“O-okay po . . . M-mama,” alanganing saad ko. “Ilang araw na lang at ikakasal na kayo ng anak ko. And after the wedding, I'll make sure na makakapagbonding tayo ng bonggang bongga! That's if hindi ka maselan magbuntis.” Umiling ako. “Hin. . .di naman po.” Marahan siyang bumuntonghininga. “Serra, if you need anything, you can call me okay? I am so willing to take care of you. Kung pwede nga lang na sa bahay na kayo tumira para matutukan namin ang pagbubuntis mo.” Agad akong ngumiti ng pilit at umiling ng sunod sunod. “I am perfectly fine, tit— mama. Inaalagaan din naman po ako ni Spike. At saka hindi naman po ako maselan magbuntis.” Nilingon ko si Rynette sa likuran ko na tahimik lang kaming pinapanood. Agad siyang ngumiti sa akin nang napansin ang pagljngon ko. “Sige na, isukat mo na

