EPILOGUE

1403 Words
Vlenataria is a place where extra ordinary people lives, hindi sa may ibang itsura ang naninirahan dito kundi ang bawat isa ay may natataglay ng iba't-ibang kapangyarihan. Iba't-ibang kapangyarihan ang naroroon. Hindi rin maikakaila na maraming yūzā o user na nagtataglay ng pare-parehong mahou. Maliban na lang sa isang pangkat na hindi pangkariniwan; ang mga Elemental Mahou yūzā. Hindi karaniwan sa mga Mahou yūzā na may hawak ng Elemental Mahou sapagkat ibinibigay lamang ito ng mga Elemental Guardians sa mga nararapat o pili na tagapangalaga. Fire, Water, Earth, Air and Light are Elemental Mahou , Each element has their own elemental guardian. Each element should have one user only, not two, either three. Only one. If the previous elemental mahou user died, that's the time the next user of the element will born. Hangga't nabubuhay pa ang humahawak sa nasabing element, hindi magkakaroon ng panibagong tagapangalaga. Me? What am I? Well, I rather live just an ordinary person than living one of those creatures that have their own Mahou . For me, it's a curse... I'm Hellize Blythe Zion,17, an living creature in Vlenatoria and also own Mahou like others. Yes, and I have my Mahou, not one, but four different elements. Fire,Water,Earth and Ice. Hindi ko akalain na naiiba ako sa lahat dahil ang tatlo sa mga elemental mahou ay natatangi kong kapangyarihan, together with the sub-element of water, the ice. If the other users are happy and satisfied with their own Mahou, well ibahin mo ako. Mas pipiliin ko pa ang mabuhay ng isang ordinaryong tao kaysa sa magkaroon ng higit pa sa isang mahou. Sa sarili 'kong mahou maraming nadamay na mga inosente at mas malala pa kasama sina Mama at Papa doon, iyon ang pinakamalaking bangungot sa buong buhay ko at ang sumira sa payapang takbo ng buhay ko. --- Ngayon ang ika-siyam na kaarawan ko, maraming inimbitahan sina Mama at Papa na kapwa kapit-bahay namin. Kasalukuyang nasa isang isla kami upang magbakasyon. Sa araw din iyon, hindi mapakali ang katawan ko sapagkat may parang kung anong enerhiya na gustong kumawala sa katawan ko. Ibinigay alam ko kay mama at papa na halatang nagulat sa aking sinabi. Nag-iinit na ang aking pakiramdam hanggang sa buong katawan ko na ang umiinit.Hindi ko kaya ang aking nararamdaman dahil sa sobrang init, nagsimula na akong umiyak at tumakbo palabas ng bahay. "Hellize!...Anak...huminahon ka!" sigaw sa akin ni mama na natataranta. "anak...tumigil kana sa pag-takbo...halika..." pagmamakaawa ni papa. Bakas sa kanilang mukha ang matinding kalungkutan at pag-aalala. "Hinde ko na kaya...Ayoko na!...please..." mangiyak-iyak na pagmamakaawa ko sa aking sarili na pilit na pinipigil ang aking nararamdaman. Unti-unting lumiliyab ang aking kamay hanggang sa buong katawan ko na ang lumiliyab. Patuloy lang ako sa pagtakbo na nagbabakasaling unti-unting mamamatay ang apoy sa hangin ngunit baliktad sa inaasahan ko , mas lalo lamang lumalaki ang apoy ng aking katawan. Marami ang nagulat sa mga nangyayari ngayon, pati na rin ang nadadaanan kong mga d**o ay nagliliyab at mabilis na kumakalat. "Anak... please...huminahon ka" pagmamakaawang sambit sa akin ni papa na patuloy lang sa paghabol. "Papa 'di ko kaya!" tugon ko. Habang tumatakbo kitang-kita ko kung paano kumalat ang apoy na aking kagagawan sa buong isla, pati na rin ang mga ibang bahay sa isla ay nadamay na. Pagmamakaawa, sigaw, at iyak ang natatanging maririnig mong ingay sa buong isla. "Pasensya ka na anak wala kaming magagawa para tumigil na ang pag-dusa mo" mangiyak-iyak na sabi sa akin ni mama. Ayaw kong makita silang nahihirapan at umiiyak. "Anak...kung pwede lang namin bawiin ang sakit ng nararamdaman mo...halika na anak... " ngayon ko lang nakitang umiyak si papa. Sa buong buhay ko malakas at mabait ang tingin ko kay papa. Gagawin niya ang lahat para sa amin ni mama. Unti-unti kong nararamdaman na sumasakit at humahapdi ang aking balat kaya naman iyak ako ng iyak dahil sa sobrang sakit na parang sinusunog ang buong katawan ko. "Mama... Papa... sorry po...Ahhh!" pagsusumamo ko habang nasasaktan ang aking katawan at napa-upo sa damuhan. " Wala kang kasalanan anak" sambit sa akin ni mama. Napansin ko na may malakas at mabilis na pag hagas ng tubig sa aking mga kamay, unti-unting dumami ang tubig sa lupa na tila'y bumabaha sa buong isla. Nakita ko saglit ang gulat sa mukha ng aking magulang ngunit agad nabalik ang matinding kalungkutan at takot sa kanilang mukha. Pilit ko pinipigilan ngunit mas dumadami pa ang pag-labas ng tubig sa aking mga palad, hindi parin nawawala ang apoy na pumapalibot sa aking katawan na tila'y hindi na tinatablan ng tubig. "Mama!Papa!... huwag niyo na po akong lapitan ...mapapahamak lamang kayo dahil sa akin"pagsusumamo ko sa kanila dahil patuloy parin sila sa paglapit sa akin. Ayaw kong madamay sila sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon, hindi ko kaya. Kaya sa halip na manatili, pinagpatuloy ko ang pagtakbo at pilit na lumalayo sa kanila. "Hindi anak... hindi ka namin papabayaan" tugon ni papa sa akin na mababakas mo sa mukha ang pagod sa pagtakbo. "Halika na anak...please!" pagsusumamo sa akin ni mama. Sa halip na sundin ko patuloy parin ako sa paglayo. "Sorry mama at papa, ayaw ko kayo madamay...Kasalanan ko po ito!" sigaw ko. Pilit parin akong lumalayo sa kanila dahil palapit na ng palapit na sina mama at papa, sa sobrang sakit na aking nararamdaman mahirap pa rin sa akin ang tumakbo ng mabilis. Sa pangalawang pagkakataon, may kung anong gustong lumabas sa aking mga palad maliban sa tubig na patuloy sa pag-agos. Pilit ko pinipigilan sapagkat ayaw kong matamaan sina mama at papa at ayaw kong dagdagan ang mga kasalanan na nagagawa ko ngayon sa buong isla. "Mama...Papa!...Lumayo po kayo sa akin!" sigaw ko, sa oras din iyon biglang lumabas ang enerhiya sa palad ko at naikumpas ko ang sariling palad sa direksiyon ng aking pinakamamahal. Nagkaroon ng malalaking bitak ang lupa at patuloy na papunta sa direksiyon ni papa na halatang gulat rin sa nangyayari. No.no . This can't be... "Papa!" sigaw ko kay papa ng makita kong may palapit rin pala sa kaniyang direksyon na isang malaking bato. Nagagalit ako sa aking sarili, kitang-kita ko kung papaano natamaan ng malaking bato si papa. "Elmo!" sigaw ni mama kay papa na may halong kalungkutan. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, basta ang nararamdaman ko ngayon ay matinding galit sa aking sarili. Kasalanan ko lahat ng ito!...Sa sobrang galit ko, may nailabas ako na malakas na enerhiya na pilit na naman lumabas sa mga palad ko. Ano nanaman ba ito. Ayaw ko na!. Napagtanto ko na yelo ang lumalabas sa mga palad ko, aksidente 'kong naikumpas sa kinalalagyan ni mama at mababakas mo sa mukha niya ang matinding gulat hanggang sa natamaan si mama sa sarili kong kapabayaan. "Mama!" sigaw ko kay mama. Ngayon desperada na talaga ako, napahamak si mama at papa sa akin!Ayoko na!. Gusto ko man makalapit sa kanila ngunit nanghihina na ang aking mga tuhod hanggang sa bumagsak ang katawan ko sa lupa. Gusto na bumagsak ang aking mga talukap ngunit pinipigilan ko lamang. "Sorry mama at papa...Patawad.."iyan ang huling salita na lumabas sa bibig ko sa araw na iyon. Bago tuluyang babagsak ang aking mga talukap, nakita ko ang mga katawan ng mga taong napahamak na wala nang malay at kasama na doon sina mama at papa. Kitang-kita ko kung paano biglang nawala ang mga apoy at tubig sa paligid na parang bula at kitang-kita ko rin ang mga nag-iiyakang mga tao dahil sa aking kagagawan pati na rin ang mga sira-sirang bahay at paligid. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Sana magising ako na nalalamang nananaginip at binabangungot lamang ako. Sorry mama, sorry papa. At tuluyan ng pumikit hanggang sa dumilim na ang aking paningin. --- I will never forgive myself sa lahat ng nangyari noon... Never... *** This book is a work of fiction. Other names, characters, places, and incidents are product of the author's imagination, and any resemblance to actual events or locates or persons, living or dead, is entirely coincidental. (PS : sorry for misspelled words and wrong grammars) Mahou- Mahou or Mahō (**) is the Japanese word for "magic", "sorcery" or "witchcraft".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD