Chapter 35 ‘’Hindi ko naman pinabayaan ang anak natin. Bakit kailangan mo akong sampalin?’’ umiiyak kong tanong kay Janzel. Halos nanginginig ang buo kong katawan dahil hindi ko matanggap na sinampal niya ako. Sa loob ng limang taon namin pagsasama ay ngayon lang niya ako sinaktan. ‘’Hindi mo pinabayaan pero nasugatan ang anak ko! Sa susunod huwag mong dalhin ang anak ko kung saan kung hindi mo man lang siya kayang proteksyonan! Pabaya kang ina!’’ galit niyang sigaw. ‘’Hindi ako pabaya, Janzel! Nagkataon lang na mabilis ang pangyayari!’’ pagtatanggol ko sa aking sarili sa mga binibintang niya. ‘’Kahit ano pa ang idahilan mo, Cristy! Tanggapin mo na lang na pabaya ka talagang ina! Sa Amerika ba nagawa mong bigyan ng oras ang anak natin? ‘Di ba, lagi kang busy sa trabaho mo dahil naki

