10 - Violent Kiss

2893 Words
NAKAUPO sa couch si Gray na naroon sa pribadong silid ng ospital kung saan naka-admit ang kaniyang ama. Napatuwid siya sa kaniyang pagkakaupo nang makita niyang nagbukas ang mga mata nito. Tumitig ito sa kisame na wari ba'y inalala kung nasaan ito o kung ano'ng nangyari bago ito napunta sa silid na kinaroroonan nito ngayon. Dapat siyang matuwa dahil sa tingin niya ay epektibo ang pamamastidyo niya rito, ngunit may bahagi ng kalooban niya ang bumibigat sa isip na muntik na itong mapahamak dahil sa nangyari sa kaniya. Ibinuka niya ang kaniyang bibig upang tawagin ito ngunit naudlot siya nang bumukas ang dahon ng pintuan. Awtomatiko siyang napatingin doon. Nakita niya ang pagbungad ni Emerald, natigilan ito sa paghakbang nang masalubong ang kaniyang tingin. "Gray..." tawag ng ama niya sa kaniya kaya naman ibinalik niya ang tingin dito. Tumayo siya buhat sa kaniyang pagkakaupo at lumapit sa kinahihigaan nito. "Daddy, kumusta na ang pakiramdam mo?" Hindi ito sumagot bagkos ay pinagmasdan ang mukha niyang may mga bangas. Iniiwas niya ang tingin dito at napakurap-kurap habang napapatiim-bagang. Gusto niya itong konprontahin kung bakit si Emerald ang pinapunta nito sa bar imbes na ang isa sa mga bodyguards nito. "Napanood ko sa isa sa mga social media ang nangyari," anito, kunot-noo niya itong tiningnan. Mukhang masesrmonan siya nito. Idinako niya ang tingin kay Emerald na nang mga sandaling iyan ay nakamasid sa kanila buhat sa kinatatayuan nito. Gusto niya itong itaboy ng verbal-an. 'Wala ba siyang isip?' inis na sa loob-loob niya. Usapang mag-ama ito at hindi naman ito ang kaniyang ina, bakit hindi nito maisip na magkusang umalis at iwanan silang upang makapag-usap? Ibinalik niya ang tingin sa ama. "Pasensiya ka na Dad, kung nakaladkad ko sa—" "Ayos lang naman sa akin kung hindi mo na isaalang-alang ang aking reputasyon," putol nito sa kaniya sa mahinahong tono. "Pero sana, naisip mo man lang ang reputasyon mo. Hindi lingid sa kaalaman ko, na sa kabila ng kabalbalan ko sa aking panunungkulan ay inirespeto ako ng mamamayan sa lalawigang ito sapagkat dahil sa'yo, nakikita ka nila sa likuran ko. Sana, hindi mo hayaang masira ang imahe mo sa publiko, para sa darating na eleksiyon tiyak na ikaw ang mananalo." Maanghang siyang napangiti. Wala naman siyang planong tumakbong gobernador sa susunod na eleksyon. "Wala ng dapat ipag-alala," sabad ni Emerald na siyang nagpaangat sa mga kilay niya. Tiningnan niya ito. "Nabigyan ko na ng solusyon ang problema sa kumalat na video sa social media." Nakatingin ito sa kaniyang ama habang sinasabi iyan. "Si Steve, okay na siya." Tumingin ito sa kaniya. "Sa susunod, bago ka gumawa ng hakbang tiyakin mong hindi ka matatapilok lalo na kung alam mo namang hindi lang ikaw ang maaapektuhan." Napatulala siya rito bago pasinghap na napatawa. Sino ba ito sa akala nito para pagsalitaan siya ng ganito? Sinulyapan niya ang kaniyang ama bago muling tiningnan ng matalim ang madrasta. 'Hindi ikaw ang aking ina kaya wala kang karapatang sermonan ako!' gusto niya iyang isatinig pero nagtimpi siya. Ang gusto niya ay ito ang maging masama sa paningin ng kaniyang ama at hindi siya. "Aalis na ako, Dad." Lumakad siya patungo sa pintuan kung saan naroon pa rin nakatayo si Emerald. "Gray, saan ka pupunta?" tanong ng kaniyang ama. "Kinakausap pa kita," dugtong pa nito ngunit hindi niya pinansin pa. Huminto siya sa tapat ni Emerald. "Sa susunod, bubunutin ko na ang dila mo," paanas na banta niya rito bago nagpatuloy sa paglakad palabas sa pintuan. Saglit pa siyang natigilan nang sa paglabas ay makita ang driver at dalawang bodyguard ng kaniyang ama. "Magandang gabi po, Sir Gray," halos korus pang bati ng mga ito sa kaniya. "Magandang gabi," malamig ang boses na bati rin niya sa mga ito bago nagpatuloy sa paglakad. Habang naglalakad sa hallway ay dinukot niya ang kaniyang selpon sa bulsa at tinawagan ang numero ni Ndrew Jhon. Masama ang loob niya at ito ang gusto niyang kausap. *** KAAGAD na lumabas sa kaniyang silid si Gray upang salubungin sa main door si Ndrew. Tumawag ang guard sa gate ng kanilang mansion at ipinaabot sa kaniya ang pagdating nito. Inimbitahan niya itong si Ndrew upang magtungo roon at samahan siyang uminom. Noong una ay hindi ito pumayag pero pasalamat na lang dahil narinig ni Elaina ang pag-uusap nila kaya ito na mismo ang nagtulak kay Ndrew para paunlakan siya. Ilang sandali lamang ay sinapit niya ang main door at kagyat na natigilan nang bumungad doon si Ndrew ng hindi nag-iisa. Kasama nito sila Atty. Samuel at Robbie na siyang may bitbit sa isang galon na puno ng lambanog. "Lasingan kamo ang nais mo," seryosong sabi ni Ndrew sa kaniya tapos ay tiningnan si Robbie. "Gusto kong ipatikim sa iyo ang lambanog na regalo sa akin ng isa sa mga tao ko sa plantasyon ng kape." Ngumiti siya ng maluwang sabay tingin sa galon na pasan ni Robbie. "Tamang-tama, gusto ko ngang makatikim ng lambanog na iyan," turan niya sabay hakbang palapit kay Robbie upang kunin ang galon dito. "Akina, Robbie, ako na ang magdadala." Kinuha niya iyon dito. Napaawang ang bibig niya nang maramdaman ang bigat niyon. Mabilis na lumapit si Ndrew upang tulungan siya na dalahin iyon sa kaniyang balikat. "Sabi sa akin ni Mang Thomas, bawal maalog ang lambanog kaya dapat maging maingat ka sa pagdadala ng galon," wikam ni Ndrew habang inilalagay iyon sa balikat niya. Dahil hindi naman siya sanay magbuhat ng mabigat ay kaagad siyang napadaing nang madama ang sakit sa balikat niya nang lumapat ang galon at mapunta doon ang lahat ng bigat niyon. "Ahw shiiii!" patiling daing niya at hindi nakatiis, binitawan niya ang galon ng lambanog at sa malas ay bumagsak iyon sa paa mismo ni Ndrew. "Ahhhw putang... Gray! Buwisit!" umaarikingking na daing nito. "Baka matapon 'yong lambanog!" korus naman nila Atty. Samuel at Robbie at sabay pang dinampot ang galon ng lambanog na nakatumba sa marmol na sahig imbes na daluhan si Ndrew. "Sorry, sorry talaga, Ndrew..." pigil ang tawang paghingi niya ng dispensa rito. Alam niyang pikon na pikon ito sa kaniya ngunit hindi siya nito magawang umbagin. "Saan ba namin ito dadalahin?" tanong ni Robbie sa kaniya na ang tinutukoy ay ang dalang galon ng lambanog. "Sa pool, sa backyard, please?" Binalingan niya si Ndrew at nakita niyang paika-ika ito sa paglakad. "Sandali lang at aalalayan ko si Ndrew. Masakit pa ba? Kaya mo bang lumakad?" "Ano ba sa palagay mo!?" paasik na tanong din nito. Tumawa siya at walang paalam na pinangko ito. "Ano'ng ginagawa mo!?" gulat at paasik na namang tanong nito. "Eh 'di pinadadali ang pagpunta natin sa backyard," nakatawang tugon nito. "Buwisit ka, Gray! Kaya mo akong buhatin pero 'yong isang galong lambanog, hindi!?" inis pero nangingiti na sabi nito sa kaniya bago ipinulupot sa batok niya ang mga braso nito. 'Oo nga noh!' sa isip niya. Ngayon ay para silang perfect newlyweds. "Kung hindi lang naglilihi si Elaina at ayokong basagin ang mga trip niya, hindi mo talaga ako mapapapunta rito," dagdag pang sabi ni Ndrew habang nakatitig sa kaniyang mukha. Gusto niya itong ibagsak matapos marinig ang sinabi nito. Buntis na naman pala si Elaina? Aba, eh nakakarami na ito, samantalang siya ay hindi pa man lamang nakakaisa 'ni wala pa man lang nahahanap na magiging asawa. Tinawanan na lamang niya si Ndrew upang ikubli ang inggit dito. Humakbang na siya upang magtungo sa kinaroroonan ng swimming pool sa backyard ng mansion habang buhat si Ndrew sa mga bisig niya. Nagkatitigan sila Samuel at Robbie bago napailing. "Buntis na naman pala si Elaina, tapos heto silang dalawa ngayon para silang newlywed!" kunot-noo ngunit natatawang sabi ni Robbie. Nagkibit-balikat si Atty Samuel habang napapangiwi at sinisipat silang dalawa ni Ndrew. *** "FEMALE on the floor," malakas na pagkakasabi ni Emerald na siyang pumukaw sa atensiyon nilang apat at umudlot sa kanilang malakas na tawanan. Parang mga dagang nabugaw sila Ndrew, Atty. Samuel at Robbie na mabilis nagsipag-talunan sa swimming pool, medyo nahuli pa ngang bumagsak sa tubig si Ndrew. Dahan-dahang dumako kay Emerald ang matalim na tingin ni Graysen na naiwang nakatayo sa pool deck. Nakatingin din sa kaniya ang madrasta kaya naman kaagad na nagpanumpong ang kanilang mga paningin. "So what? I don't fvcking care about the female on the floor," padaskol na sabi niya sabay taas ng kaliwang kilay. Nakita niya ang paglarawan ng inis sa mukha nito habang nakikipag-sukatan ng tingin sa kaniya. Napatiim-bagang siya. Malakas talaga ang loob ng babaeng ito. Bahagya niyang itinaas ang mukha sabay guhit ng sarkastikong ngiti sa kaniyang labi. Tingnan lang niya kung hanggang saan ang lakas ng loob nito. Hinawakan niya ang tuwalyang nakabalot sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Katatapos niyang itapat ang sarili sa outdoor shower na naroon lamang malapit sa swimming pool kaya inalis na niya ang kaniyang huling saplot sa katawan at tanging tuwalya ang naiwan. Walang alinlangang tinanggal ang pagkakabuhol niyon. Bumagsak iyon sa sahig at kaagad na nahantad sa harapan nito ang kaniyang kahubaran. Nanlaki ang mga mata at napaawang ang bibig ng tatlo sa swimming pool, hindi makapaniwala sa kaniyang ginawa habang ang kaniyang madrasta ay bahagyang napaangat ang kaliwang kilay. Mukhang sa pagkakataong ito ay siya naman ang mananalo kaya naman napangiti siya ng malawak, ngiting tagumpay na agad ding nabahaw nang makitang kumilos si Emerald at humakbang ng mas malapit sa kinatatayuan niya, parang hindi man lang ito naapektuhan. Wala ba talagang takot ang babaeng ito? Tiim-bagang siyang napalunok dahil sa galit dito nang makitang ibinaba nito ang tingin sa kaniyang pagka.lalaki. "That frickin' junior size of yours," nanunuya nitong sabi bago itinaas ang tingin sa mukha niya. Nagpanting ang kaniyang tainga sa pang-iinsulto nito sa kaniya ngunit nagpigil siya. "Where did you get the guts to show that to my sight?" tanong pa nito sa kaniya sa nanunuya pa ring tono. Namasa ang mga mata niya dahil sa galit dito. Gusto niya itong sakalin at iparamdam ang galit niya ngunit nagpigil pa rin siya. Nag-chin up ito sabay halukipkip sa harapan niya. "The clock has banged in zero two hundred hours and you men—" "Who do you think you are to fvck with my decisions pati na rin sa mga gusto kong gawin sa buhay ko?!" putol na tanong niya dito sa gigil na tono. "I'm your—" "Bullshit!" pabulyaw na putol niyang muli sa madrasta. "You're just my father's wife and you'll never be my mother, so don't act like one. Isa pang beses na sabihin mo iyan and I'm gonna fvck your ass hanggang sa hindi ka na makalakad." "Gray!" singit ni Ndrew sa kanila, wari'y hindi na naaatim ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Hindi naman nagsalita ang madrasta niya pero nakita niya ang pagguhit ng galit sa mukha nito. Pumihit ito at humarap sa swimming pool. "Hey," untag nito sa kung sino man sa tatlong naroon. "You, Mister flowery." Maang na napamata rito ang tatlo. Napakunot naman ang noo niya, si Ndrew marahil ang tinutukoy nito. Nakasuot si Ndrew ng floral na panty. Dahil nga naglilihi na naman si Elaina at isa iyon sa trip nito, ang pagsuutin si Ndrew ng ganoong klase ng underwear. "Hindi porque inawat mo ang bunganga ng bastos mong kaibigan ay gusto na kita," wika ni Emerald kay Ndrew bago tumalikod at iniwan sila. Tiim-bagang siyang napatingin sa kanila Ndrew na noon ay maang na nakatingin din sa kaniya. "Bakit hindi mo sinabi na may. . ." nabitin ni Ndrew ang pagsasalita nang kumilos siya at pinulot ang tuwalya saka iyon ibinalot sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan habang lumalakad pasunod kay Emerald. "Saan ka pupunta?" habol na tanong naman ni Atty. Samuel sa kaniya pero hindi niya pinansin. Malalaki ang mga hakbang niya patungo sa glass door kung saan pumasok si Emerald. "Gray!" nag-aalalang tawag ni Ndrew sa kaniya pero hindi rin niya ito pinansin. Umuusok ang lahat ng butas sa katawan niya dahil sa gigil kay Emerald. Sa gigil niya rito parang gusto niya itong ipaghampasan... sa kama? *** NAPAHINTO si Emerald sa paghakbang sa hallway patungo sa inuukupa niyang silid nang maramdaman ang mga yabag sa kaniyang likuran. "Ano ba talagang gusto mong palabasin?!" narinig niyang tanong ni Gray, bakas sa tinig nito ang gigil. Sandali siyang tumitig sa marmol na sahig bago pumihit at humarap dito. "All I want is to make you understand that you shouldn't be having fun like this because you know what your father's condition is. Don't you think, he was hospitalized because of you?" "And I became like this to him because of you," kaagad nitong sabi matapos niyang magsalita. "Wala akong ginagawang masama sa'yo, Gray! Hindi kita maintindihan. Hindi kita inaano, bakit ba!?" medyo tumaas ang boses na tanong niya sa binata. Nauubusan na siya ng pasensiya sa pagiging isip-bata nito. Ilang taon na ba ito at bakit ganito pa rin ito kung umaasta? "Anong petsa na, Gray? Wala ka pa bang planong mag-matured?" Saglit itong hindi nagsalita bagkos ay hinagod ng tingin ang kabuuan ng kaniyang mukha. "Hindi kita gusto para sa Dad ko," padaskol na sabi nito bago tumitig sa kaniyang mga mata. "Pagkatapos ng ginawa mo sa pool, napatunayan ko na tama ang nadarama ko, hindi ka nararapat para sa Dad ko." Napakurap siya habang nakatitig sa binata, gusto niyang mapaluha sa labis na inis dito. Kung makapagsalita ito ay para bang kilalang-kilala na talaga siya nito, ang buong pagkatao niya. "Ilang t**i na ba ang nakita mo bago mo nakita ang sa Dad ko? Mukha kaseng hindi ka na takot makakita niyon?" Nakangisi ito. Bumilis ng triple ang pagtibok ng puso niya dahil sa unti-unting pagkaubos ng pasensya. Kapag hindi siya nakapagpigil talagang sasapakin niya ito. Bumuntong-hininga siya upang mabawasan ang labis na pagkapika tapos ay lumunok siya upang sa paraang iyan ay hawanin ang lalamunan niya. "Ano ba dapat ang reaksiyong ipinakita ko sa iyo sa ginawa mong pambabastos sa akin doon sa pool, sa harapan mismo ng mga bisita mo?" Bahagyang umarko ang kilay niya habang lumalakad palapit dito. Hindi ito nagsalita bagkos ay tinitigan siya ng diretso sa kaniyang mga mata habang lumalapit siya. Huminto siya halos dalawang dangkal ang layo buhat dito. Nalanghap nila ang amoy ng katawan maging ang hininga ng isa't isa. "Dapat ba nagtitili ako? Nagpabebe? Nagpakimi-kimi?" mataray niyang tanong sa binata. Nakita niya at halos marinig ang paglunok nito na nais niyang ikatawa. Natatakot ba ito ganitong napakalapit nila sa isa't isa? Bahagyang umangat ang kaliwang kilay niya at walang takot na dinakot ang pagka.lalaki nitong nakukubli sa makapal na tuwalyang nakabalot sa ibabang bahagi ng katawan nito. Alam niyang ikinabigla nito iyon dahil bahagya itong napakislot. Napalunok itong muli at napakurap-kurap habang hindi inaalis ang tingin sa kaniyang mga mata. Marahan niyang hinimas ang pagka.lalaki nito habang nakikipagtitigan dito. Hanggang balikat lang siya nito kaya tumingkayad siya. Napasinghap ito sa pag-aakalang hahalikan niya ito, pero nag-iwan siya ng kalahating pulgadang distansya sa pagitan ng mga labi nila. Ibinaba niya ang tingin sa labi nitong namamasa at namumula, nakaawang iyon at tila inaanyayahan siya. Ayaw niyang madala kaya ibinalik niya ang tingin sa mga mata nito. "I'm not afraid of your d**k, Gray," anas niya. Napasinghot ito na wari'y nilanghap ang mainit niyang hininga. "Kahit ilang beses mo pa iyang ibalandra sa paningin ko. Unless na lang siguro kung humaba pa iyan ng twenty inches at bumilog gaya ng mga braso mo." Binatawan niya ang hinaharap nito. Nakita niya ang pagtiim-bagang nito habang matiim na nakatitig sa kaniya. Inilayo niya ang sarili sa binata. "Sasagutin ko ang tanong mo, Gray. Buong buhay ko isang t**i pa lang ang nakita ng mga mata ko." Sinabayan niya ng pagtalikod ang sinabi. "Ano'ng sinabi mo?" narinig niyang tanong nito sa medyo mataas at hindi makapaniwalang tono, pero hindi niya ito pinansin bagkos ay kampanteng humakbang palayo rito. Nakakailang hakbang pa lang siya nang maramdaman niya ang pagdaklot nito sa balikat niya sabay haltak sa kaniya at ipinihit paharap dito. "Pinagloloko mo ba ako?!" singhal nito sa kaniya sa bahagyang nanginginig na boses. Sa mga mata nito ay naroo't nakadungaw ang galit. Hindi niya ito sinagot. Napasinghap siya nang padarag siya nitong itulak at isandal sa dingding. Napaluha siya dahil nasaktan siya sa ginawa nito lalo na nang daklutin nito ang tigkabila niyang pisngi gamit lamang ang isa nitong kamay. Napalunok siya habang nakatitig sa mga mata nitong nalilisik sa galit. Gigil nitong idiniin sa kaniyang pisngi ang mga daliri nito. Hindi siya pumalag kahit pa nga masyado na siyang nasasaktan. "Tinanong kita, sumagot ka," paanas pero madiing utos nito sa kaniya. "Gawin mo kung ano'ng gusto mo, pero hindi ko na uulitin ang sinabi ko," madiing sabi naman niya rito. Nanlaki ang mga mata niya nang sugurin nito ng marahas na halik ang labi niya, dama niya ang kawalan nito ng respeto sa bawat galaw ng labi nito. Hindi siya kumibo hanggang sa kusa nitong iwan ang labi niya. Maluha-luha sa galit ang mga mata nito, halos patayin siya nito sa titig. Nababasa niya sa mga mata nito na may nais itong sabihin, pero hindi nito iyon isinatinig. "You. . .fffuck!" bagkos ay gigil na sabi nito saka siya padarag na binitawan. Napaigik siya ng mahina at muling napaluha nang madama ang sakit dulot ng ginawa nito. Napasaltik ang mga bagang niya nang bayuhin nito ng dalawang sunod na suntok ang kongkretong dingding bago siya tinalikuran at iniwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD