Chapter 36 Kinabukasan ‘’Cristy, pupunta tayo ngayon sa Tierfly Island,’’ anunsyo ni Janzel. Kagigising lang namin at katulad ng dati ay sa sofa siya natulog at ako naman ay sa kama. ‘’Hindi ba pweding bukas na lang?’’ tanong ko. ‘’Gusto kong surpresahin natin si Jasmine. Hindi mo ba siya na miss? Sabagay paano mo pala ma-miss ang kaibigan mo kung nagawa mo nga siyang traidorin noon,’’ pang-uuyam niyang saad sa akin. Hindi na lang ako nagsalita para manahimik na siya. Inayos niya ang kaniyang mga gamit at inilagay niya ito sa maleta. Kinuha ko na lang ang mga regalo ko sa triplets at kay Jasmine at inilagay ko sa isang sisidlan, pati kay Tita Ann na tiyahin ni Janzel na siyang kasama ni Jasmine. Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay nag-shower na muna ako. Pagkatapos ay nagtungo ak

