Em's POV
"What if wag ka muna umuwi ngayon. Mag bonding ta-- Em? Are you with me?"
"Po? Sorry po, ano po ulit yun?"
"You okay?" Tumango naman ako at pilit na ngumiti.
Tito Carlo Leonardo is dad's best friend. Sabi ni dad si Tito Carlo ang pinaka close namin ni Denden na kaibigan niya dahil lagi siyang bumibisita sa bahay.
"You look tired. Mukhang lagi ka atang busy"
"Hindi naman po, hindi lang po ako makatulog ng maayos"
Bukod kasi sa mga ala-ala kong ayaw akong patulugin ay dumagdag pa yung diary ni Jacq or should I say Samora since she's the real Samora after all.
It's been a week since that big revelation happened between me and tanda but I still can't get over at paulit-ulit ko paring iniisip ang lahat.
Hindi ko talaga inaasahang mangyayari iyun, hindi ako nakapaghanda. But at least, nasagot na ngayon ang tanong ko kung paano ako napunta kay Oren at ilan sa mga panaginip ko.
To summarize my past, before my mom died they give me to Lola Cecile, and then after my mom died napunta naman ako kina tita Yana dahil sa aksidente. Sumunod naman si Tanda at Oren pagkatapos nilang patayin sina Tita Yana. Wow, I can't believe I'm still alive after all that happened to me.
"Why? Do your memories still hunting you?"
"Yeah, mom is always visiting me," I said trying to make it a joke but it's killing me. If only I have the power to forget her.
"Maybe this is now the perfect time to give you something I kept for several years" Oh, why is that sound familiar? Right, Tanda also said that to me a week ago.
Pina-alis niya lahat ng mga tauhan niya pati narin si Hearon. Saka siya naglakad papunta sa malaking salamin na nasa harapan namin. May kung ano siyang pinindot doon na dahilan para mahati sa dalawa ang salamin. A hidden room.
"Come in" Pag-aaya ni Tito Carlo pero nung saktong papasok na ako ay biglang lumitaw ang lab ni Oren. Bigla akong napa-urong dahil sa takot, "Em?"
Agad ko namang kinalma ang sarili ko at nilingon siya, then smiled at him, doing my best to hide my fear, "Pwede po bang hintayin ko nalang kayo dito?"
"Ah, okay. Balik ako agad" buti naman hindi na sila nagtanong pa.
At ng hindi ko na sila makita ay tuluyan ng nanlumo ang mga tuhod ko at napa-upo nalamang ako sa sahig.
That wasn't the lab from the school but his old lab that I burned. That creeps me out even though I only saw it for just a second.
Can I still do this?
Tumayo na ako at umupo sa sofa at hinintay nalang si Tito Carlo na dumating.
"Your mom gave this to me a week before she was killed" sabay bigay niya saakin ng usb, "She told me not to give that to anyone except you and Denden"
"For what?"
"That's for you to know, Em. I tried many times to open that but I failed. Mukhang kayong dalawa lang ni Denden ang makakabukas niyan"
Saglit kong tinitigan ang usb na nasa palad ko. Ito na ba ang makakasagot sa pagkamatay niya o panibago nanaman itong puzzle na kailangan kong buoin?
"But Em be careful, too much information can kill you. Just call me if you need some help, okay?" Tumango naman ako saka siya niyakap.
"Don't worry Tito, I'll be fine"
-*-*-*-
Hearon's POV
"What's the matter, Em?" tanong ko ng makita ko siya sa rear-view mirror na ilang beses ng napapabuntong hininga.
"Ron, kaya mo bang patayin si Ithan?" Muli ko siyang sinilip kung seryoso ba siya sa tanong niya pero walang nagbago sa expresyon niya.
"Ithan is like my brother. I can't kill him" I answered and she nodded.
"Then, why did they kill my mom?" Hindi ako naka-imik.
Kwento ni Boss ay matagal na silang magkaibigang apat. Dahil narin sa pagkakaibigan nila ay naki-isa ang Walter Mafia sa mga Hassler. Masaya pa ngang nagkwekwento saamin si Boss. Para bang puno nang masasayang alala ang pagkakaibigan nila.
"People change" ang nasabi ko nalang at hindi na siya muling nagsalita.
Kahit na alam na niya sa sarili niya na ang mga magulang talaga ni Aiken ang pumatay sa mommy niya ay di' parin siya tumitigil hanggang sa malaman niya ang lahat.
-*-*-*-
Sarah's POV
Napatigil ako sa aking ginagawa ng mag ring ang cellphone ni ate. Di ko sana sasagutin kaso 'Sir' ang nakalagay na name, baka importante.
"Yes sir? Ah-" di ko naituloy pa ang sasabihin ko ng dire-diretso siyang nagsalita
*Sandy! Pumunta ka dito ngayon din. We have to celebrate! After so many years natapos rin! Hindi na tayo-* bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay may kumuha nang phone saakin
"At kailan kapa natutong mangialam ng gamit ng iba, Sarah?" Naiinis na sabi ni Ate sabay patay ng tawag.
" 'Sir' kasi ang name ate. Naisip ko baka importante ang sasabihin niya sayo kaya sinagot ko. At tiyaka sabi niya magsi-celebrate daw kayo about something na ilang taon niyong tinatapos" pagpapaliwanag ko. Napabuntong hininga na lamang siya at umupo sa tabi ko. Kakatapos lang kasi niyang mag-jogging.
Bakit parang may tinatago siya? After so many years natapos rin? At hindi na sila- oh my gosh!
"Ate, bf mo ba yang Sir mo?"
"What?!"
"Ate, okay lang naman saakin kung may bf kana. Kaya ko naman na sarili ko. May matino akong trabaho, malaki ang sweldo. At tiyaka soon baka si Sir Aiken pa mapakasalan ko. Oh, diba? Wag mo na akong intindihin"
"Kulang kapa ba ng tulog? Wala akong boyfriend, hay naku! Umalis ka na nga baka kanina ka pa hinahanap ng Sir Aiken mo" Naasar na sabi niya sabay tulak saakin papuntang pinto
"Wag ka na mag deny ate. Basta papakilala mo sakin yan ah!" Nakangiting sabi ko at lumabas na.
Bago ako tuluyang umalis ay sumilip muna ako sa bintana. Di ko mapigilang kiligin ng makita ko siyang may kausap sa phone habang nakangiti.
Hay naku ate! Deny pa more. Kulang nalang magpagulong gulong ka sa kilig eh!
Buti pa si ate meron na. Tsk! Kailan kaya ako mapapansin ni Sir Aiken?
-*-*-*-
Em's POV
It's not my name nor Denden's name. I even tried mixing our names.
Not our birth dates too
And not our age
If this usb for me and Denden then the password should also be connected to us but what is it? Wala pa naman akong masyadong maalala about my mom. Looks like I need Denden to open this one.
"Em, are you there?" Agad ko namang niligpit ang mga nakakalat kong mga gamit ng marinig ko ang boses ni ate. Lagot kasi ako kapag nadatnan niyang magulo ang kwarto ko.
"P-pasok!" Hinihingal kong sagot.
"Marumi pa sa baba, Em" puna nito sabay taas pa ng medyas ko na kakatanggal ko palang kanina. Napakamot nalang ako ng aking batok saka siya nginitian.
"Naka-usap na daw ni Dad sina Mrs. Vargas at sa NY daw sila ngayon nakatira. When do you want to visit them?" Pag-iiba nito ng topic.
"Maybe tomorrow. May tinatapos pa kasi ako eh"
"Okay. Anyways, kamusta ang lakad mo kanina? Natanong mo ba si Mr. Leonardo about your mom? "
Sabi ni Dad ay dapat lagi kong kasama si ate sa mga lakad ko pero lately hindi siya nakakasama dahil nagka problema ang business ni dad. Alam naman ni Dad na hindi siya nakakasama at okay lang sakanya basta kasama ko si Hearon or Allen.
"Uhm. Gaya lang rin nina Dad, hindi nila alam kung bakit nagawa iyun nina, Tita Wendy"
"Then?"
"Wala na, simpleng kamustahan nalang pagkatapos nun. Busy din kasi si Tito Carlo" I decided not to tell anyone about this usb except Denden. I don't know, but my gut feeling is telling me that something bad will happen if someone knows about this.
"It's okay Em. Maybe sina Mrs. Vargas pala ang makakasagot ng mga tanong mo"
"Sana nga"
-*-*-*-
Third Person's POV
"Ma, andami niyo namang biniling pagkain. Anong meron?"
"Hindi ba sinabi ko na sayong darating si Empress bukas?"
"Tinuloy niyo parin?" Di makapaniwalang tanong ng kanyang anak habang pinipigilan ang galit nito.
"Anak naman, malaki ang utang na loob natin sakanila"
"Kahit na, Ma. Didn't I already tell and explain to you that we might be in danger once we talk to them?" Pero kagaya lang nung una ay hindi nakinig ang mama niya
"Hayaan mo na ang mama mo, Justin. Alam mo naman na gustong gusto na niyang makita si Empress" sabi naman nang kanyang papa na sinusubukan siyang pakalmahin
Ang mama niya ang nag-alaga kay Empress simula nung ipinanganak siya. Sobrang napamahal siya dati sakanya na para bang tunay na niya itong anak.
"Okay lang din naman sakin na makipag kita si mama sakanya kahit anong oras, but I heard that Empress is part of a Mafia. I just don't want to put our family in danger. Sana naman naisip yun ni Empress"
Alam naman niyang mabait si Empress pero hindi ang mundong ginagalawan niya. Tahimik na ang buhay nila at ayaw pa niyang gumulo ito.
"Ano ba yang mafia?" Nagtatakang sabi ng kanyang mama na ngayon ay napatigil sa kanyang ginagawa. Nagkatinginan ang mag-ama at parehas na umiwas sa tanong.
"I-iligpit ko na tong mga pinamili niyo" ang nasabi na lang niya at umalis na.
"Hugasan ko na yung mga isda"
Kahit na gusto pa niyang ulitin ang kanyang tanong ay hindi na niya itinuloy dahil mukhang di rin magsasalita ang mag-ama niya.
"Wag kayong mag-alala. Hindi masamang tao si Empress"