Chapter 42 Mahigit isang buwan pa ang lumipas ay nagsimula na ako magtrabaho sa jewelry store ni Sir James. Apat ang branch niya sa Pilipinas. Dalawa sa Panggasinan at dalawa rin dito sa Maynila. Si Troy naman ay doon na muna sa bahay nila Mommy at Daddy, at minsan doon naman si Janzel natutulog. Sa isang linggo ay pumupunta ako roon para lang makita ang anak ko o ‘di kaya kapag walang pasok si Troy ay iniuuwi rin siya ni Janzel sa bahay. Ngunit ngayon ay araw ng lunes at kahapon pa ni Janzel hinatid si Troy sa Pangasinan. Ako naman ay nasa trabaho, at nandito ako ngayon sa Ortigas dahil narito ang main branch ng jewelry shop ni Sir James. Uwian na at nagyayaan ang mga kasamahan ko na mag-night out. ‘’Ma’am Cristy, gusto mong sumama sa amin gumimik?’’ tanong ni Hazel na isang kahera sa

