Until The World To An End
Chapter 15
Makapalipas ang ilang araw, linggo at buwan. Mas lumalim pa ang samahan namin ni Jeff. Mas higit pa sa pagkaka ibigan ang samahan naming dalawa, at napapansin iyon ng mga kasamahan namin sa trabaho, at di kami nakaligtas sa tuksohan. Tulad na nga nung nangyari Isang araw.
"alam neyo bagay na bagay kayong dalawa." Sabi ni Danica, Isa sa Kasamahan namin sa trabaho na medyo naging kaibagan ko na din.
Andito Kasi kami Ngayon sa may plaza malapit sa pinag tatrabahoan namin, nag Sara kami ng maaga dahil holiday Ang araw na to, kaya napag pasyahan namin na mag libot libot muna sa may plaza para Maka langhap din ng sariwang hangin. At andito kami Ngayon sa may food court at kumakain.
"oo nga. Bagay kayong dalawa." pag sasang ayon din ni Clara.
"Alam mo Jeff super Crush kita." biglang singit na Sabi Naman ni Valerie na kinikilig kilig pa eto. "pero mag papa ubaya ako kung kayo Ang mag kakatuluyan ni Maureen." dagdag pa Neto.
Nang bigla ako at napa ubo sa sinabi neto. At si Jeff Naman ay ngumiti eto, na parang nagustuhan Ang sinabi ni Valerie. At pati mga kasamahan namin ay natawa din sa sinabi ni Valerie.
"pwede ba tigil tigilan neyo kaming dalawa ni Jeff. Saka may gf yong tao wag kayong ganyan." saway ko.
"Ha?! at Sinong may Sabi Sayo na may gf si Jeff?!" Sabat Naman ni Allan. Isa sa malapit na kaibigan ni Jeff na Kasamahan din namin sa work.
"Ako Bakit ha?!" mataray na sagot mo.
"suuss! haka haka mo lang Naman Yan eh! Wala Naman talagang Gf si Jeff. Binata pa yan, single at ready to mingle." Sabi ni Alan at tumawa eto.
"Gusto ko yang Sinabi mo." sagot din ni Danica.
"Baka naman pwede kayo. Single ka, single din si Jeff. Binata si Jeff, walang asawat at anak. Ganun ka din." saad ni Danica. Sa pagkasabi Neto sa WALANG ASAWA AT ANAK PAREHO KAMI NI JEFF ay bigla akong napa tingen Kay Clara, at nagka tingininan kaming dalawa. Dahil ako at si Clara lang Ang nakaka alam sa Totoong estado ko.
"So pwede Naman Diba. Saka age doesn't matter Naman eh! Saka Hindi Naman halata na 28 kana, Mukha Kang 19 Palang. Mas Bata ka pa Tignan kesa Kay Valerie eh!" dugtong pa na Sabi ni Danica. Oo alam nila Ang totoo kung edad, pero Ang totoo kung estado na may anak at kinakasama ay hindi. Hindi nila alam yon.
"Mukha pa kayong gutom!? Pero, Ang dami neyo namang nakain. Mukhang busog na nga kayo at ako ang ginagawa neyong pang himagas." sabat ko na. Pero mukhang ayaw akong tantanan. Kaya ang ginawa ko tumayo nalang ako at nag umpisang mag lakad. Pero nag tawanan Ang mga kasamahan ko, pinipikon talaga ako.
Pag ka lakad ko, bigla namang nag si datingan sa tabi ko Ang mga kasamahan ko.
"Di ka naman mabiro, ang pikon mo. Sarap mong inisin." sambit ni Danica.
"ewan ko sainyo!" sagot ko Naman at lumapit ako kay Clara Saka ko hinawakan Ang kamay niya. Napa iling iling nalang si Clara at ngumiti ngiti eto.
Makalipas Ang ilang minuto, nag pasyahan naming mag si uwian na. Hangang sa nag paalamna na nga kami sa ista Isa at hangang sa Kaming dalawa nalang ni Clara Ang natira. Umuwi na din si Jeff gusto Niya ako ihatid ulit pero tumanggi ako.
"may balak ka bang Sabihin" tanong sakin ni Clara.
"ewan ko. Diko alam. Naguguluhan ako." sagot ko.
sinadya naming dalawa na mag pahuli para makapag usap, kaya naman talagang kinumbinsi namin ang mga Kasamahan namin na Mauna na silang umuwi para makapag usap kami ni Clara.
"Saan ka naman naguguluhan?" Tanong ni Clara.
"Sa lahat." sagot ko.
"naguguluhan ako sa lahat." dugtong ko pa.
"naguguluhan ako sa sitwasyon ko, gusto Kong sabihin na ayaw ko. Natatakot Akong aminin, baka mawala lahat nang to. Mawala Ang nabuo nating samahan, mawalan ako ng trabaho, baka mawala sakin si Jeff." mahaba ko pang Sabi.
"bakit Naman nasama si Jeff dito?" Saad ni Clara.
"Isa pa Yan na naguguluhan ako. Lahat ng pinaparamdam sakin ni Jeff, sa totoo lang ngayon ko lang naramdaman eto, kung ituri Niya akong para akong prinsesa, pinapahalagahan at iniingatan Niya ako. Lahat ng pinapakita Niya sakin, ni ni Minsan at ni Isa doon walang nagawa si Mike." Sabi ko.
"Kinukompara mo si Jeff at si Mike ganun?"
"hindi Naman sa ganun Clara. Ewan! diko din alam. Diko maintindihan kung Ano ba tong nararamdaman ko para Kay Jeff." pag aamin ko Kay Clara.
"Alam mo Naman diba, Hindi pwede. Maling Mali." Saad ko pa.
"walang Mali sa pag mamahal. nag mahal ka lang, pero sa maling panahon. Nasa Sayo Ang desisyon, kung paninindigan mo ba Ang nararamdaman mo or babalewalain mo ba." pag papa liwanag ni Clara sa akin.
"isipin mo din sarili mo. Pero Bago ka pumasok, ayusin mo Muna Ang relasyon neyo ni mike. Paulit ulit ka ng sinasaktan ni Mike, sa tingen mo ba pag mamahal parin ba yan?. or nasasayangan ka nalang sa ilang taon neyong pag sasama ni mike at dahil sa may anak na din kayo. Or baka Naman naawa ka nalang Kay Mike. Or baka din Naman may pumipigil Sayo." dugtong pa na Sabi ni Clara.
"Ewan ko. Diko alam." sagot ko.
"Hay my friend. alam ko na kasalanan ko dahil, sinabihan kita na ilihim mo Ang estado mo para Maka pasok, gusto ko lang Naman tumulong eh! diko Naman akalain na aabot sa ganito. Anyway, Pag uwi mo hinga ka ng malalim, maliban sa anak mo at pinag samahan neyo ni mike ng ilang taon, isipin mo Yung mga Araw na masaya pa kayo ni mike, mag balik tanaw ka sa dating kayo ni mike. at kung may kilig kapang mararamdaman habang inaalala mo Ang nakaraan neyo ni mike, ibig sabihin nun, mahal mo pa siya, may puwang pa sya sa puso mo. Then kung ganun na nga, well edi ipag laban mo, umiwas ka nalang Kay Jeff at sabihin muna sakanya Ang totoo, Bago pa lumala Ang nararamdaman Sayo Nung tao. mukhang gusto Ka din Naman Niya Eh." mahaba habang paliwag ni Clara.
Tama nga naman sya eh! Tama lahat sinabi Niya.At Yung advise Niya, gagawin ko. Mag lo-look past forward ako sa nakaraan namin ni mike. Ako lang makaka alam sa sagot sa Tanong ko. At Ako lang din Ang makakapag Sabi sa tunay Kong nararamdaman.
Pagkatapos ng heart to heart talk namin ni Clara, saka kami nag pasyang umuwi na din. Nag paalam na kami ni Clara sa isat Isa.
Pag uwi ko sa Bahay, nadatnan ko si Mike na nasa harapan ng pinto ng bahay.
"Andito ka Pala." walang gana kung Sabi.
"bat parang di ka na Masaya na andito ako." sagot ni Mike.
"Nasanay na rin na laging Kang Wala." sagot ko.
Papasok na sana ako sa loob ng bigla Niya akong hinarangan ni Mike.
"may pera ka ba Dyan?" tanong ni Mike.
"aanhin mo na naman Ang Pera? diba Dina kita hinihingian sa mga gastosin sa Bahay, ako na nga lahat ng proprovide. Tapos mawawalan ka pa ng Pera. Anong pinag gagawa mo?!" reklamo ko.
"Ang yabang mo Naman, porket may trabaho kana Ang yabang mo na ahh! baka nakakalimutan mo na Nung Wala Ka pang trabaho, ako lahat! Ako laha nag proprovide." sagot naman ni Mike.
"nag proprovide??! talaga Mike? 500 weekly, Minsan pa nga 200 weekly binibigay mo. Kung di ako mag tatalak di ka mag bibigay, tapos isusumbat mo sakin Yan." sagot ko.
Pwenersa kung pumasok sa loob mula sa pagkakaharang sakin ni mike papasok, Kasi ayokong marinig ng mga kapit Bahay namin Ang pag tatalo namin. Dumeretso ako sa aming kwarto at nadatnan ko doon ang magulomg gamit namin.
Nang mapansin kung sumunod sakin si Mike, binalingan ko to ng tingen at hinarap.
"Aysosn mi mga gamit dito!" pagalit na Sabi ko.
"aayosin ko Yan, pero kung may Pera ka Dyan bigay mo sakin, ibabalik ko Naman Sayo Eh! kailangan ko lang. " sagot ni Mike.
Tinignan ko sya ng masama, Saka ko sya tinalukuran. Nilapag ko Ang bag ko at nag umpisang aysoin Ang gamit sa kwarto na ginulo ni Mike .
Sa pag aayos ko, nakalimutan ko na nasa bag ko Pala na nilapag ko Yung Pera, kaya namma binalikan ko kung San ko nilapag pero Wala na doon, kaya dali dali akong lumabas sa kwarto at nag tungo sa Sala, at Nakita ko na Doon Ang bag ko at naka Kalat sa sahig Ang mga laman ng bag ko. Wala na din Doon Ang Pera ko, narinig ko nalang na Ang motor ni mike na paalis.
Napa upo ako sa sahig at Isa Isa kung pinuloy Ang gamit ko at Isa Isa binalik sa bag ko. Pinipigilan ko Ang pag patam ng mga luha ko. Ayokong umiyak. Pero, biglang kusang pumatak Ang mga luha ko ng mabasa ko Ang Isang txt message mula sa phone ni Mike. Oo, naiwan ni mike Ang phone Niya dahil narin seguro sa pag mamadali niya. Naiwan Niya eto sa may lamesa sa Sala, kaya Nung tumonog Ang phone Neto hudyat na may mensahe, dali dali ko etong binuksan, at Isang txt message Ang nabasa ko.
from: Lanie
>asan kana naka Hiram kaba sa kaibigan mo ng Pera, kailangan na natin bayaran Yung nahiram natin na natalo sa sugal.pag eto di nabayaran, sinasabi ko Sayo mike iiwan kita, bahala ka. Pasarap ka lang sa Buhay<
Yan Ang mga nabasa ko sa txt message ni Mike. Hanggang ngayon, nangba babae parin si Mike, at nanunugal pa.
Iyak ako ng iyak habang hawak hawak Ang phone ni Mike, at sa pag iiyak ko biglang Dumating si Mike. Nakita Niya akong naka upo sa sahig na umiiyak at hawak Ang phone niya.
"eto ba?!" tanging Sabi ko nalang.
"Bat ka nangingialam ng gamit ng dino gamit." Sabi Niya kaya mas Lalo akong nainis kaya, sinagot ko to.
"bakit Ikaw? bakit mo kinukuha Ang Perang di naman Sayo?!" Sabi ko na pasigaw. Hindi ko na kaya, kaya nilabas ko na Ang Galit ko.
Nilapag ko Ang phone Niya sa sahig at tumayo ako. Tinignan ko sya ng masama.
"pagod na pagod na ako Mike. Hindi ko na kaya mga pinag gagawa mo sakin, niloloko mo na nga ako, nanunugal ka pa. Ang kapal pa ng Mukha mo na sakin mo pa talaga kukunin Ang pang bayad mo sa utang neyo ng babae mo." Sabi ko.
"Hindi ko babawiin yang perng kinuha mo sa bag ko, pero seguradohin ko na Yan na Ang huli. Dahil ayaw ko na!" dugtong ko pa.
"Anong gusto mong iparating?" sagot ni mike.
"Ayoko na Mike. Mas mabuti seguro na taposin nalang natin to." matapang na sagot ko.
Tignan ako ng masama ni Mike.
"bakit kaya mo?" Sabi Niya.
"kaya ko!! Malaki na si Lance, at makasundo na kami ng pamilya ko!" sagot ko.
May sasabihin pa sana si Mike, pero biglang tumunog Ang phone Neto hudyat na may tumatawag, pareho kaming napatingen sa phone Niya at Nakita sa screan na Ang tumatawag ay nag ngangalanh Lanie.
"Ayan!! tumatawag na Sayo Ang babae mo, puntahan mo na dahil iiwan ka daw Niya pag dineyo nabayaran yang nahiram neyo.!" Sabi ko.
Akmang mag sasalita pa sana si Mike, tinalukuran ko sya, kinuha ko Ang bag ko at nag tungo sa kwarto, dali dali kung kinuha ang phone mo at lumabas, pagka labas ko nasa harapan ng pintuhan si Mike at may kausap sa phone. Nagkatingenan pa kami, nang Makita Niya ako na dala ko ang bag ko, binabaan Niya ng phone Ang kausap Niya, at humarap sakin sabay tanong kung saan ako pupunta.
"wala Kang pakealam kung saan ako pupunta, dahil kung Ikaw Naman yung umaalis diba, hindi mo mo din ako Sinasagot kung San ka pupunta." Sabi ko.
Nang may sasabihin pa sana eto, bigla na namang tumunog ang phone Niya. Kaya Nung sagotin Niya eto dali dali akong tumakbo.....