Until the world to an end ( Chapter 14 - Fun Fair )

1648 Words
Until The World To An End Chapter 14 Nagulat ako. Nagulat ako sa lugar kung saan ako dinala ni Jeff. "Perya?!" Sabi ko. Oo perya sa Isang perya ako dinala ni Jeff perya kung saan maraming pwedeng sakyan, tulad ng Ferris whell, carousel, at Marami pang iba. Aminado ako yung tuwa ko walang paglagyan. Tuwang tuwa ako sa kalooban ko. Ang nararamdaman kung saya di mapigilang ma exite. Hinawakan ni Jeff Ang mag kabilang palad ko at sabay sabing "pikit mo ang mga mata mo." Dali dali ko din ipinikit ang mata ko ng walang pag alinlangan, sinunod ko ang gusto niya, ewan ko ba pero yun ang gusto ng puso ko na sundin ang bawat sasabihin ni Jeff. "pwede ba, kahit ngayon lang, kahit ngayong gabi lang, pwede bang kalimutan mo Muna lahat ng problema mo, kalimutan mo Muna lahat ng iniisip mo, kalimutan mo Muna kung ano yang bumabagabag sa damdamin mo. Pwede bang isipin mo muna Ang sarili mo ngayon. Gusto ko mag enjoy ka, gusto ko sulitin mo ang araw na'to, gusto ko na mag enjoy ka sa araw na to, Gawin mo kung Anong gusto mong paraan pano mag enjoy, mag enjoy ka lang, kung gusto mo bumalik sa pagiging Bata, go lang! walang pumipigil Sayo, walang humahadlang sa gusto mong Gawin. Free ka Ngayon Maureen. Iyong iyo Ang oras na to, Ang sandaling eto, Ang araw na to. Kaya, mag enjoy ka lang. Okey" mahaba-habang Sabi no Jeff. "Ngayon huminga ng malalim. inhale! exhale!. Tapos idilat mo na Ang mga mata mo." dugtong pa Neto. Dali dali ko ding sinunod Ang sinabi ni Jeff, nag inhale exhale ako, at dinalat ko Ang mata ko. Tulad ng Sabi Niya na mag enjoy ako. Yun Ang ginawa ko. Pag mulat ko ng mata ko, Yung ngiti ko. Super ngiting ngiti. Tumingin ako Kay Jeff at sabay sabing "Thank you!" at ngumiti dito. Hinila ko bigla Ang kamay Niya at exited Akong sumakay sa mga rides. Oo, eto Ang kauna-unahan Kong Maka sakay sa mga rides Dito, dahil dati tamang tingen lang ako dito, kahit noong dalaga pa ako ay never pa akong nakasakay sa mga sakayan Dito sa loob ng perya. Hinayaan ako ni Jeff sa gusto ko, at kung ano Ang mga sasakyan namin, inuna ko Ang carousel. Oo alam kung pang Bata lang Yun pero gusto ko sumakay doon. "seryoso? Diyan mo talaga gusto unang sumakay?" takang Saad ni Jeff sakin. Ngumiti ako dito at tumango-tango lang, at siya naman tinignan ang mga nakasakay, at saka siya nag tanong sa kahera kung pwede kaming sumakay. Tuwang tuwa pa ako na pumayag Sila na sumakay kami Kasi Hindi Naman pang Bata daw iyon masyado na Bata lang Ang pwede sumakay. Sumakay ako sa likod ng kabayo at sya ay nasa gilid lang na parang inaalalayan Niya ako, Ang naging sitwasyon ay, para Niya akong anak na inaalalayan at siya Ang aking magulang na aalalay sakin na baka mahulog ako. Nakaka tawang tagpo pero nakaka tuwa para sakin. Dahil Ang ngiti ko ay di mapag lagyan. Kung Saan Saan kami sumakay, sumakay din Kaminsa horror tren, at syempre, Ang ferris wheel. Nakasakay kami Ngayon ni Jeff sa ferris wheel. "Masaya Akong nakikita Kang Masaya." Sabi ni Jeff sakin. "Ang Ganda ng ngiti mo, kita ko na nagustuhan mo eto." dugtong pa ni Jeff. "thank you. Salamat dahil dinala mo ko dito." sabi ko. "Wala yun. Gusto ko mag enjoy ka. At kita ko nga na nag enjoy ka. Mas lalo Kang gumaganda pag naka ngiti." Sabi ni Jeff. Diko alam bat Niya sinabi yon, pero Yung puso ko. Bakit Ang lakas ng t***k Neto. Bakit pakiramdam ko sasabog Ang puso ko dahil sa tuwa na may kasamang kilig na diko maintindihan. Nahihimbang ba ako sa iniisip ko? Hindi mali to! Masaya lang ako dahil Ngayon ko lang ulit naramdaman na mag enjoy. Masaya lang ako dahil naka sakay ako sa dating tinitignan ko lang at inaasam na masakyan. Oo Yun nga yon! Masaya lang ako. Natutuwa lang ako sakanya dahil dinala Niya ako rito. Tama!! ganun lang yon. Hindi eto pag mamahal, Hindi eto pag mamahal, Hindi pag mamahal Ang nararamdaman ko. Makapalipas ang ilang oras, nag pasya kaming umuwi na ni Jeff. Total, nasakyan na namin ang bawat rides na narito sa pier. Hinatid ako ni Jeff, pero nag pahatid lang ako sa may Kanto lang na malapit sa bahay nila mama. Ewan ko, diko alam pero kahit panatag ang loob ko Kay Jeff diko masabi sakanya ang tunay kong estado, na mayroon akong Isang anak at kinakasama. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, para akong nag tataksil sa taong mahal ko, pero sa isip ko, paano ako naging nagtataksil Kay Jeff, Eh! wala Naman kami. Teka!! bakit si Jeff ang iniisip ko, Hindi bat Ang iniisip ko na para Kong pinag tataksilan ay si Mike dahil siya ang love in partner ko. Habang nag lalakad kami ni Jeff iniling iling ko Ang ulo ko dahil sa kung ano anong naiisip ko. "Bakit? may problema ba?" agad na tanong ni Jeff sakin. Seguro napansin niya ang pag iling ko. "wala! wala! nag iisip lang ako na idadahilan sa mama ko bat Ngayon lang ako naka uwi, Sabi ko Kasi kanina Nung nag paalam ako mabilis lang ako, na uuwi din ako kagad." sagot ko. Medyo Isa din eto sa inisip ko, na kung Ano Ang idadahilan ko Kay mama bat Ang tagal ko naka uwi. At kung saan ako galing. Diko Kasi pwede sabihin na nag perya ako na may kasamang ibang lalake. Hay naku naman Maureen!! Jusko ko lord! Bakit ngayon mo pa pinaranas sakin yong ganito kung kelan dina pwede!. "Gusto mo ba, ako na mag Sabi sa mama mo na inaya kita, ako na bahala kaka usap sa mama." bigla Sabi ni Jeff. Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi Niya. At hinarap Siya. Malapit Naman na Ang Bahay ni mama kaya okey na hangang dito Niya lang ako ihatid, at baka totohanin Niya ng balak Niya na siya mag sasabi Kay Mama. Naku! lagot ako Neto. "Ah! Jeff. salamat sa pag sama sa perya, salamat din sa pag hatid, pero dito na ako. Sige na! maglakad kana pabalik or sumakay kana pauwi sainyo. Okey na ako dito. Saka malapit Naman na Bahay namin dito." Sabi ko at pinag mamadali siyang maglakad, tinulak ko pa eto ng dahan dahan upang tumalikod at mag umpisang maglakad pabalik. "Teka! diba Sabi ko Sayo na sasamahan kita mag explain sa mama mo." sagot niya. "naku! wag na, kaya ko nato! may naisip na ako! sige na! sige na! alis na! bye!" Sabi ko na nag mamadali baka Kasi may makakita pa sakin Dito. Yari talaga ako. Nag medyo nakalayo ng konte sa pag lalakad si Jeff muli etong tumingin sakin at nag wave ako sakanya hudyat na nag papa alam. At nang muli etong bumalik sa pag lalakad, dali dali akong kumaripas ng takbo. Para di Niya Makita kung saan ako dereksyon mag tungo. Hay naku!! ano ba tong napasok ko. Wala naman to diba. Ang tanda tanda ko na Eh! bakit ngayon pa! hay!! ewan! Nang malapit na ako sa Bahay Nila mama Napansin ko na may bagong motor na naka parada sa harap ng Bahay. "May bisita sila. Sino?" Sabi ko sa aking isipan. Pag pasok ko, sa loob ng Bahay Nakita ko si Mike kalong kalong Niya si Lance ang anak namin. "mommy!!" sigaw ni Lance ng mapansin niya akong dumating. At lumapit eto sakin, at niyakap ako, binuhat ko sya at hinalikan sa noo. "hello my prince?! kumusta Ang Araw mo today? naging pasaway ka ba Kay Lolo at Lola?" tanong ko agad sa anak ko. "No mommy, behave Po ako Saka mabait Po ako, kaht tanong mo po Kay Lolo." sagot ng anak ko. "wow! very good Naman Ang my love ko. Dapay ganyan ha! behave lagi ha!" Sabi ko sa anak ko. "Bakit ngayon ka lang?" Sabi ni mama na Hindi ganitong oras Ang uwi mo, pero ngayon ganitong oras ka na naka uwi." bungad na sabi ni Mike sakin. "nag ka ayaan lang ng mga ka work mate ko kumain lang kami sa labas, medyo natagalan ng uwi Kasi alam mo na may kasamang kwentohan pa." Sabi ko. Malamang, diko sinabi Sakanya Ang totoo. "mommy! Mommy! alam mo ba may new motor si Daddy. Nasa labas Tignan mo dali! Ang astig!" Sabi ng anak ko at dali dali etong bumaba sa pag kaka Buhat ko at nag tungo sya sa labas, hila Hila Ang mga kamay ko. "look mommy oh! diba ang astig ng Bagong motor natin" Sabi ng anak ko na may tuwa sa pananalita. "So, Sayo Pala Yan?" Saad ko Kay Mike. "Oo bagong labas kanina." sagot ni mike at naka ngiti pa. "ilang buwan na naman Ang lilipas at i su-surrender mo na naman Kasi ano? nag sawa ka or Wala ka ng pang hulog. Ganon! pang ilang motor na ba Yan?!" Saad ko Kay Mike. "Ang kj mo! May work kana diba so Ang kikitain ko ipang huhulog ko diyan sa motor ko, kaya Ikaw na bahala sa gastosin sa Bahay." sagot ni Mike at pinisil Ang pisnge ko. Naireta ako sa ginawa niyang pag Pisil sa pisnge ko, kaya pagka talikod niya pinunasan ko ng maiigi Ang pisnge ko. Diko nga din alam sa sarili ko. Pag diko kasama si Mike Sinasabi ng puso ko na mahal ko Naman sya, pero sa tuwing mag kasama kami naeereta ako sakanya at bumabalik lahat ng ginawa Niya sakin na pag tataksil Niya at sa mga bisyo niya. Mahal ko Siya, pero diko alam kung mahal ko ba sya ng buong buo. Bakit ganito nalang bigla maramdaman ko, after Nung pag pasyal namin ni Jeff sa perya. Ano bang nangyayari sakin. . . . . . . . . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD