"BUWISIT!" bulalas ni Ndrew dahil sa pagpasok ni Gray sa master bedroom suite ng mga ito. Nakatagilid ito ng higa patalikod doon sa pintuan. Kaagad naman nitong nahila ang kumot at itinakip sa kahubaran nito pati na rin din sa katabi nitong si Elaina na inaakala niya ay natutulog pa sa umagang iyan. "Ano ba, Gray!?" paasik nitong tanong sa kaniya na hindi nagawa na ipihit ang katawan paharap sa kinatatayuan niya bagama't nakalingon ito sa kaniya. "Hindi mo ba alam na silid namin itong mag-asawa? Bakit bigla-bigla kang pumapasok!?" bakas ang inis sa tonong dagdag pa nito, salubong ang mga kilay at masama ang tingin sa kaniya. "Oh, pasensya na, hindi mo ba narinig ang mga katok ko?" Nakaangat ang kaniyang mga kilay nang tanungin ito sabay higa sa tabi nito at nakiunan sa malambot at mal

