Em's POV
"Hanggang tingin ka nalang ba?" Napakunot akong napalingon sa aking likod ng may demonyong bumulong saakin
"Anong ginagawa mo dito?"
"Pina-sundan ka sakin ng ate mo. Pagka-uwi namin sinabihan niya akong sundan kita or else isusumbong niya ako kay papa"
I hissed. Ang dali talagang ma-uto ang lalaking ito.
Allen Diaz, the youngest son of Mr. George Diaz. Matagal ng nagsisilbi ang Diaz Family sa Mafia namin simula pa noong kapanahunan pa nang great-great-grandfather ko.
His family is very loyal to us pero sa kasamaang palad ay tatlo nalang silang natitira. Namatay na kasi ang mama niya sa isang misyon. Pero kahit na ganun ay nanatili parin sila dahil sobrang laki daw ng utang na loob ng pamilya nila saamin.
Secretary din ng daddy ko ang papa niya. Habang ang kuya niya ay tumatayong Capo sa Team A - 1 to 5. Maayos naman sila kaso nga lang minalas ako at itong madaldal na kumag pa ang napunta saakin
"Halatang may gusto sakanya ang secretary niya. Hindi ba niya halata?"
He's right, mula sa titig at kilos palang nung babae ay halatang may gusto na siya kay, Aiken. At napaka-imposibleng hindi niya yan mahalata!
Gwapo si Aiken. Hindi maiiwasan na may aaligid aligid sakanyang babae lalo na't single siya. Two years nadin akong patay sa isipan niya kaya maaring maghanap nadin siya ng iba. At baka nga sila pa ng secretary niya ang magkatuluyan.
Geez! Tinatayuan na agad ako balahibo kahit na iniisip ko palang. Maybe tanda is right, kailangan ko ng magpakita kay Aiken bago pa mahuli ang lahat
"Manonood ka nalang ba gaya-"
"Oh shut up," I said irritatingly and then walked away.
Nabwibwisit na nga ako sa babaeng secretarya niya pati siya sumasama pa.
"Minumulat ko la--"
"Mananahimik ka o mamatay ka?" Sabay kasa ko ng baril at itinutok sa ulo niya.
Napa taas naman siya ng kanyang kamay at kunwaring zinipper ang bunganga niya, "Good"
Hindi lang naman ako manonood eh, makikipag laro ako sakanya hanggang sa siya na mismo ang mag quit sa trabaho niya.
Hindi lang pala trabaho niya kundi ang lintik na feelings niya para sakanya. Balatan ko siya nang buhay dyan e.
"Nakangisi ka nanaman. Ano nanamang binabalak mong masama?" Singit nanaman ni Allen habang naninigkit ang mga mata nitong nakatingin saakin. Napapikit nalang ako para pakalmahin ang sarili ko.
Oh geez!
"Teka, saan ka pupunta? Wala diyan ang sasakyan natin" pero hindi ko siya pinansin at diretso lang na naglakad palayo sakanya.
"Em!"
-*-*-*-
Aiken's POV
"We're looking for them for almost two years now, Allison. Idagdag mo pa ang ilang years na paghahanap sakanila ni Valerie. Yet until now, we still don't have any lead where are they" I took a deep breath first then continued what I was going to say, "Maybe this is a sign for us to give up"
*For you this is a sign to give up, but for me, this is a sign I must strive more. I'm not giving up unless I saw with my two eyes their dead bodies!* then she ended-up the call
Napahilot ako ng aking sintido. Sumasakit ang ulo ko sa walang tigil na pagpilit saakin ni Allison na hanapin pa sila kahit wala ng pag-asa at idagdag mo pa ang monitor na nasa harap ko habang may nakalagay na kulay pulang failed sa gitna nito.
Hindi ko alam kung saan humuhugot ng pag-asa at lakas si Allison na hanapin pa ang mga magulang namin. Nag-aral pa siya bilang hacker sa America para sakanila.
I hope she won't be disappointed someday. Because for me, I already confirmed and accepted it. They are already dead.
Wala naman talaga akong balak na hanapin pa sila kung hindi lang dahil kay Ali. Pagkatapos nila akong iwan, pati si Ali. Para saan? Takasan ang kasalanan nila kay Samora?
"Sir Hassler?" Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang may tumawag saakin at kumatok.
"Come in," I said sabay upo sa aking swivel chair.
"Sir ito na po ang mga papeles na kailangan niyong pirmahan. Na double-check ko narin po mga yan" ipinalapag ko nalang ito sa table at iniharap ang upuan ko sa labas ng office.
Agad na nanliit ang mga mata ko ng mapansin ko ang dalawang tao na mukhang nagmamasid dito mula sa kabilang building.
Balak ko pa sana silang pasundan ng tumayo na silang dalawa at naglakad na paalis.
Yung pigura ng babae kanina, parang-- pero bago pa ako matapos ay napa-iling na ako. Impossible ang iniisip mo Aiken. Pagod lang siguro ako at kulang sa tulog. Baka guni-guni ko lang ang mga nakita ko kanina
"Uhm, Sir Hassler?"
"You still need something?" I asked her as I turned my chair back.
"Kanina ko pa kasi kayo tinatawag. Magpapa-alam na po sana ako"
"You can leave"
-*-*-*-
Sarah's POV (the secretary)
"Bat nakabusangot ka diyan?" Tanong saakin ni ate pag-uwi ko ng bahay.
"Wala" walang gana kong sagot at dumiretso na ng kwarto ko.
"Impossible" sumunod pala siya. "Si The one yan noh? Hindi ba kayo nag kita? Absent? Pinagalitan ka? O baka naman may girl--"
"Manahimik ka nga ate! Wala nga sabi e!" Naasar na sabi ko.
Tsk!
"Hay naku Sarah! Halata na sa mukha mo itatago mo pa" napabuntong hininga nalang ako. Mukhang hindi niya ako titigilan kahit ano pang sabihin ko sakanya.
"Ang sungit kasi niya kanina. Ni' hindi nga niya ako pansinin. Ilang beses ko pang tinawag ang pangalan niya bago niya ako narinig. Aayain ko sana siyang kumain sa labas kaso nahiya na ako" kwento ko sakanya habang siya naman ay umarte na tila tinamaan ng baril ang puso niya at namatay "Itigil mo nga yan! Para kang tanga"
Umayos na siya ng upo, "Baka may problema lang siya. OA mo naman"
"Nagiging ganyan lang naman siya kapag may 'di sila pinag kakasunduan ni Mrs. Janios o hindi kaya nag-away sila ng kapatid namin" bigla naman siyang napa-ubo at pinanlakihan ako ng mata
"Kapatid namin? Na-min talaga? Kayo ba? Kayo?!" Gigil na gigil na tanong niya pero nginitian ko lang siya saka dahan-dahang tumango
"Soon"
Mahigit two years na akong may gusto kay Mr. Hassler. Simula ata noong unang kita ko palang sakanya. Paano ba naman kasi, super perfect niya na. Siya na nga ata si 'Mr. Right' eh. My 'The One'.
Gwapo, matangkad, mayaman, matalino at mabait pa - sa pamilya niya nga lang. Ang sungit na niya kasi pagdating saamin. Pero minsan mabait naman siya. Minsan nga lang.
"Hala siya! Teka-teka! May gusto ba siya sayo?" Mas lalong lumaki ang ngiti ko.
"Parang. Feeling ko kasi may gusto din siya saakin e"
At isa pa. Medyo close na ako sa family niya kaya kunting push nalang at magiging kami na!
"Hoy babae ka! Wag ka ngang atsumera diyan. Paano nalang kapag hindi pa patay ang ex niya at bumalik siya. Paano ka? Edi nga nga tayo!"
I rolled my eyes at her. Hello! Kunting support naman dyan oh. Tsk.
"Alam mo ate impossible ng mangyari yan. Nakalibing na nga ang katawan niya sa garden nila e. Pwera nalang kung may nakita ka na bang patay na nabuhay"
Hindi ko rin namang kailangang mag-alala pagdating sa mga ibang babae na lumalandi at nag kakandarapa din sakanya dahil hindi siya interesado sakanila. Ni' hindi nga niya sila matitigan ng matagal sa mga mata nila e.
"Yun nga ang napakalaking problema mo Sarah!" Nagtataka naman akong napatingin sakanya, "Alam mo naman na hanggang ngayon ay mahal parin ni 'The One' mo yang ex niya kahit na patay na. Mahirap kalaban ang patay, Sarah"
Napatigil ako. Tama siya. Kahit na ilang years na ang lumipas ay parang hindi parin nagbabago ang feelings niya para kay Samora. Ang swerte nga niya eh. Hay naku. Sana ako nalang siya - pero buhay ah.
"Ano kayang ginawa niya at patay na patay si Sir sakanya?" Takhang tanong ko.
"Hala! Baka ginayuma niya!" Bigla ko namang siyang binatukan dahil sa sinabi niya.
Baliw na babaeng toh.
-*-*-*-
Em's POV
"Atchu!" Geez! Mukhang magkakasipon pa ata ako ah.
Pina-alis ko lang si Allen saka ako nagbalik sa pwesto ko kanina. Pagbalik ko ay mag-isa nalang si Aiken at busy sa pagpipirma ng kung ano-ano. Buti nalang wala na yung secretary niya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay napansin kong hindi na siya gumagalaw. Nakapatong narin ang ulo niya sa lamesa. Mukhang nakatulog na siya. Nakapatay nadin ang ilaw sa opisina niya at tanging ilaw nalang sa labas ang nagbibigay liwanag sa loob.
He is so careless. Paano nalang kapag may pumasok sa opisina niya at patayin siya? Tsk!
Nag stay pa ako ng matagal at binantayan siya hanggang sa magising. Ang tagal niya ding nakatulog. Mag aalas-tres na ng umaga.
Napahikab ako at tumayo na. Mukhang made-delay ang pagpunta ko sa mafia house. Ngayon lang kasi ako nakaramdam ng antok.
"Game over, Empress" hindi ako nakagalaw at tila nagising muli ang buong sistema ko.
Oh sh*t!