Until the World to an end (chapter 13 - New friendship )

1632 Words
Until The World To An End Chapter 13 Ilang buwan ang lumipas, simula ng nakilala ko si Jeff marami ang nangyari. At Isa na doon ang pagiging malapit namin sa isat isa. Sa tuwing malungkot ako lagi siyang andiyan at pinapa saya Niya ako sa mga simpleng bagay na ginagawa Niya, sa mga hirit niyang joke sumasaya na ako. At tulad nga ngayon, sobra akong Naluluungkot at tulala, dahil nga sa nangyari samin ni Mike Nakaraang araw. Oo, si Mike ganun parin, ilang beses ko parin syang nahuhuli na may ibang babae. Pero hinahayaan ko nalang, iniiyak ko nalang at nag mamakaawa. Nung Isang araw nga, nag talo ulit kami.... (flashback...) "Mike! Mike! ano na naman to?" tanong ko Kay Mike at umiiyak na ako. "pwede Maureen, asikasohin mo ang obligasyon mo!! Kasalanan mo yan kung bakit ako nang babae, busy ka na sa kakatrabaho mo! Hindi mo na ako na aasikaso! natural ihahanap ko sa iba, may pangangailangan din ako Maureen!." Saad ni Mike na lalong nag painit sa ulo ko. "Ako?!! Ako ba talaga?! bakit? Noong Wala akong trabaho hindi bat nang babae kana, Hindi bat nagawa mo na akong lokohin dati pa, tapos Ngayon na nag tatrabaho ako Yan Ang irarasun mo sakin!! tapatin mo ko Mike!! mahal mo ba ako?!" buong tapang kong Sabi. "wag mo Akong tatanongin ng ganyan, baka dimo magustuhan Ang isasagot ko." Saad ni Mike. Pagkasabi niya, nanginig ako at mas lalong umiyak. Hindi ko alam, Hindi ko alam kung Anong isasagot ko Kay Mike, sa totoo lang, natatakot ako, natatakot ako na baka mas piliin Niya Ang babae Niya, na baka Iwan Niya kami. Nung di ako umimik nag lakad si Mike paalis sa aming kwarto, kaya dali dali akong sumunod sakanya at lumuhod. "please dito ka lang, ayoko mawalan ng ama Ang anak ko. Ayokong lumaki siyang walang ama. Dito ka lang. Wag mo Kong iwan." Sabi ko na nag mamakaawa. Tama!! Para sa anak ko kaya ganito nalang, para sa anak ko kaya ganito nalang ako mag makawa, gagawin ko Ang lahat buo lang ang pamilyang binuo ko. "ituri mo rin Akong babae mo sige!! pumapayag ako. Kaya Kong Gawin Ang mga ginagawa Nila, Sabihin mo lang Sakin. Gagawin ko. Kung gusto mo sasabayan kita manigarilyo habang nag iinom sige gagawin ko kahit diko ginagawa yon! gagawin ko para wag mo lang kami Iwan." Sabi ko pa. Nakakawalan ng respeto Ang ginagawa ko pero Wala akong pake alam. Ang mahalaga sakin buo Ang pamilya ko. "Maureen! naririnig mo ba yang sinasabi mo?!, nakikita mo ba Ang sarili mo?!" Saad ni Mike. Pero parang Wala Akong narinig, nanatili ako sa posisyon na naka luhod ako sa harap Niya habang umiiyak at nag mamaka awa. "tabi!! tumabi ka Diyan at dadaan ako!" Sabi ni Mike. Pero ganun parin, parang Wala akong narinig. Itinayo ako ni Mike mula sa pag kaka luhod ko na siyang kinagulat ko. Dahil Hindi ko aakalain na gagawin Niya yon. Tumitig Siya sa aking mga mata at sabay Sabing "maawa ka sa Sarili mo, Tignan mo Yang sarili mo." Oo, Mali na Ang ginagawa ko, Dina ako naawa sa Sarili ko, nilulunok ko nalang lahat ng pride ko. Lahat ng Yun ay tinitiis ko dahil mahal ko sya at mahal ko Ang anak ko, mahal ko Ang pamilyang binuo ko. Ayokong masira eto. Tumulo nalang Ang mga luha ko. Hanggang sa unti unti ng humahakbang papalayo si Mike. "Teka!!! Sandali!!" pigil ko Kay Mike. Huminto naman eto sa pag lalakad, kaya humarap ako sakanya dahil naka talikod na eto sakin. "sagotin mo ko!! Hanggang kailan? Hanggang kailan ako mag hihintay? Hanggang kailan ako mag titiis? Hanggang kailan mo ako gaganitohin? Sabihin mo sakin!! sabihin mo sakin kung Hanggang kailan para alam ko mag hintay.!!". Sabi ko na umiiyak parin. Pero, bigo ako. Di Niya ako sinagot sinagot sa mga tanong ko, Wala siyang ni Isang Sagot sa mga Sinabi ko, iniwan Niya Akong umiiyak at nag durusa. Nag iisip at nag tatanong kung hangang kailan sya mawawala kung kelan sya Ulit babalik. .....( end of flash back)... Sa pag alala sa nangyari samin ni Mike, diko alam na tumutulo na Pala luha ko, at diko din namalayan na katabi ko na Pala si Jeff. Inabot Niya sakin Ang panyo at sabay sabing, "baka isipin Nila na pinapa iyak kita." Ngumiti ako at sabay Sabing "pano Kasi babaero ka, talagang pag kakamalan Kang pinapaiyak ako." biro ko. Oo, Kilala sya dito na babaero, at nakikita ko din sya na ibat ibang babae Ang kasama Niya, pero diko alam kung mga babae nga Niya Yun o hindi. Wala pa Naman siyang nababangit o pinapakilala sakin na girlfriend niya. Oo, close na kami ni Jeff. Ganyan na kami ka close na kwento na nga Niya Ang Buhay Niya sakin. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit Ang panyong bigay ni Jeff. "Di ka okay Alam ko." Sabi niya. "Mamaya pag uwi natin sa ayaw at gusto mo sasama ka sakin." dugtong pa ni Jeff. "ha?! Saan Naman Tayo pupunta?." tanong ko. "Basta Wala ng maraming tanong." sagot Niya. "alam ko di ka okay, Kasi kanina pa kita kinakausap pero dika sumasagot, tapos Nakita kitang pumapatak na Ang mga luha mo." Sabi pa niya. Ganun ba ako ka wala sa sarili at diko rin naririnig na kinakausap na Pala Niya ako. "Basta Mamaya ha! hintayin mo ko pag Ikaw Ang unang matapos dito, at kung ako Naman Ma-una matapos, hihintayin kita." Sabi pa ni Jeff at umalis na eto. Ni di man lang Niya Binawi Ang panyong binigay niya. Sabagay marumi na, Pinang punas ko na kadi sa mga luha ko, babalik ko nalang sa ibang araw, lalabhan ko nalang Muna Bago ko ibalik. Sa ilang buwan ko na rito, Wala pang nakaka alam sa totoo Kong estado, At sa ilang buwan na din kaming malapit sa isat Isa ni Jeff at lagi nalang din Niya ako nakikita na umiiyak, ni Minsan di sya nag tanong Bakit ako umiiyak kung Anong dahilan. Oo nga Pala, tanging si Clara lang Ang nakaka alam sa totoo kung estado, na may anak Ako ay kinakasama. Bakit? Kasi bawal dito Ang may anak na, bakit? dahil Ang rasun ng may Ari baka daw araw Araw irarasun Ang anak kung bakit late or bakit di pumasok. Gusto nila na single lang para Walang maging problema. Diko pinaalam sa pamilya ko, Ang rule sa pinag tatrabahoan ko, okay Naman Kasi, okay din ako dito, Saka wala pa namang nagiging problema sa anak ko, At dahil sa trabaho Kong eto Hindi lang Ang anak ko Ang nasusuportahan ko, pati pamilya ako at magulang ko ay na susuportahan ko sa financial problem, Kaya tinago ko nalang din. Wala din Naman pinag sasabihan si Clara at sya din mismo nag Sabi sakin na wag ko ipag sasabi. Dumating na nga Ang pag sasara sa shop, at tulad ng napag usapan namin ni Jeff. Si Jeff Ang naunang natapos kaya hinintay Niya ako, at di nga lang hinintay, dahil sinamahan Niya din ako mag ligpit at mag Sara. "so? pano? Tara?!" Saad ni Jeff. "Saan ba Kasi Tayo pupunta?" tanong ko. "Sabi ko nga diba, wag na maraming tanong. At dika narin pwede tumanggi dahil sa ayaw at gusto mo sasama ka sakin." Sabi Niya. "oo na! oo na!! naka pag desisyon kana diba?" mataray kung Sabi. "tawagan ko lang magulang ko na ma lalate ako ng uwi para di Sila mag alala." dugtong ko pa. Tinawagan ko si mama pero lumayo ako ng konte Kay Jeff para di Niya marinig Ang pag uusapan namin ni mama. mahirap na, pinag kaka tiwalaan ko Naman si Jeff dahil malapit na kami sa ista isa, pero ewan ko ba, ayaw ko malaman Niya na my anak at kinakasama na ako, mahirap na Kasi baka madulas sya or may pag sabihan sya na iba ganun, edi nalintikan na. Kaya diko din sinabi Sakanya. "ma! baka ma lalate ako ng uwi, baka pwede pong paki bantayan Muna si Lance at baka Dyan na din ako matutulog" paki usap ko Kay mama sa kabilang linya. Pumayag Naman si mama. wala daw namang problema. Ewan diko din alam, naging okey kami ng pamilya ko simula Nung nag trabaho ako, diko alam kung Ano iisipin ko, Basta okay na ako Ngayon dahil okey na kami ng pamilya ko. Bumalik ako sa kinaroroonan ni Jeff. "ano?! Tara?! nakapag pa alam kana ba?" tanong agad sakin ni Jeff . Tumango lang ako bilang pag tugon sa tanong Niya. "Ano Sinabi mo? na kasama mo yung manliligaw mo? dapat sinabi mo na gwapo at mabait Ang manliligaw mo." Sabi pa ni Jeff. Naka tingen lang sakin si Jeff at naka ngiti ako Naman, naka tulala at naka tingen sakanya pero Yung isip ko Paulit ulit Ang sinasabi "manliligaw" "Ha?!" Sabi ko napa ha nalang ako sa sinabi niya. "wala Tara na!" tanging Sabi lang ni Jeff. Dahil sa lumilipad parin Ang isip ko, hinila na ako ni Jeff, at Saka nalang ako nagising sa ulirat, ng namalayan ko na nakasakay na kami sa jeep at hawak hawak niya Ang kamay ko. Doon ko din naalala na habang nag lalakad kami papuntang sakayan ng jeep ay naka holding hands Pala kami. Ewan ko, pero Ang lakas ng kabog puso ko, kelan ko naba huling naramdaman Ang ganito. Teka!! Nung kami ni Mike Wala akong naramdaman na ganito, bakit? bakit nung si Jeff Ang may hawak sa kamay ko ganito Ang nararamdaman ko, Ang lakas ng kabog ng puso ko, diko alam pero mukhang ganito Yung naramdaman ko sa naging 1st boyfriend ko, oo. pangalawa palang si Mike na naging boyfriend ko, nagka hawak kamay din kami ni Mike, pero kahit kailan diko naramdaman yong ganitong pakiramdam. Bakit. Anong meron? bakit ganito Ang nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD