Until The World To An End
Chapter 9
"ma-ma! ma-ma!" sambit ng anak ko.
Andito ako ngayon sa may plaza sa bayan namin Kasama ko Ang anak ko.
After birthday ng anak ko, kinaumagahan nun, dumating si Mike. Umuwi sya kaya Ayun! sya na Naman Ang center of attraction sa bahay.
(flash back) . . . . . . . . . .
"kahapon yong birthday ng anak mo Mike. Hindi ngayon." Sabi ni papa sakanya pagdating Niya at nag mamano eto.
"pasensya na po. Nasa byahe Po kasi kami kahapon. Kararating lang Namin kanina, kaya pagdating namin deretso na Po ako dito." paliwanag ni Mike.
"wala na Tayong magagawa tapos na." Saad Naman ni mama.
"paluto mo nalang Kay Maureen yang dala dala mo. Walang mag luluto niyan." malamig na Sabi ni papa.
Pagkarinig ko sa Sabi ni papa dali dali ako lumapit Kay Mike at kinuha Ang dala dala Neto.
May dala etong Karne ng baka, kaya ilalaga ko nalang eto.
Nang matapos ako sa pag luluto, ginising ko si Mike dahil naka tulog na eto, tinawag ko na din Sila mama at papa pati Ang Kapatid ko.
Nang kakain na kami, Nakita ko na kinuha ni papa Ang ulam sa may ref, Yung ulam na natira kahapon.
"pa. may ulam Po." Sabi ko. Pero di umimik si papa. Kumuha ng kanin si papa Saka lumabas eto, ganun din si mama. kumuha lang din ng kanin. Di man lang Sila kumuha o tinikman man lang Yung ulam na niluto ko na dala ni Mike.
Nakita ko si Mike na napa ngisi nalang. Tanda na nag sasabi sya na "alam ko na Yan"
After namin Kumain Nakita ko na nag eempaki na Naman ng gamit si Mike.
"Aalis ka na Naman kagad. Wala ka ng oras sakin, Wala ka ng oras sa anak mo." Sabi ko.
"pwede ba Maureen! walang oras? nakikita mo ba Anong ginagawa ko? nag hahanap Buhay ako." saad ni Mike.
"kakarating mo lang, di ka man lang ba mag lalaan ng kahit konteng oras para samin ng anak mo?" Sabi ko ulit.
"ano ba! Anong gagawin ko dito. Tignan mo nga trato sakin ng pamilya mo." sagot niya.
"sorry. Kasalanan ko." nasabi ko nalang.
"wala ka bang alam Gawin kundi mag sorry. Kung gusto mo ng oras! pwes! mag hanap ka ng malilipatan ng Bahay, ayoko dito. Ayaw mo din samin diba. Kaya Ikaw gumawa ng paraan para makalipat Tayo sa Bahay na Tayo lang Nakatira." bulayaw ni Mike.
"pag ba naka bugod na Tayo, mag e stay ka samin? mabibigyan mo naba kami ng oras ng anak mo?" sabi ko na umiiyak na.
"oo!" sagot agad ni Mike. Saka eto umalis.
(end of flash back) . . . . . . . . .
Napabuntong hininga ako, pinag masdan ko Ang anak ko na naglalakad papunta sakin, oo nakakapag lakad na Ang aking anak.
"mama! mama!" sambit ng aking anak na tawang tuwa pa eto.
Nang makarating Ang aking anak sa kinaroroonan ko, binuhat ko eto at inupot sa may lamesa.
"gutom ka naba?" tanong ko dito.
Inilabas ko Ang natimplahang gatas Neto sa bote. Saka ko ibinigay sakanya.
Hinawi hawi ko Ang kanyang buhok. Pangiti ngiti pa ako.
"Ikaw nalang Ang magandang nangyari sa buhay ko anak." Sabi ko.
kahit alam ko na Hindi pa Niya naiintindhan kinakausap ko parin sya at sinasabi Ang mga bagay na diko masabi sa iba. Alam Kong napaka Bata pa Niya para maintindhan Niya ako. Pero sa panahon ng pagiging mag Isa ako, tanging Ang anak ko lamang Ang naging sandalan ko sa lahat. Siya Ang naging best friend ko.
"Sana Maka hanap ako ng malilipatan natin nak noh! para maging maayos na Ang pag sasama namin ng papa mo." Sabi ko ulit. Pero tanging ngiti lang ng anak ko Ang nakuha Kong sagot mula sakanya. Kaya napa ngiti nalang din ako.
"Umaasa ako nak, na mag babago pa Ang papa mo. Na mahal Niya Tayo. Kung Ang pag lipat at bumugod ng tirahan Ang tanging paraan para may oras satin Ang papa mo mag hahanap Ako. Sana nga may makita ako." sambit ko ulit.
"Maureen!" Isang boses babae Ang narinig ko na bumangit sa pangalan ko. Kaya tinignan ko Ang isang imahe sa harapan ko.
"Ha-hazel." Sabi ko ng makilala ko kung sino yong tumawag sa pangalan ko.
Oo si Hazel. Ang kaibigan ko.
"Ikaw nga! kumusta ka?" Sabi ni Hazel at lumapit eto sakin Saka ako niyakap.
"eto naba yong anak mo?" tanong Niya ulit.
"ah! oo. Lance Denyelle Ang pangalan Niya." sagot ko .
"hi baby. Ako Pala ang pinaka Maganda mong tita. Nag tatampo ako sa mama mo kasi kinalimutan Niya akong kuning ninang." Saad ni Hazel. At ngumiti ako.
Napailing nalang ako sa sinabi Niya. Oo Tama nga sya Diko sya kinuhang Ninang. Nung panahon kasi na bibinyagan Ang anak ko wala dito si Hazel nasa Manila eto, At Yung araw na din Yun, tanging si Mike lang Ang kumuhang ninong at ninang dahil sya daw Ang gagastos.
"mahigit Isang taon na din Tayo di nag kita." Sabi ko.
"Kaya nga eh! kumusta ka Naman?" tanong ni Hazel.
Hindi ako umimik, Hindi ako sumagot sa tanong Niya, kasi diko alam Kong Ano Ang isasagot ko.
"wala paring pinag Bago noh!" Sabi Niya.
"ewan ko ba. Hindi ko alam Kong nagawa ko na ba Ang lahat. Hindi ko alam." sagot ko.
"Hay! ayokong pag usapan." saad ni Hazel.
"sya nga Pala. May pupuntahan ka paba kayong mag Ina." dugtong pa Neto.
"Wala naman. Pauwi na din sana kami. " sagot ko.
"Ganon ba. Tara! sama ka sakin. Sama kayo ng anak mo sakin." Sabi Niya
"ha! San Naman?" pag tatanong ko.
"pupuntahan ko Yung Bahay namin. Bibisitahin ko. Sakto may dala akong pagkain dun nalang natin kainin. " Sabi Niya
Sa kabilang baryo Ang Bahay nila Hazel, Hindi naman eto masyadong malayo mula sa baryo kung San ako naka Tira.
Nag tungo kami sa Bahay nila Hazel, sinamahan ko na din eto mag linis, wala na din Kasi Nakatira sa Bahay nila. Nasa ibang bansa na Kasi Ang mama at papa Niya, Kasama nila Ang ate Niya na nasa ibang bansa. Ang kuya Naman Niya ay may sariling Bahay sa manila kaya sinama sya ng kuya Niya dun sa manila.
"tagal din na walang tumira dito. Balak namin na ipa upa Muna, para may mag bantay sa Bahay." Sabi ni Hazel habang kumakain kami ng pizza. Kakatapos lang Kasi namin mag linis.
Sa sinabi Niya na ipapa upa Nila, biglang nag ningneng Ang mata ko.
"Ipapa upa neyo?" tanong ko ulit Kay Hazel.
"ipapa upa namin." sagot niya.
"mag Kano? pwede bang ako nalang mag upa dito." Sabi ko.
"seryoso? dinga?" sagot naman ni Hazel.
"seryoso ako." Saad ko.
"kaya nga nasa bayan ako Kasi nag hahanap Ako ng mauupahan Yung mura lang sana" dugtong ko pa.
"sige! ganito nalang. Kung naghahanap ka ng mauupahan, kaya Ikaw nalang mangupahan dito. Wag Kang mag alala. Di kita sisingelen ng mahal." Saad ni Hazel.
"talaga?! naku! salamat kung ganon. Makaka lipat na din kami sa wakas!" masayang Sabi ko.
"Kasama mo si mike na lilipat Dito?" tanong ni Hazel.
"oo" sagot ko agad sakanya. At ikenuwento ko sakanya Ang pangayayari kung bakit ako nag hahanap ng lilipatan.
"sabagay, my point Naman sya. Sige! maniniwala ako sa fighting espirit mo. Sana maging maayos kayo sa pag lipat neyo dito." saad ni Hazel.
"kelan balak neyo lumipat?" dugtong na tanong Neto.
"pagka uwi Ni Mike sasabihin ko Sakanya para makalipat na din Kami kagad dito." Sabi ko.
Pagkatapos namin Kumain ni Hazel at mag linis umuwi sya sa tinutuluyan Niya, at iniwan na din Niya sakin Ang susi ng Bahay, para daw any time pwede na kami lumipat don, at heto ako ngayon naka ngiting umuwi sa Bahay.
"Nak! eto na, makakalipat na din Tayo. Mag kakaroon na Tayong maayos na pamilya." Sabi ko ulit sa anak ko na naka ngiti sakin.
Lumipas Ang tatlong araw umuwi din si Mike. Wala Kasi akong cellphone para tawagan sya at ipaalam Sakanya Ang magandang Balita. Nag kausap na kami ni Mike, at kinaumagahan nun pinuntahan namin eto at sa sumunod na araw ay lumipat na din kami sa Bagong titirahan namin.
Saktong pag lipat namin sa bagong bahay, ay siyang pag bisista Naman ni ate Leslie kaya napa sama sya sa pag lipat namin at syempre sya yong nagpakain.
Bago umuwi Sila ate Leslie sa tirahan nila, binigyan Niya ako ng cellphone na pinag lumaan Niya, may Bago na daw Kasi syang phone kaya sakin nalang daw Yung luma niyang cellphone. Nag pasalamat ako dito Kasi malaking Bagay na iyon sakin kahit luma na. Maayos pa naman yong cellphone at walang sira kaya mas natuwa pa ako Lalo.
Naging maganda at maayos Naman Ang pag lipat namin, di rin kami pinigilan ng magulang ko sa pag lipat namin. Yun din naman Ang gusto nila Ang Maka bukod kami ng tirahan kaya pabor din sakanila Ang pag lipat namin.
Heto na! heto na Ang bagong chapter ng buhay Namin. Sana Ang inaasam Kong pagamahal ay aking makamtam.
Sana maging maayos at Masaya na Ang pag sasama namin ni Mike. Sana wala ng maging problema.