Until the world to an end
Nakalipat na nga kami sa Bago naming tahanan. Masaya ako at sa wakas makaka kilos na kami ng maigi. Wala ng bawal dito Bawal Yan, wag Yan, wag dito.
Okey na rin eto, makaka hinga na din ako ng maluwag. At syempre panibagong yugto na nga sa buhay namim ni Mike. Inaasahan ko na sana maging maayos Ang lahat, na sana maging maganda Ang kinalabasan ng pag sasama namin Ngayon, dahil nga diba sa wakas naka bukod na nga kami ng tahanan.
"Buti at naka usap mo si Hazel at pumayag na Tayo Ang manirahan dito pansamantala sa Bahay nila habang Wala Sila." Sabi sakin ni Mike.
Nandito kami Ngayon sa kwarto namin, Bali tatlo Ang kwarto netong bahay, Yung Isa dun ko nilagay mga gamit ni baby Lance, at sa Isang kwarto bakante, pero nilinisan narin namin para magamit pag may biglaang bisita.
"Kaya nga, ehh! Buti at pumayag sya na Tayo Ang manirahan dito sa Bahay nila. I paparenta din Naman nya kaya sinabi ko na Tayo nalang. At pumayag din." sagot ko.
"Ayan. Seguro madalas ka na Niyan makaka uwi samin. Pwede kana dito mag pahinga kahit kelan mo gusto." Sabi ko pa.
"oo naman. naka bukod na Tayo, makaka pag pahinga na ako ng maayos Neto." sagot niya.
Mag katabi kaming tatlo sa higaan. Saka nalang sa kabilang kwarto matutulog si Baby lance pag nasa edad dalawang taon o higit pa.
Lumipas Ang ilang buwan naging maayos Naman Ang pag sasama namin ni Mike sa Bago naming tirahan. At umuuwi na rin sya, di tulad ng dati na uuwi tapos aalis agad, Ngayon Minsan umaabot ng tatlong araw Saka siya ulit aalis, mayroon ding Minsan umabot ng Isang linggo Ang pananatili Niya sa Bahay.
Masaya ako sa kung Anong meron kami Ngayon ni Mike, na nakikita ko na umuuwi na sya dito at nananatili samin.
Pero Ang trato Niya sakin Ganon parin. Walang pag babago. Tulad ng dati lagi syang nagagalit pag diko agad sinusunod Ang gusto niya. At tulad din ng dati na hinahagis Niya Ang Pera sakin pag binibigyan Niya sakin to. At tulad din ng dati Panay sakto lang din Ang binibigay Niya sakin na Pera. Walang natitira para sakin. Para sa sarili ko sana.
Pero sa kabila ng lahat ng nun, naging kampante parin ako. Tiniis ko nalang lahat, Ang importante nasa Amin si Mike. Ang importante, bumibili sya ng makakain namin. Nag Sabi na din ako Kay Mike na kung magtrabaho nalang din ako pero ayaw Niya, Nagalit lang sya at sinabi Niya na Hindi ko kailangan Gawin Yun Kasi di Naman niya kami ginugutom, na baka ano pa Ang isipin ng pamilya ko.
Pero habang tumatagal, lumipas Ang dalawang taon, Ang kampante Kong Buhay ay muling magugulo.
- - - - - - - - - -
Habang inaayos ko Ang gamit ni Mike Kasi aalis na naman eto, mag tatrabaho sya, Sabi Niya dalawang linggo raw syang mawawala, at di makaka uwi dito samin. Ilang buwan na rin na Ganon Ang sitwasyon namin, dalawang linggo siyang di makaka uwi, tapos pag naka uwi Naman tatlong araw lang siyang namamalagi dito tapos aalis ulit.
Habang inaayos ko Ang gamit Niya na dadalhin Niya, nakita ko sa higaan Ang cellphone neto na may tumatawag, sasagotin ko sana kaso bigla namang namatay, kaya tinignan ko kung sino Ang tumatawag at Ang nalagay na pangalan "my boss"
my Boss?? ibig sabihin boss Niya Ang tumatawag.
Nag txt yong "my boss" message Neto na "asan kana" kinuha ko Ang phone ni Mike at rereplyan sana Yung boss Niya Kaso naka lock Pala Ang phone Neto, sinubukan Kong buksan, lahat ng alam Kong number na pwede Niya ilagay sa pin code ng phone Niya ay sinubukan ko, pero wala. Di parin eto nabuksan.
Sa pag susubok kong muli na buksan talaga Ang phone ni Mike biglang nag message ulit yong "my Boss" at Ang Sabi ay "Nag hihintay ako".
Ewan pero bigla ako nag ka kutob. Bigla ako naka ramdam na parang may Mali. Pero iniisip ko na boss nya Yung nag message, ibig sabihin amo Niya. Pero Ang pag kaka alam ko lalaki Yong amo Niya. Kaya bat ako bigla kinabahan? bakit ganito Ang pakiramdam ko.
Sa pag iisip ko diko namalayan na tapos na pala naligo si Mike, Napansin ko lang eto ng bigla niyang hablotin Ang phone Niya sa kamay ko.
"ay! Pasensya kana, nangi alam Ako sa phone mo, may tumawag kasi pero diko nasagot." Sabi ko.
"sa susunod pag may tumawag wag mong sagotin, dalhin mo sakin Yung cellphone ko Hindi Yung na ngingi alam ka." sagot ni Mike.
"pasensya na." tanging nasabi ko. Sa totoo lang nalutang talaga ako, iniisip ko parin Yung biglang pag babago ng pakiramdam ko.
Hayy!! ewan ba. Wala lang seguro to.
- - - - - - - - - -
Limang araw na ang lumipas simula ng umalis si Mike sa bahay at nag trabaho. Yung kutob ko din Nung araw na Yun ay nawala din, pero lagi paring pumapasok sa isip ko yong name ng nag message Kay Mike.
Andito ako ngayon sa palengke, sa bayan kung San Nakatira si Mike, ewan ko din ba at kung ano pumasok sa isip ko at dito ako namalengke. Birthday Kasi ng pamangkin ko at inembetahan kami na pumunta kaya pumunta ako, at dahil sa kulang Ang mga sangkap sa mga lulutoin ako na Ang nag representa sa sarili ko na Ako nalang Ang bibili, Iniwan ko na din si Lance Ang anak ko kila mama Kasi kalaro naman Niya Ang mga pinsan Niya, Saka tatlong taon na rin si Lance kaya Dina Siya Mahirap alagaan.
Habang nag lalakad ako papunta sa parking lot kung San andun Ang sasakyan na sinakyan ko papunta dito, nag arkila na Kasi ako ng trysicle papunta dito.
Habang nag lalakad ako, may parang pamilyar na Mukha Ang aking napansin sa may coffee shop, na nadaanan ko. Kaya naman inusisa ko eto. Tumigil ako sa may coffee shop, at pinag masdan maigi Yung taong namumukhaan ko, Hanggang sa nakita ko si Mike dun.
Nang Makita ko si Mike, kumunot Ang noo ko. Dahil Ang alam ko ay nasa trabaho eto nasa ibang Lugar, kaya pano napunta si Mike dito. Sa pag iisip ko diko inakala na may bubungo sakin na Isang babae.
"I'm sorry miss. Are you okey?" Sabi Neto.
"okey lang ako. Sorry din" Sabi ko.
Nakita ko Ang pag mumukha ng babae, sexy eto. maganda Ang kontes, maputi. Mapula ang mga labi, dahil sa lipstick Neto. Maikli Ang buhok Niya na hangang sa may taynga Niya, bilugan Ang mata Neto, at di may pagka maliit Ang ilong.
" Sorry talaga, diko Kasi Nakita. Diko Kasi tinitignan Ang dinadaanan ko, naka tingen ako sa cellphone ko." paliwanag Neto.
"Ayos lang ako. Mukhang may lakad kapa ata, sige na miss okey lang talaga ako." sagot ko.
"Kaya nga Po eh! mag kikita Kasi kami ng boyfriend ko Dyan sa may coffee shop, I txting him kaya di kita Nakita. Sorry talaga." paliwanag Niya.
"Okey lang sige na, puntahan mo nayang boyfriend mo ayos lang ako." sagot ko.
Nag paalam sakin Yung babae at pumasok na eto sa my coffee shop, nang Maka pasok Ang babae dun ko naalala na nakita ko Pala si Mike sa loob ng coffeeshop, pero ng balingan ko eto ng tingen. Wala na. Wala na ang Mike na Nakita ko sa loob.
Kaya dun ako ulit nag isip na baka namamalik mata lang ako, na baka mali yong nakita ko, na baka imahinasyon ko lang. Baka kamukha lang Niya.
"hayy! dami ko na ngang iniisip dadagdag pa to. " Sabi ko nalang sa kawalan.
"Maka alis na nga." dagdag ko pa na sabi.
Nakarating na ako sa amin at lumipas Ang mga oras Nag simula na din Ang kasiyahan. At sa pag lipas pa ng oras, heto nat oras na ng Gabi.
Tulog na din Ang aking anak.
"oh! Maureen, dito nalang kayo matulog ng anak mo, Gabi na din at tulog narin si Lance, ipa bukas mo nalang Ang pag uwi neyo" Sabi ni mama.
"sige Po ma." agad na sagot ko.
Tama, dito nalang Muna kami matulog, Wala din Naman si Mike sa Bahay at Isa pa mahimbing na Ang tulog ni Lance.
Mayat Maya may nag messege sakin, at si Mike eto.
"Dyan ba kayo matutulog kila mama mo" message ni Mike.
Nag taka ako at bat sya nag message ng ganitong oras, at oo alam Niya na Andito kami, at Nag tataka ako kung bakit ganun ang tanong Niya sakin kung dito kami matutulog kila mama.
Nereplyan ko eto, "oo. dito nalang kami matutulog. Bukas nalang kami uuwi sa Bahay"
"ganun ba? okey sege ingat kayo pauwi bukas" sagot Naman ni Mike.
Ang weird Niya.
Pero pinang walang bahala ko nalang.
Lumipas Ang ilang oras, madaling araw na. Alas dos na ng Madaling araw, Hindi ako mapakali. Ewan pero may nang hihikayat sakin na pumunta sa tinirahan namin ni Mike. Kung pupunta ako, Ano Naman idadahilan ko sa magulang ko. Parang ewan, pero Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, at Ang lakas din ng humahatak sakin na Mag tungo sa Bahay namin.
Hindi ako mapakali, Tatayo, uupo, hihiga ulit, Tatayo ulit, tapos uupo muli. Hayy!! parang ewan.
Dina ako naka tiis, huminga ako ng malalim, at tumongo sa kwarto nila mama, mag papa alam lang ako saglit, sasabihin ko nalang na may naiwan ako sa Bahay. Basta bahala na.
Pag dating ko sa silid nila mama, Nakita ko na mahimbing na ang tulog nila kaya diko nalang Sila ginising, menessage ko nalang Sakanila.
"ma, umuwi Muna ako, tulog pa kayo kaya diko ma kayo ginising, paki bantayan Muna si Lance babalik din Po agad ako may nakalimutan lang Kasi Po ako. pakisabi nalang din Po Kay papa."
pag ka send ko ng message, dali dali din ako umalis sa Bahay nila mama. At nag tungo sa Bahay na tinitirahan namin ni Mike, sa kabilang Barangay lang kaya pwede etong lakarin, kaya nilakad ko nalang.
Huminga ako ng malalim ng malapit na ako sa bahay. At tinatanong Ang sarili kong bakit Ano Ang gagawin ko dito. Hanggang sa matanaw ko Ang Bahay, nag taka ako dahil bukas Ang Ilaw ng Bahay, Kaya dali dali akong nag tungo, at ng makarating ako, kinutuban ako, dahil Nakita ko na bukas din Ang Ilaw sa kwarto namin ni Mike.
"may mag nanakaw kaya." sa isip isip ko.
Dahan dahan ako lumapit sa pintuan at ng buksan ko sana eto Nakita ko na bukas Pala eto, kaya mas Lalong kumabog Ang dibdib ko, halong takot Ang nararamdaman ko na baka pinasok kami ng mag nanakaw.
Dahan dahan akong pumasok, natatakot ako na baka mag nanakaw nga pero wala man lang akong dalang pamalo or kahit Anong Bagay na pwede idepensa.
Hangang sa ..
Ang takot kung nadarama ay napalitang ng pagkasuklam dahil sa Nakita Kong eksena.
.
.
.
.
.