bc

Chased By The Red Flag

book_age16+
18
FOLLOW
1K
READ
billionaire
possessive
age gap
dominant
bxg
suger daddy
office/work place
love at the first sight
friends with benefits
roommates
like
intro-logo
Blurb

Yuna Althea is a simple college student that focuses only on two things. First, her studies, and then second, her family. Wala siyang kahit na anong alam gawin kung hindi maging mabuting anak at estudyante. Kahit na nasasakal na siya sa hirap ng buhay, patuloy pa rin siya sa pamumuhay sa paraan na alam niya. Ngunit nagulo ang lahat nang mapilit siya ng kan'yang pinsan na gumamit ng isang app. There she met this stranger named Matteo. He is the perfect definition of a "dream guy". And she couldn't believe how attracted this man is to her. Kulang nalang ay mag makaawa ito para lang tanggapin siya bilang Sugar Daddy niya. Joking or not, Yuna didn't think much of it and went along with it, since she enjoys his company as much as he does with hers.

However, she did not take into consideration that this guy might be telling the full truth. And weeks later, this hunk just came up to her in real life, doing his best to make her fall in love with him. Because since they first had a conversation, he decided that this woman will be his wife.

chap-preview
Free preview
1: The Beginning
"Kulang ka lang sa landi! Kailan ka ba kikilos? Baka sa sobrang hinhin mo at sobrang focus mo sa pag- aaral, makalimutan mo na malapit ka na mag expire! Well, hindi pa naman masyado, pero malapit na teh!" 'yan ang mga salitang gumising kay Yuna Althea Asuncion mula sa malalim na pag iisip habang nakatulalang umiinom ng kan'yang yogurt drink sa may tabi ng pintuan nitong balcony sa kan'yang second floor apartment unit. Busy siya sa pag mumuni- muni ngunit hindi talaga siya makatakas sa daldal ng kan'yang pinsan na si Mark Carlito. Habang siya ay inililista ang bawat problema niya sa utak, itong pinsan naman niya ay busy sa pagkakalkal ng mga make- up niya at naroon pa sa harapan ng salamin niya para subukan ang bawat isa. "Ano na naman ba ang ginagawa mo Carlie? At bakit ka nga ulit nandito? Akala ko ba gusto mo lang na mag ayos? Hindi ko naman inaakala na kasama na pala roon ang walang humpay na dada mo sa pagiging single ko." "Excuse me," Carlie snapped his fingers as he blended his pink eye shadow. "Hindi kita dinadakdakan d'yan dahil single ka 'no! Ang sa akin lang, kulang ka sa landi, 'yon na 'yon! I mean, look at you!" tumayo pa ito para lapitan ang pinsan. He pointed out her messy loose shirt by poking at the holes seen on her shoulder and then he brushed her tangled hair with his fingers, unintentionally stopping at the middle part since his fingers are now trapped on it. "Shutek ka bakla, ang ganda mong babae, sobra. Pero bakit hindi ka man lang mag ayos? Kahit sana kaunti lang! Tignan mo nga, mukha ka pang mag lalampaso sa gitna ng kaharian ni mareng Elizabeth pero kahit papaano may ibubuga pa 'yang face mo teh! Paano pa kaya kung gamitin mo pa 'tong mga make- up mo!" Yuna rolled her eyes, "Sige nga, magkalinawan tayong dalawa, kanino ba talaga make- up 'yang mga 'yan? Hindi ba't binili mo lang naman 'yang mga 'yan para sa akin kasi gusto mo rin na gamitin habang malayo tayo sa kuya mo?" "Manahimik ka muna, naiinis ako sa'yo," sagot sa kan'ya ng pinsan. "Ang topic natin dito, 'yong kalungkutan mo bakla! Hindi 'tong kabaklaan ko na itinatago ko sa kuya ko, okay? Akala mo ba hindi ko napapansin na puro ka nalang tulala sa may sulok? Sa tuwing may makikita kang sulok, parang hindi mo kayang palampasin eh! Parang may urge ka talaga na pumunta doon para mag muni- muni, five minutes per corner siguro ang minimum mo." Sa pang sampung pagkakataon, umirap na naman ang singkit na mga mata ni Yuna, "Sabihin mo na kasi sa akin nang diretso, nandito ka nanaman para pilitin ako na sumama sa'yo sa bar." "Alam mo naman pala e-" "Hindi pa rin ako sasama." Mabilis na napasimangot si Carlie. He crossed his arms in front of his chest and sighed, "Sayang talaga teh. Kahit papaano man lang mag enjoy tayo!" "I am not going out Carlie. Marami pa akong gagawin-" "At ano naman ang sobrang importante na kailangan mong gawin ngayong Biyernes ng gabi aber? Aba Yuna, hindi na masyadong maganda 'yang ginagawa mo. Kung hindi ka sa bahay, nasa school ka. Wala ka na ring ibang tinatambayan kung hindi ang library! Malapit ka ng mag twenty-two! At alam mo ba kung ano ang pinaka masamang mangyari sa'yo sa lagay na 'yan?" "Ang tumandang dalaga," she casually answered. "Kabisado ko na 'yan. I've heard that from you multiple times before. I swear, it does not bother me at all." "Single since birth, noong high school, maraming manliligaw, walang sinagot. Ngayong college, marami pa rin ang mga umaaligid, pero hindi pinapansin. Ang ending mo talaga n'yan teh, hindi mo ako mabibigyan ng pamangkin na mukhang manyika! Alam mo naman na sa'yo nalang ako umaasa para magkaroon ng aayusan na mga bata!" "Tapos ka na ba?" tanong niya sa pinsan na ngayon ay halos umusok na ang ilong dahil sa gigil. "Bakit hindi mo pa bilisan na mag ayos d'yan para mas maaga ka na ring makaalis? Magmula yata noong first year college tayo niyayaya mo na akong lumabas tuwing Biyernes ng gabi, ano na girl? Malapit na tayong mag fourth year!" "Ayon na nga! Ganoon katagal, hindi ka pa rin pumapayag!" Yuna walked over to the table to grab some nuts, "Hindi mo ako makikitang may jowa any time soon, tumigil ka na. Mas marami pa akong kailangan intindihin na parasites kaysa umintindi ng mga lalaki na guguluhin lang ang buhay ko." Pabulong na nagsalita si Carlie, "Ang sabihin mo, takot ka lang sa commitment." "Excuse me, I heard that." "Totoo naman!" he made a face before rolling his eyes on her. "Kung magiging malandi ka lang, kahit kaunti, mababawasan ang stress mo!" "G*go, mas uulan pa ang stress kung babalansehin ko ang lahat ng kailangan kong gawin kasabay ng boyfriend. So, no thank you, I'm better off alone. I will be a sad single lady that gets every task done on time, okay?" "Teka nga, mali naman kasi ang iniisip mo!" Carlie snatched her phone from the table and opened it with his own finger print. "May paraan naman kasi para mag enjoy ka pa rin sa kiligan pero hindi ka mamomroblema sa buhay mong puro pag aaral. Alam mo na, harutan lang, kiligan, pero walang commitment. Kung kailan mo gustong mag focus sa mga research papers mo, go lang! Kung kailan mo rin gustong lumandi, push!" "Carlie," tawag niya rito. "Don't tell me... you flirt with people as your way of relieving stress?" "Aba syempre gagi! Kapag kinilig na ako ng kahit kaunti, sapat na 'yon para sipagin ako buong araw. Alam mo naman na dating apps lang ang laman ng phone ko-" "Hoy!" she tried to reach for her phone but failed. "Subukan mo lang na lagyan ng dating app 'yang phone ko at buburahin ko ang lahat ng account mo sa phone mo." "Shut up girl! Para sa'yo rin itong gagawin ko, okay? Basta ilalagay ko lang dito 'yong app, tapos ikaw na ang bahala kung ano man ang adventures na bubuksan mo!" "Adventures? More like... distractions. That's all there is, honestly." Carlie shushed her by placing his pointer finger on her lips, "Tandaan mo lang, kung sobrang stressed ka, at kailangan mo ng escape, open the app. Look for someone to talk to. Hindi naman masama na mag wala paminsan- minsan, 'di ba? You should know that feeling well enough. Kapag sawa ka na sa malungkot na reality ng mundong ibabaw, samahan mo akong maglandi sa hanggang sa kawalan!" Yuna knows. That might have been the most familiar feeling she knows for a while now. Sa dami ng mga sinabi ni Carlie sa kan'ya, ito lang siguro ang tanging rason na tumatawag sa pangalan niya. Yuna is a girl that does nothing but deal with serious, depressing matters all day. In university, she does nothing but stress herself out just to be able to finish her studies, being a third year medical technology student. Halos pigain na niya ang utak niya para lang mapanatili niya ang mataas na grado. Kasabay noon, sinusubukan din niyang mag hanap ng trabaho online para lang makakuha ng pera para makatulong sa pang araw- araw niyang gastusin. She wants to be independent enough to not be a burden to her parents. Madalas kasi kapag uuwi siya sa bahay nila sa tuwing may libre siyang oras para makaluwas, wala naman siyang ibang madadatnan kung hindi ang mainit na bangayan ng mga magulang niya. Hindi pa siya umuwi sa tahanan nila at natahimik. So, escaping reality? If she could, that would be perfect. "An escape huh?" she whispered. "That almost did it. It for sure sounded so nice, not gonna lie, you almost got me there buddy." "Almost? Hello? What is it that you need to be convinced? Kulang pa ba 'yon?" "I won't like strangers to know who I am. Kaya kahit na hindi pa 'yan seryoso or whatever, hindi ko pa rin susubukan." "Stupid," Carlie said and then giggled. "Iba naman 'tong sinasabi ko sa'yo, hindi ito katulad noong mga dating apps na alam mo. Walang makakaalam ng information mo kung hindi mo kusang sasabihin. You will only interact with the person, chat with them anonymously! Well, puwedeng mag upload ng picture, so may chance na makita mo ang mukha nila. Ikaw naman, it's up to you kung mag lalagay ka. But to be honest babes, may naisip na akong picture na puwede mong gamitin as your profile picture!" "No picture please, I will not put my face on there, you weirdo." "Gagi, 'yong photo shoot kasi natin sa beach last summer! 'Di ba may picture ka noon na naka swim suit tapos may malaki kang hat na peach colored! Nakatakip ang buong mukha mo doon, makikita lang nila kung gaano ka ka-yummy! And, ang alam ko, walang ibang may alam tungkol sa picture na 'yon. Tayong dalawa lang naman ang nandoon noon, 'di ba?" "Parang kulang nalang sabihin mo na nang diretsahan sa akin na gusto mong ibenta ko ang katawan ko sa mga taong bored at walang mas magandang magawa online." "Sabihin nalang natin na sinusubukan kitang bigyan ng isa pang buhay. Panibago, at sobrang naiiba sa kung ano ang totoong nangyayari sa buhay mo ngayon. You can loosen up, be a free young woman on her wild arc. Natatakot na rin kasi ako na baka isang araw, pumutok nalang 'yang ulo mo sa sobrang intense ng mundo mo." "Carlie-" "Trust me. Maniwala ka sa tagong bakla na gaya ko. Minsan masaya rin na may nakatago kang pagkatao, may mga nakakausap na bago at walang kaalam- alam sa totoong pinagdaraanan mo. Masaya rin mag kunwari na may ibang nangyayari sa'yo. Mamuhay sa pekeng buhay, kahit sandali lang." Yuna felt how sincere those words are, coming from her cousin. Carlie is the only person in this world that would know her well. Maybe a lot more than she knows her self to be honest. Alam niya na kahit na hindi tugma ang lahat ng ideya ng pinsan para sa pagkatao niya, hindi naman makakasama na subukan niya. Dahil tama naman rin si Carlie, kung minsan ay sumosobra na ang lahat at hindi na rin niya alam kung ano ang gagawin. Naisip niya na baka nga, baka kapag dumating sa punto na gustuhin niyang lumayo, kahit papaano ay magawa niya gamit ito. She knows that there is no escaping her cell, but mentally, it might help her out. "Susubukan ko, kung dumating man sa point na kakailanganin ko. But I can't promise you that I'd keep that app on my phone Carlie. Baka mamayang bago ako matulog burahin ko na rin 'yan. Kailangan ko kasing mag screenshot ng mga slides. Alam mo na, marami pa akong kailangan na pag- aralan." "How about, you delete the folder on your phone that has so many pictures of microscopic views of bacteria?" "Nope, never going to happen. Nice try though," she said laughing. "So, ano pa ang kailangan mo? Baka mahuli ka na sa bar hopping mo. Sino ang mga kasama mo pala?" "Si James!" "Kapag nalaman ni Jamie na tinawag mo siyang James, baka hindi ka na makauwing buhay." "Shush! Sige na, ha? Aalis na ako. Baka nga hinihintay na ako ni James. Hindi kasi umuwi sa dorm si bakla, hihintayin niya ako sa may side gate ng University. Rarampa kami sa may Black Line, okay?" Yuna shrugged, "You are telling me that as if I would follow you later tonight." "Ay," he laughed. "Oo nga pala. Hay, sige na nga, suko na talaga ako. Iiwanan na muna kita d'yan kasama ng mga libro mo at sandamakmak na handouts. Sana hindi sumabog 'yang matalino at mataba mong utak, bye!" And just like that, her whole apartment is back to normal. Dull, cold and quiet, the perfect definition of something that is the total opposite of fun. She checked the sunset out before heading over to close the door of her balcony, leaving the whole place even more gloomy. "Ah sh*t, I forgot to ask Carlie for help with that bulb," she whispered. Kinakausap niya ang sarili habang tinitignan ang isa sa maliliit na ilaw sa may kisame. Ang isa kasi sa mga ito ay pundido na at hindi niya pa napalitan. "Great, now I have to study in my room," sabi niya pa. Bihira lang siyang mag aral sa may kuwarto niya dahil kadalasan nauuwi lang sa antok ang lahat. Parang sirenang kinakantahan siya ng kan'yang kama. Sa bawat segundong ginagamit niya sa pag babasa, kasabay noon ang pag pipigil niya na humiga at matulog nalang. "I should have remembered to ask him about that, sh*t. And now I am even hungrier just by stressing over that, great!" she let out a soft sigh and sat at the plastic chair beside her huge square table. She grabbed another pack of nuts, "Pati ilaw ganito kalaking problema sa akin? Really Yuna? Ganito ka kadaling maapektuhan?" Ganito lang si Yuna sa pang araw- araw, tahimik at kinikimkim lang sa sarili ang lahat. She sometimes goes online to chat with her friends, but that always have connection with their studies. Kung minsan, nanonood din siya ng mga videos online para makapag muni- muni kahit na kaunti. Ngunit kadalasan, sarili lang niya ang kasama niya. Yes, she is introverted. But mostly, she does this to protect her own. Because in her mind, for letting one person to get close to you and be special to you, that means that you are giving them the power to hurt you. And she has a lot of scars already. Adding another one is not really her thing. It just means that she'll bleed more, and be even weaker. "Self pity? Really?" tanong niya sa sarili niya habang tinititigan ang isang piraso ng mani sa palad niya. "Yuna, come on, you have a lot more to do than this. Lahat ng subjects mo for Monday may quiz, may kailangan ka pang pag aralan na research paper para sa reporting mo. You can't be distracted by this urge to cry for hours, that is not how we are spending our perfect Friday night!" Right as she stood up, her phone started to vibrate. Sunod- sunod na mga messages ang dumating. Pagkatapos ng pang limang mensahe, huminto na rin ito. She checked her phone to see her mother's user name pop up. Bago pa niya buksan ang mga mensahe, huminga muna siya nang malalim. Halos mapabulong pa siya ng maikling dasal. "Hay," singhal niya nang mabasa ito. "What else did I expect?" "Nakakainis na talaga ang Papa mo! Biruin mo ba naman, hindi man lang ako masundo kanina kahit na alam naman niyang marami akong bitbit mula sa school! Kunwari busy siya sa shop, nalaman ko naman sa tito mo ang buong katotohanan. Nandoon na naman siya sa sabungan! Wala talagang ibang iniisip kung hindi 'yang sabong na 'yan! Tapos sasabihin niyang nalulugi 'yong shop para pagtakpan na itinatapon niya lang sa mga pesteng manok lahat!" She closed her eyes and whispered, "I thought I was safe this weekend, I guess not."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook