Until the world to an end
Episode 11 - Heartbreak
. . . . .
Ang pangamba Kong nararamdaman at takot ay napalitan ng pag ka muhi.
"Mike! may tao!"
Sabi ng babae na naka ibabaw Kay Mike.
"Maureen?!"
Sambit ni Mike ng Makita ako.
"Anong ginagawa mo dito?"
Tanong Ni Mike.
Anong ginagawa ko dito? seryoso sya? bat Niya ako tatanongin ng Ganon, alam niyang dito ako Nakatira, dito kami nakatira at Yun Ang itatanong Niya sakin.
Hindi ako umimik, gusto ko mag salita at Magalit pero ewan ko at walang lumabas sa bibig ko, tila ba nawalan ako ng tinig. Gusto ko syang sampalim, gusto ko sabunutan Ang babaeng naka patong sakanya, pero tila napako Ang paa ko sa kinatatayuan ko.
Diko alam kung anong nangyari, Hindi ko din alam kung paanong hawak na ni Mike Ang magkabilang braso ko.
"Maureen Naman! Ang buong akala ko andun ka sa magulang mo, bat nagyon andito ka, dapat nagsabi ka. Tinanong kita kanina kung uuwi kayo, at Sabi mo hindi. At ngayon andito ka."
Mahabang Sabi ni Mike habang hawak hawak Ang braso ko.
"Bakit ako mag papaalam? bat ako mag sasabi Sayo kung uuwi ako dito, Hindi bat buong akala ko wala ka dito. At Saka, Hindi ko kailangan mag Sabi Sayo kung uuwi ako sa Bahay nato Kasi dito ako Nakatira. Bahay ko to." Buong Tapang Kong Sabi, Hindi ko din alam San ko nakuha Ang tapang upang masabi ko Ang lahat nang Yun.
Nag papa salamat din ako dahil Yung kanina na nakatameme lang ako Ngayon ay nakapag salita ako.
"Ikaw Pala Ang ex wife ni Mike! oh! I'm sorry, Hindi Pala ex wife Kasi di Naman kayo kasal!" Sabi ng babae na bigla nalang sumingit sa usapan namin ni Mike.
Diko gusto Ang sinabi Niya kung kayat Yung pag pigil ko kanina ng inis at nararamdaman ko na magkamuhi ay biglang pumunta sa kamay ko at bigla ko etong sinampal.
"Maureen! ano ba! bat mo sya sinampal?!" Sabi ni Mike pag ka sampal ko sa babae Niya.
"Bakit Hindi?! bakit Hindi ko sya sasampalin?!, kulang pa yan sa pang patol Niya Sayo!" galit at inis ko na din na Sabi.
"sige!! saktan mo pa si Crisel! at Ako Ang makaka laban mo!" sigaw at galit din na Sabi ni Mike.
Wow!! sa Kabit pa Niya sya talaga kakampi!!
"at kakampihan mo pa talaga Ang kabit mo!!" sigaw ko!.
"at bakit Hindi!! haa!" sigaw na din ng babae Niya.
"at Sabihin ko sayo ng Malaman mo, Hindi ako Kabit Kasi hindi kayo kasal!!" Sabi pa Neto.
"kaya Hindi mo ko pwede tawaging kabit Niya Kasi di Naman kayo kasal! Saka! matagal na kayong Wala!! ako na Yung mahal ni Mike at Hindi Ikaw!! kaya wag kang desperada!! May anak lang kayo at sa anak neyo lang sya may pananagutan at Hindi Sayo!!" dagdag pa na Sabi Nung babae.
Hindi ako nagawang saktan Nung babae dahil hawak hawak sya ni Mike. Oo di Niya ako na gawang saktan physically, pero sobrang Sakit Yung sinabi Niya sakin.
Totoo ba! totoo na walang pag mamahal sakin si Mike? kalokohan lang ba Ang lahat ng to.
Isang masakit na sampal sa akin lahat ng sinabi ng babae. Dinurog Ang puso ko.
Hindi ako umimik sa lahat ng sinabi ng babae, Wala man lang Isang salita Ang lumabas saking bibig, nanatiling naka Tikom Ang aking bibig. Iniisip at nag rerewind sa aking isipan Ang lahat ng sinabi sakin ng babae.
Hangang sa namalayan ko nalang na wala na sa harap ko Sila Mike at Ang babae Niya.
Nasapo ko ang noo ko. Diko alam kung anong magiging reaction ko sa lahat. Hindi ko alam Anong gagawin ko.
Basta Nakita ko nalang Ang sarili ko na Puno ng Katanungan. Natagpuan ko nalang Ang aking Sarili na umiiyak. Humihikbi ngunit pinipigilan Ang pag iyak ng malakas.
Sa sobrang Sakit ng aking nadarama para na akong mababaliw.
Hindi ko namalayan na naka tulog Pala ako. Naka tulog nga ba? gaano ako katagal naka tulog? hayy!!!
Tinignan ko Ang oras at tila mga Isang oras na Pala akong nawala sa bahay nila mama. Kung kayat naka idlip lang ako. Oo nga Pala yong anak ko baka nag hihintay sa akin.
Bumangon ako sa pagkaka higa ko, inayos ko Ang aking Sarili. Pambihira, ganun ba akong walang kwenta, ganun ba ako di Niya kamahal? umalis si Mike ng diman lang nag papaliwanag. Umalis si Mike at iniwan Niya akong maraming Katanungan.
"oh! andyan kana pala." Sabi sakin ni mama.
Andito na Pala ako sa Bahay nila mama. Nakakatuwa diko man lang napansin na andito na Pala ako sa Bahay nila mama. Habang nag lalakad ako papunta dito Ang dami Kong iniisip, Ang dami Kong Katanungan. Buti nalang at ligtas akong naka balik dito.
"si Lance po ma? gising na ba?" tanong ko Kay mama.
"Hindi pa namam." sagot ni mama.
Tinignan ko si mama, wari gusto Kong Sabihin sakanya Ang nangyari samin ni Mike, gusto Kong Sabihin Kay mama Ang ginawang pang loloko sakin ni Mike pero.
"Nga Pala Maureen. Ang laki na ng pinag Bago ng Asawa mo ah! nakikita ko na mukhang nag Bago na sya. Di na sya tulad ng dati na patambay tambay lang sya. Nung lumipat kayo, Buti at nag bago na sya. Balita ko na lagi syang may daladalang pasalubong para sa anak neyo at mukhang di kana din na gugutom." mahabang Saad ni mama.
Ngumiti lang ako Kay mama sa pagka haba haba ng sinabi Niya.
Paano ko Pala sasabihin Kay mama. Ngayon na natutuwa sya Kay Mike. Oo nag Bago nga si Mike, nag Bago Ang tingen Sakanya ng mga tao, Ang bango bango na Niya sa iba. Pinag tatakpan ko kasi sya lagi.
Dibali na. Sasarilihin ko nalang Ang lahat.
"Ipag laban mo Ang iyo Maureen. Malaki na ang anak mo, Nakita ko na nag Bago na din si Mike. Kaya wag Kang papayag na may sumira dito. Ipag patuloy mo Ang nasimulan mo." dagdag pa na Sabi sakin ni mama.
Ngumiti lang ako at tumango tango.
Nag tungo ako kung nasaan Ang anak ko. At dun kumawala na Naman Ang mga luha ko. Pagka pasok ko, Sinara ko Ang pinto at napa upo nalang. Tinakpan ko ang bibig ko ng mga kamay ko para di gumawa ng ingay at di nila malaman na ako ay umiiyak.
Paano nga ba?
Pano ko sasabihin?
Diko Malaman Ang aking gagawin.
Sino?
Saan?
Kanino?
Bakit?
Mga salitang Paulit ulit na sinasabi ng aking utak.
Mga ilang minutong pag iiyak na pigil para di Maka abala, muli Kong inayos Ang aking Sarili. Baka magising Ang anak ko at Makita ako sa ganitong sitwasyon.
Lumipas ang tatlong araw, Wala paring Mike Ang umuwi. Nanatiling katanongan Ang mga nasa isip ko.
-mike! ano ba! mag usap Naman Tayo!-
Saad ko sa txt message.
ako na Ang unang nag message Sakanya, mukhang kasing Wala syang balak mag message o mag paliwanag sakin.
-wala Tayong dapat pag usapan pa. wala Akong dapat ipaliwanag sayo.-
reply Niya.
-mag papadala ako, para sa budget ni Lance. Pag kasyahin mo Muna Yan. Diko alam kung kelan Ako makaka uwi dyan.-
message pa niya.
-nasa Sayo na Ang desisyon. Ikaw na bahala.-
message pa niya.
Dun sa huli Ako na ngamba. Bahala ako?! Ano Naman ba to. wala man lang bang "sorry"
Tatangapin ko Naman Ang sorry Niya. Ganun ko sya ka mahal.
-sorry. sorry kung Wala akong kwenta. Kaya ka nag hanap ng iba. Please ayosin Naman natin to. para Kay lance.-
reply ko. oo nag paka baba na ako. Oo Ako na Ang hihingi ng sorry at Ako na Ang may kasalanan. Tatangapin ko nalang. wag lang syang mawala sa Amin.
-buti alam mo. kaya umayos ka. -
Yan lang Ang tanging reply ni Mike.
Durog na durog ako. Durog na durog Ang puso ko.
Ako nga ba Ang may kasalanan?
sige na! Ako na yong may kasalanan. Tatangapin ko na na ako yong Mali. Maipanalo lang to.
Lumipas ang tatlong linggo, di pa nga umuuwi si Mike at Isang beses lang din syang nag padala. Dating gawi, tumatangap ulit akonng labada ng walang nakaka alam. At sa tuwing tinatanong ako bakit may Pera ako. Syempre Padala ng Asawa ko.
Pero Ang totoo galing sa sideline ko.
Tatlong linggo na, Wala paring Mike. Hindi na din ako pwede umasa sa Padala ni Mike. Kaya ayon. Ang natitira Kong Pera ay pina pamasahe ko. Nag tungo ako sa ibang bayan para mag hanap ng trabaho. Pero ewan ba. Kahit Anong gawin kong pag hahanap di ako makahanap.
Diko nga alam kung makaka hanap paba ako ng trabaho sa ginagawa ko. Sobra kasi akong lutang.
Iniisip ko Kasi kung ano nga ba ginagawa ni Mike. Kung Sila paba Nung babae Niya or may bagong babae sya. Kaya di ako Maka pag fucos tuloy.
Nag tungo ako sa may plaza, at tumingin ng bakanteng upuan, at ng makakita ako, dun ako nag tungo.
Umupo Muna ako at nag Pahinga. Mayat Maya, may Isang babae Ang tumabi sakin at nag alok ng Isang kapirasong papel.
"basahin mo lang baka makatulong, at sakaling interesado ka, tawagan mo ko sa number na nakalagay Dyan. Salamat!" Sabi ng Isang babae na nag abot sakin ng isang kapirasong papel.
. . . . . . . . . .