CHAPTER 1

1643 Words
CHAPTER 1: Invitation Simula noong nawala ang aking mga magulang, sina lolo't lola na ang nagtaguyod sa akin. Parang tunay na anak ang turing nila sa akin. Tinanggap nila ako ng buo at inalagaan ng buong puso. Para silang sina mama at papa, tunay na mga magulang na rin ang turing ko sa kanila. Pilit rin nilang pinapaintindi ng paulit-ulit ang lahat ng nangyari noon, nasa tabi ko sila sa tuwing na nalulungkot ako at naiisip ang nakaraan. Sabi ni lola, ang lahat ng iyon ay isang pagsubok lamang, kailangan kong magpakatatag para kina mama at papa. Si lolo rin, parati akong pinapasaya, kulang nalang bumalik siya sa pagkabata dahil sa sobrang childish ni lolo. Pero sa kabila ng mga iyon, hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko at marami parin ang may galit sa akin. Nang kinupkop ako ni lolo at lola, hindi na ako lumalabas ng bahay. Natatakot ako magpakita sa ibang tao, kahit malayo na kami sa isla kung saan ang lahat ay nangyari. Wala rin akong alam sa mga nangyayari sa labas. At hanggang ngayon hindi ko parin alam ang dahilan ng kung bakit ako mayroon na ganitong mahou. Noong nalaman nila lolo't lola ang mga mahou ko, labis na gulat ang agad pamaskil sa kanilang mukha. Ipinaintindi at tinuruan nila ako sa lahat tungkol sa mga may kinalaman sa mahou. Si lolo ang tumutulong sa akin kung papaano gamitin ang mga kapangyarihan ko. Pati sina lolo at lola, hindi alam kung papaano nagkaroon ako ng apat na mahou. Sabi nila, dapat sa isang mahou yūzā ay mayroon lamang ng isang mahou at hindi malaki ang bilang ng mga may Elemental mahou. Parating sinasabi ni lolo sa akin na ang lahat ng ito ay may dahilan, hindi ko rin alam kung ano ang tinutukoy ni lolo. Parati kami nagi-ensayo ni lolo sa tuwing wala siyang punpuntahan, napapansin ko rin na parating wala si lolo at may kailangan daw siyang asikasuhin. Ayaw rin sabihin sa akin ni lola, malalaman ko lang rin daw pagdating ng panahon. Hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong kontrolin ang apat na mahou ko, parati akong nawawalan ng malay dahil sa sobrang gamit ng enerhiya at pagod. Parati ko rin napapanaginipan ang lahat ng nangyari noong ika-siyam na kaarawan ko, halos paulit-ulit lamang ang nakikita ko hanggang sa magising ako na umiiyak. Tinatanong ko ngayon ang sarili ko kung bakit ang mga ito pa ang napunta sa akin. Tila isang bangungot ang lahat ng iyon sa buong buhay ko. May kumatok sa pintuan at iniluwa nito si lola na may dalang pagkain. Nanghihina ang buong katawan ko ngayon, at kailangan ko ng tamang oras para magpahinga. "Hellize, kamusta na ang pakiramdam mo?" bungad na tanong sa akin ni lola. " Okay na man po lola, kailangan ko lang ng kunting pahinga." sagot ko kay lola at iniyakap siya. "Pasenya ka na apo sa lolo mo, sinabi ko na huwag kang ipagod ng husto sa pagi-ensayo niyo." sambit ni lola na may kunting pag-irita. " Lola, hindi kasalanan ni lolo iyon. Pinilit ko lang si lolo dahil gusto ko po i-master lahat ng mahou ko. Pero 'yun nga lang po, hanggang ngayon nahihirapan pa rin ako kontrolin ang mga ito." malungkot na sambit ko kay lola. Hinahaplos-haplos ni lola ang buhok ko at ngumiti ng matamis sa akin. "Huwag kang mabahala at malungkot apo, maghintay ka sa tamang panahon . Isipin mo na lang na ang mama at papa mo ang inspirasyon mo dito at gagawin mo ito para sa kanila. I'm sure apo na proud na proud sila ngayon." unti-unting namumuo ang mga luha sa aking mata habang nakikinig kay lola, sa tuwing naalala ko sina mama at papa kusa tumutulo ang luha ko. Tama si lola, gagawin ko ito para kay mama at papa para maging-proud sila sa akin. " Oh ba't ka umiiyak? Sigurado ako na ayaw ng mga magulang mo na nakikita ka nilang umiiyak ngayon. Kalimutan mo na ang nakaraan at magsimula ka ng mga magagandang ala-ala, you deserve to be happy Hellize." sabi ni lola habang pinapahid ang mga luha ko sa mga mata at yinakap ako ng mahigpit na may pag-iingat. "Opo lola, salamat po" tugon ko at sinagot ang yakap ni lola. Sila ang nagpapasaya sa akin tuwing nalulungkot ako, masayang-masaya ako na ako mismo ang naging apo nila at bilang anak nina mama at papa. Bumalik ako sa ulirat ng biglang bumukas ang pinto ng malakas at iniluwa si lolo na may abot-langit na ngiti sa kaniyang mukha. "Hay naku Henry!, mamamatay ako sa gulat wala sa oras dahil sayo." gulat na saway ni lola kay lolo. Ayan na naman sila, para silang aso't pusa pa minsan. "He he... sorry munchkin, masaya lang ako ngayon" ayon nagsisimula na naman ang pagka-childish ni lolo hindi halata na may pinagmanahan si papa, yes, lolo't lola ko sila sa side ni papa. "Munchkin ka dyan. Tumigil ka na nga Henry!" sagot ni lola. "Kilig ka naman, diba apo?. Choosy pa lola mo 'noh" natatawang tanong sa akin ni lolo. Si lola, ayon namumula na kaya madali lang para kay lolo ang inisin si lola. "Oo nga po lolo, halos mag mukhang kamatis si lola" natatawa kong sagot kay lolo. "Tigilan niyo nga ako ng lolo mo!..." naiinis na suway sa amin ni lola. "Yes po munchkin!" sabay na sigaw namin ni lolo kay lola. "Bakit ka nga pala may malaking guhit ng abot-langit na ngiti diyan sa mukha mo?" pag-iiba ng topic ni lola. Agad na naman bumalik ang ngiti ni lolo at tumingin sa akin na halatang excited sa sasabihin. "May dala akong balita sa iyo apo, tiyak na matutuwa ka rito" nakangiting sabi sa akin ni lolo. --- Ngayon ay araw ng lunes, inaayos ko na ang lahat ng mga gamit na dadalhin ko sa paaralang papasukan ko. Kahapon sinabi sa akin ni lolo ang maganda niyang balita para sa akin. *** " Apo, may natanggap kang imbitasyon mula sa Kioku Academy, isang malaking karangalan ang makakapag-aral doon." masayang pagbabalita sa akin ni lolo. Ngunit ang lahat ng kaniyang sinasabi ay hindi ko maintindihan. "Kioku Academy?mag-aaral?hindi ko po maintindihan." Naguguluhang tanong ko, sa loob 9 taon nasa loob lang ako ng bahay kaya naman marami akong hindi alam kung ano-ano ang nangyayari sa buong Vlenataria. "Apo, ang Kioku Academy ay paaralan para sa mga kabataan upang hasain ang kanilang karunungan sa pag-gamit ng kanilang mahou. Isa iyong magandang paaralan at makakatulong ito sa iyo." pagpapaliwanag sa akin ni lola habang hinihimas-himas niya ang aking buhok. "Tama ang lola mo Hellize, hindi ba gusto mong matutunan ang lahat tungkol sa iyong mga kapangyarihan? Ito na ang oportunidad para sa iyo. Huwag kang mag-alala, siguradong magugustuhan mo ang K.A..." sabi ni lolo, tama sila, talagang makakatulong ito sa akin. Pero natatakot ako sa mga mangyayari, paano kung may mga estudyante na nakakakilala sa akin dahil sa trahedyang 9 years ago. Natatakot rin ako, baka muli kong mapahamak ang mga tao sa paligid ko. Ngumiti sa akin si lola na para bang nabasa niya ang lahat ng nasa utak ko. "Hellize, huwag mo na iyon isipin, kalimutan mo na iyon. Ito na ang oportunidad na magbabago ng buhay mo, build more good memories this time. You deserve it apo, tandaan mo nandito kami ng lolo mo." nakangiting sambit sa akin ni lola. Mababakas mo sa mga mukha nila ang sobrang kasiyahan para sa akin. Gusto nila ang lahat ng makakabuti sa akin, kahit paghirapan nila ito. "Tigil muna ang dramahan, may sasabihin pa ako sa iyo apo" natatawang sabi ni lolo kaya naman pati kami ni lola nakisabay na rin. "Sa sabado ang alis mo dito at sa lunes ang simula ng klase niyo. Ihanda mo na rin ang mga gamit mo na dadalhin sa K.A., at nakalimutan kong sabihin na required sa mga estudyante ng K.A. na doon manirahan dahil may dormitory kayo doon" balita sa akin ni lolo. Ako na naman ito gulat na gulat, napaawang ang aking bibig sa aking narinig. Ayaw kong iwan sina lolo at lola dito. "Pero..." pagtatanggi ko at agad naman pinutol ni lola. "No more but's Hellize, okay lang kami ng lolo mo at isa pa malakas pa rin naman kami hindi porket matanda na kami." natatawang sabi ni lola, at dahil hindi na ako makatanggi tatanggapin ko ang imbitasyon para kina mama at papa pati na rin kina lolo't lola. *** Kasalukuyan kong binabasa ngayon ang invitation ng K.A. para sa akin. Hindi maitatanggi na kinakabahan ako pumasok sa paaralang iyon, parang may mangyayari sa akin at hindi ko maintindihan kung anong meron ang magaganap. Nagbalik ako sa ulirat at pinagpatuloy ang pagbabasa sa imbitasyon: Good day, Miss Hellize Blythe Zion, We have a good news for you . We would like you to join and be one of those students of Kioku Academy. It's our pleasure to teach you all about on what you want to discover in this world. We're giving you an opportunity to learn and discover things all around and be one of our learners. Your own mahou is our priorities to teach and master your very own imaculust until you will be a good and powerful citizen of Vlenataria. We will meet on the date and place that was stated. We will expect your arrival here in Kioku Academy. Thank you... Sincerely yours, Mr. Heloick Slycthe The headmaster of K.A. *** This book is a work of fiction. Other names, characters, places, and incidents are product of the author's imagination, and any resemblance to actual events or locates or persons, living or dead, is entirely coincidental. (PS : sorry for misspelled words and wrong grammars) K. A. or KA - stands for Kioku Academy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD