Em's POV
We took a private jet papuntang NY dahil na trauma na si ate nung last flight namin, baka daw bigla nanaman kaming atakihin ng mga pasahero. Pagkatapos ay sumakay kami ng van papuntang bahay nila Mrs. Vargas at ilang minuto lang ay nakarating na kami. Ngayon nasa tapat na ako ng bahay nila habang may dala-dalang prutas at mga pinamili ko sakanila.
"Do I look good?" Tanong ko muna kay ate bago ko pindutin ang doorbell.
"Come on Em, ilang beses mo na bang natanong yan saakin? And again, you look great" napabuntong hininga naman akong hinarap ang pinto saka ko dahan-dahang pinindot ang doorbell.
Wala pang limang segundo ay nag bukas na ang pinto at isang matangkad at payat na lalaki ang sumalubong saamin.
"Empress?"
"Justin?"
Sabay naming tanong na dalawa. Sasagutin ko na sana siya ng biglang may sumingit na isang matandang babae.
"Andyan na siya? Nak! Kamusta kana? Dalagang dalaga kana ah, ang ganda ganda mo pa" masayang sambit ni, Mrs. Loren Vargas
"Okay lang po ako, Mrs. Vargas. Salamat po" nakangiting sagot ko sabay kuha ng kanyang kamay at nagmano.
"Ano ka ba, nay' nalang itawag mo saakin gaya ng dati"
"Sige po"
Sobrang gaan ng loob ko sakanya. Kahit hindi ko siya maalala ay pakiramdam ko safe ako kapag kasama ko siya.
"Hello po" bati naman nina ate at Hearon saka nagmano din.
"Ikaw si Illiana hindi ba? Yung naka-usap ko sa telepono. Kasing ganda mo ang boses mo, anak" nahihiya namang napangiti si ate, "At ikaw naman si Hearon, boyfriend ni Em?"
"H-hindi po, ka-kaibigan lang po ako ni Em" Agad na sagot ni Hearon na nauutal-utal pa. Bahagya kaming napatawa ni ate habang pinapanood si Hearon na hiyang hiya at pulang pula ang mukha.
"Ligawan mo na kasi, ijo"
"P-po? H-hindi po talaga"
"Nagbibiro lang ako, ijo. Masiyado ka namang kabado" biro pa ni nay' Loren.
"Ma, tama na yan. Pasok na tayo" singit ni Justin. Napatigil naman kaming lahat at pumasok na.
Nagtungo kami sa dining area nila at agad na bumungad saamin ang sobrang daming pagkain at may panibago pang hinahain ang kanyang asawa, Mr. Marvin Vargas, "Sakto andito na kayo. Maupo kayo, feel at home"
Pagka-upo ko ay nilagyan agad ni Mrs. Vargas ang plato ko. Di ko mapigilang mag laway. Tingin palang mukhang masarap na.
Habang kumakain kami ay napapansin ko ang mga titig saakin ni Justin. Kapag nililingon ko naman siya ay agad siyang umiiwas ng tingin. May problema ba siya saakin?
Iiwas na sana ako ng tingin ng bigla siyang lumingon dahilan para magtama ang mga mata naming dalawa. He immediately throws death glares at me while I just vacantly stare at him. Okay, he's mad.
"Em, try mo to' masarap" ate suddenly suggested sabay lagay nito sa plato ko. Napansin niya siguro ang tensyon sa pagitan namin ni Justin.
"Bakit di' nalang natin pag-usapan ngayon lahat ng gusto niyong malaman? Para naman pagkatapos niyong kumain makaka-alis na kayo"
"Justin!" Suway sakanya ng mag-asawa pero binalewala niya lang ito
"At kung pwede lang wag na kayong bumalik" medyo naasar ako sa sinabi niya pero nginitian ko nalang siya at tumango.
"If you're worried about your family's safety, I'm telling you, there's nothing to worry about. But I understand you and I promise that this will be the last" magsasalita pa sana ulit siya ng biglang tumayo si Mrs. Vargas at naglakad paalis.
Oh geez. Dapat ba hindi nalang ako nagsalita?
"Excuse me. Ka-kain lang kayo. Babalik kami" sabi ni Mr. Vargas tsaka sinundan ang asawa niya.
Napalingon kaming tatlo kay Justin, sinamaan lang niya kami ng tingin at umalis nadin.
"Kay Justin ba dapat ako humingi ng permiso instead of Mr. and Mrs. Vargas?" Ate whispered to herself.
Napabuntong hininga nalamang ako sabay baba ng tinidor at kutsara ko. Nawalan na ako ng ganang kumain, "Sundan ko lang sila" paalam ko pero hinawakan ni ate ang kamay ko.
"Maupo ka. Hayaan mo muna silang mag-usap" sabi ni ate saka tinuloy ang pagkain niya. Napatingin naman ako kay Hearon na napatango nalang rin.
This isn't what I'm expecting to happen...
....
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo kami sa sala nila para dito nalang sila hintayin at makapag-paalam na.
We decided na ipagpaliban na muna namin ang pakikipag-usap sakanila. Saka nalang kapag payag narin si Justin. Marami pa sana akong gustong tanungin but maybe this isn't the right time for me.
Ilang minuto pa ang lumipas bago namin nakita si Mr. Vargas at Justin na pababa ng hagdan.
"I'm sorry about what happened earlier" Justin suddenly said the moment he gets close to me.
"Uhm, yeah. I-I mean, it's okay" nauutal ko pang sabi dahil nabigla ako. Mukhang mahaba-habang paki-usap ang ginawa sakanya nina Mr. Vargas ah.
"Nagpapahinga saglit si mama sa taas. Tumaas kasi ang presyon niya dahil sa nangyari kanina. Pero ang sabi niya gusto ka daw niyang maka-usap kaya kung pwede lang ikaw nalang umakyat"
"Sure"
"But for now, tayo muna ang mag-usap. Tanungin mo na kami bago ka umakyat. And please, refrain from asking her about the mafia or your family problems. She doesn't know anything about that" I nooded.
"Well, Mr. Vargas, you have been with my mother for a long time and you know how close she is with Tita Wendy and Tito Aeries. Do you have any idea why they killed my mom? May napag-awayan ba sila?" Napabuntong hininga nalamang ako ng umiling siya.
No one knows...
"Pero sa tingin ko hindi magagawa nina Wendy at Aeries yun. Wag kang masyadong nagpapaniwala sa nakita mo at naaalala mo, nak. Baka may nalagpasan ka"
And many believe they are innocent...
He's right. I still can't remember everything. I may have missed something but I know what I saw.
They killed my mom. They killed my mom. They killed my mom. They killed my--
"Em, it's okay. " I heard ate whispered at me bringing me back from my consciousness.
Geez. I almost lost myself again, "Thanks ate"
"Sorry, Em kung wala kaming masyadong alam sa nangyari. Pinaalis nadin kasi kami ng daddy mo bago pa mangyari ang trahedya. Sinabi niyang ilayo ko na ang pamilya ko dahil delikado na ang lahat"
"Delikado? Anong ibig niyong sabihin?"
"Kung tama ang pagkaka-alala ko, ang dahilan niya ay buhay si Oren. Hindi ko kilala kung sino si Oren pero mukhang takot na takot ang daddy mo"
Nagkatinginan kaming nina ate at Hearon. Oren is already there, but why dad never mention that to me? May tinatago ba siya na di' ko dapat malaman? Anong nangyari sa pagitan nila ni Oren? May koneksyon din ba si Oren sa pagpatay nina Tita Wendy kay mommy?
"May nasabi po ba si Dad tungkol kay Oren?" Muling tanong ko pero umiling nalang si Mr. Vargas.
Hindi na ako nagtanong pa pagkatapos nun dahil imbes na masagot ang mga katanungan ko ay mas lalo lang nadadagdagan. Sumasakit lang ang ulo ko. After this, kakausapin ko si Dad. Kailangan ko siyang makausap dahil baka mabaliw na ako.
Sunod kong pinuntahan si nay' Loren para kausapin at magpaalam na, "Hello po, kamusta na po kayo?"
"Ayos naman na. Kayo ni Justin, nag-sorry na ba siya sayo?" Tanong niya saka siya umupo.
"Opo, okay na po kami" nakahinga naman siya ng maluwag saka ngumiti.
"Naalala ko tuloy dati na puro kayo away-bati. Lagi din kayong magkasama dati at hindi mapaghiwalay" Oh, Justin was my childhood friend. I don't remember anything about him but just imagining me and him playing, pwede na.
"Sayang nga lang kailangan naming umalis"
"Bakit po?" Alam kong sinabihan na ako ni Justin na wag siyang tanungin tungkol sa mga ganyang bagay pero baka pwedeng isa lang, ito lang.
"Nakahanap kasi ng trabaho si Marvin dito at tiyaka hindi na rin kita maalagaan dahil ibinigay kana kay Cecile" napatango nalamang ako bilang sagot. Wala nga sila talagang alam sa totoong dahilan kung bakit kailangan nilang umalis
Ilang minuto pa kami nagkwentuhan. At sa ilang minutong iyun ay marami akong nalaman tungkol sa sarili ko. I more like playing with cars and guns than dolls. I also love matcha-flavored ice cream. And my favorite food is pakbet na siya mismo ang nagluluto. Parang mas kilala pa niya ako kaysa sa sarili ko.
"Kailangan na po naming umalis nay'" paalam ko tsaka siya niyakap, "Salamat po"
....
"Aalis na po kami Mr. Vargas. Salamat po at sorry po sa abala"
"Ay hindi, kailanman hindi kayo naging abala saamin. Masaya pa nga kaming makatulong sainyo. Handa kaming tumulong makabawi lang sa mga tulong na binigay ng mga magulang mo saamin"
"Salamat po ulit"
"Pa, ako na maghahatid sakanila sa harap. Puntahan mo na si Mama sa taas" sabi ni Justin. Napatango naman siya saka muling nagpaalam saamin at umakyat na.
Lumabas na kami at nauna ng sumakay sina Hearon at ate sa van.
"Thank you" sabi ko kay Justin at sasakay narin sana ng biglang magsalita si Justin.
"You never change. Even though you've lost your entire memories, you're still the same" he said out of the blue while looking straight at ms.
"What?"
"It's always easy for you to forgive and forget all the people who caused you pain" Bahagya naman akong napatawa saka umiling.
"No, I'm not that kind of person anymore. Sadyang hindi naman gaanong masama yung ginawa mo kanina"
Cause' I will never forget and forgive all those people who killed my mom and who ruined my life and my family.
"Then why are you seeking justice for your mom's death? Why do you want your memories back when in the first place you want to lose them?"