Chapter 41 Nanatili kami ng tatlong taon ni Janzel sa Amerika dahil kailangan kong samahan si Tita sa bahay nila. Nagbabakasyon naman kami sa Pilipinas tuwing isang taon at babalik ulit rito sa Amerika. Simula nang mangyari ang aksedente na pagkahulog ni Troy sa pool ay hindi na ipinagkakatiwala ni Janzel sa akin ang aming anak. Inasikaso na lang muna ni Janzel ang negosyo nila ng kaibigan niyang si Ian Jasper habang nasa Amerika kami. Si Tita naman ay medyo naka-move on na sa pagkawala ni Tito at napatawad niya na rin si Sybe. Sa tatlong taon na lumipas ay kailangan na namin bumalik sa Pilipinas at doon na mag-for good at doon na mag-aral si Troy. Si Jasmine naman ay nagkaroon ng depression noong ipinanganak niya ang pang-apat nilang anak ng asawa niyang si Mike. Kung hindi pa sinuntok

