Napatitig ako sa kanya. Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako. He's offering me something. “I-itatakas mo ba ako?” tila wala sa sarili kong sabi. “Just tell me,” aniya at binuhay na ang makina. Buong byahe ay tahimik kaming pareho. Hindi ko alam kung anong naglalaro sa utak niya. Pero sa akin ay walang ibang laman kung 'di iyong tungkol sa offer niyang itakas ako mula kay Spike. Hindi niya alam kung saan ako nakatira. And I don't want to tell him Spike's address too kaya nagpababa na lang ako sa daang malapit lang din naman sa bahay ni Spike. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw kong makita ni Spike na inihatid niya ako. Pasado alas onse na ng gabi at sigurado akong nasa bahay na siya. Ibinaba ko ang jacket na hinubad ko sa passenger seat bago ako bumaba ng sasakyan ni Welvorn. Kahit na

