos siya at bumaba sa sasakyan para lumipat sa backseat. Nang ganap siyang makababa ay tumingin siya sa doktora na kasama ni Gray. Hawak ito ng binata sa siko at marahang iginigiya sa passenger seat. Natigilan sandali ang doktorang ito nang mapatingin sa kaniya pero kapagkuwan ay tumingin kay Gray. "T-Tita mo siya?" mahinang tanong nito kay Gray pero malinaw na nakarating sa pandinig niya. Tiningnan siya ng binata at parang noon lang naalala na ipakilala sila sa isa't isa. "Ah, oo. Dra. Kayleigh si Tita Emerald pala, stepmom ko siya at ah. . .Tita, si Dra Kayleigh, urologist ko," pagpapakilala nito sa kanilang dalawa. 'Urologist!?' nabigla niyang react sa isip. Gusto niyang mapamata sa binata. Ano ang problema sa ari nito at kailangan nitong kumunsolta sa Urologist? Sa urologist na ganito kabata at kaganda. Hindi tuloy niya maiwasan ang pag-iral ng malisyoso niyang isipan. Si Dra Kayleigh na mismo ang kumilos at lumapit sa kaniya para makipag-kamay. Kaagad niyang tinanggap ang palad nito at saglit silang nagshakehands. Siya na ang unang bumitaw at niluwangan ang bukas sa pintuan ng sasakyan. "Hop in, please," mahinahong wika niya rito. Ngumiti ito ng manipis. "Salamat," sabi nito at kumilos na para sumakay pero agad ding napahinto bago tumingin kay Gray. "Nakalimutan ko palang hubarin ang lab coat ko, okay lang ba na—" "Yes, of course," putol niya rito. Siya na ang sumagot para kay Gray. "Tiyak naman na nag-sanitize ka, `di ba?" Tumingin ito sa kaniya at manipis na ngumiti bago kumilos at sumakay ng tuluyan sa loob ng sasakyan. Inilapat niya ang car door tapos ay tumingin kay Gray. Dinaan niya sa tingin ang konprontasyon kay Gray. "Tanghali na kase kaya inaya ko siyang mag-lunch," paliwanag nito sa kaniya bago kumilos at lumigid patungo sa driver seat. 'Wow!' sa isip niya. 'Ganiyan kaya lahat ng mga patient ng urologist?' Hindi niya isinatinig ang pagdududa o marahil ay tamang sabihin na paninibugho. Kumilos na rin siya upang sumakay sa backseat nang matigilan dahil may nahagip na bulto ang sulok ng kaniyang mga mata. Tumingin siya sa bahaging iyon at kagyat na natigilan nang makita ang lalaking lumalakad palapit sa kinatatayuan niya. "L.T.?" paniniyak na tawag nito sa kaniya. Hindi siya nakasagot habang si Gray naman ay naudlot sa gagawin sanang pagbukas sa pintuan sa driver seat at awtomatikong napatingin sa kanila ng lalaking ito na ngayon ay nasa harap na niya. Hinagod niya ng naninitang tingin ang lalaking ito sa harap niya na nakasuot ng military uniform at mabilis itong nakahalata. "Ibig kong sabihin, Emery," bawi nito sa paraang ginamit nang tawagin siya. "Kailan ka pa—" "Kunwari hindi mo ako nakita rito, MSG Moreno," pormal na sabi niya. "Sabihin mo kay Eric, bibisita ako kapag may panahon ako. Pasensiya na kamo kung hindi ko na siya naimbita sa araw ng kasal ko at imbes ay larawan na lamang ng wedding ko ang nakarating sa kaniya." Kumilos siya at binuksan ang pintuan ng sasakyan ni Gray. Tiningnan siya ni MSG Moreno ng namamasa nitong mga mata kung saan ay namimintana ang panghihinayang. Umangat ang kamay nito upang tangkaing hawakan sana siya sa kaniyang braso pero napatiim-bagang ito't ibinaba ang nakuyom na kamao. Sumakay siya sa backseat ng sasakyan at kinabig ang pintuan. Umangat ang namamasang mga mata ni MSG Moreno at lumanding iyon kay Gray na noon ay matamang nakatitig dito. Ilang sandaling nagtitigan ang mga ito bago kumilos si Gray at sumakay sa sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD