Kabanata 15 | Babalik

1298 Words

Pinasadahan niya ng tingin ang buo kong katawan habang naroroon pa rin ang ngising aso sa kanyang labi. Suot ko'y manipis na puting dress na agad dumikit sa katawan ko dulot ng pagkakabasa. Iyon marahil ang dahilan kaya nauulol itong lalaking ito ngayon. Naupo siya sa aking harapan. Sinubukan ko pa ring umatras kahit pa wala na akong maaatrasan dahil sa mga trosong nasa aking likuran. Inilabas niya ang dila niya't dahan-dahang binasa ang kanyang mga labi. Naging malalim ang bawat paghinga ko dahil sa kamanyakang nakikita ko. “A-anong k-kailangan niyo sa akin?” “Pera . . . Sana,” sabay ngisi na naman niya. “Pero kung ganito naman kaganda ang magiging katabi ko gabi-gabi, ayos lang kahit hindi mo na bayaran ang utang ng tatay mo sa akin.” “Pasensya na. Hindi ako pumapatol sa asong ulol!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD