Until The World To An End
Chapter 16
. . . . . . . . . .
Nag lalakad ako sa Daan habang umiiyak, diko alam kung saan ako pupunta, Basta malayo sa Bahay namin, malayo Kay Mike. Gusto kong lumayo, gusto kung mapag Isa, gusto Kung mag wala, gusto kung ilabas yung galit ko, Yung inis ko, Yung sama ng loob ko. Ang Sakit Sakit, sobrang Sakit, diko na alam kung makakaya ko pa. Nakaka pagod na.
Sa sobrang lalim ng inisiip ko, diko na alam kung nasaang Lugar ako, bigla nalang akong napahinto sa pag lalakad. Napag tanto ko na malayo na Pala ako sa Amin, tulad ng gusto ko, nakalayo na nga ako sa Amin, Kay Mike.
Diko alam kung saang Lugar to, pero nasa Isang tulay ako. Alam ko hindi eto dinadaan ng maraming tao o nang sasakyan, umupo ako sa may gilid ng kalsada. Napatingen ako sa langit, maraming bituin, habang naka tingen ako sa mga bituin, unti unti na namang pumapatak Ang aking mga luha. At sa bawat patak ng luha ko, Ang ala-ala ng kahapon Ang aking naiisip, na kung gaano ako nag Paka Tanga Kay Mike, kung gaano ako nag titiis. Pinikit ko Ang aking mga mata at nag simulang isipin Ang masasayang ala-ala namin ni Mike, kung saan kami nag simula.
(....flashback...)
.
.
......... "huy! mars! asan ka na ba?" nagagalit na Sabi ni Mary mula sa kabilang linya, kausap ko sya sa phone.
"Teka lang, heto na malapit na! atat ka naman eh!" sagot ko.
Nag lalakad ako papuntang Simbahan, oo papunta ako Ngayon sa simbahan Kasi Isa ako sa kinuhang ninang sa anak ng kaibigan kung si Mary.
"ay! ano akala mo titigil Ang ceremony dahil Wala ka?!" pag rereklamo ni Mary.
"heto!! malapit na!" Sabi ko.
At ilang minuto pang nakalipas ay naka rating din ako sa simbahan, dipa tapos ang ceremony pero Mukhang nasa kalagitnaan na eto.
"sorry late ako." tanging bulaslas ko nalang Kay Mary at ngumiti dito.
"sige na! atles nakarating ka kaht papano" sagot ni Mary.
ilang saglit din ay natapos din Ang ceremony. After ceremony, ay nag tungo Kami sa reception. Iilan lang kaming bisita nya at halos diko Kilala Ang iba pa niyang bisita.
"huiy! Mary!" tawag ko Kay Mary ng matapos na ang kainan at nasa loob na ako ng Bahay nila.
"oh!! bakit?" Saad ni Mary.
"bakit tila Wala akong kakilala sa mga bisita mo." Sabi ko.
"wala talaga , Kasi lahat ng bisita ay bisita ng Asawa ko mga kaibagan Niya kamag anak niya ganun." sagot ni Mary.
"Buti talaga at naka punta ka, kung hindi, Nakuu!! wala talaga akung bisita." dongtong pa na Sabi ni Mary.
Buong araw ako sa Bahay nila Mary, Hanggang sa sumapit Ang Gabi, may dumating siyang mga bisita Niya .
"oh! akala ko ba wala Kang bisita? eh! sino Sila?" Saad ko ng makita ko Ang mga bisita neto na nagsi datingan, Hindi rin Niya Kasi ako pinauwi kaya buong araw ako sa bahay nila, Ang katwiran Niya ay Wala etong makaka usap at makaka kwentohan kaya kung maari ay manatili ako sa Bahay nila.
"alam ko Kasi na pag sinabi ko Sayo na may darating Akong bisita Ngayong Gabi, ipag pipilitan mo Ang umuwi, alam ko din Kasi na dika iinom sa mga taong dimo kakilala." paliwanag ni Mary.
Kilala Niya talaga ako, oo Tama nga sya pag alam ko Naman na may bisita syang darating di talaga ako mag e stay sa Bahay Nila at dirin ako makiki halubilo sa mga bisita Niya Lalo nat Hindi ko mga kakilala.
Isa Isa Niya Anong Pina Kilala sa mga bisita Niya,
"Maureen, si Mike, si Ivan, at si Cris. mga kaibagan ko." pakilala ni Mary sa mga bisita Niya.
May mga Kasama din Ang mga to na dalawang lalake at tatlong babae pa, pero hindi na pinakilala sakin ni Mary, Mukha Hindi din Kilala ni Mary Ang mag e'to.
...... sa kalaunan ng kasiyahan, nagkakikala kami ni Mike, at sa lumipas na araw ay niligawan ako neto. Hindi rin nag tagal sinagot ko din si Mike, after nun, mga two weeks Palang ang relasyon namin ay nahuli ko syang may ibang babae.
Tinanong ko si Mike About dito, pero sinabi Niya na gf daw Yun ng pinsan Niya at Hindi sya, friendly lang daw sya kaya sya daw Ang nag hatid dito. Oo napakalaki Kong Tanga, Sabi ng isip ko na wag Akong maniwala Kasi Hindi lang isang beses nangyari Yun, dahil ng Minsan hiniram ko Ang phone Niya, nabasa ko lahat ng ka txt niya, at pati ng babae Niya. At oo, nanatili parin ako sakanya. Hindi sa Tanga ako or ano, Wala Kasi akong kakampi nun sa Amin, dahil si Mike sa tuwing may problema ako Sakanya Ako tumatakbo at nag kukwento, kaya diko sya magawang Iwan. at oo Nung una, na dis appoint na ako sa lagi ko syang nahuhuli, pero ewan ko din ba sa Sarili ko at patuloy ko paring binalewala iyon.
Hangang sa dumating Ang araw, umabot sa 5 months Ang relasyon namin ni Mike, kahit alam ko sa sarili ko na babaero Siya, pero hindi ko din alam sa sarili ko, dumating Yung araw na binigay ko Ang sarili ko Kay Mike sa unang pagkakataon.
Binigay ko Ang sarili ko sakanya, dahil Yung araw na Yun ay galit ako, galit ako sa pamilya ko, dahil Nung nag Sabi ako na gusto ko bumalik sa pag aaral pero di ako pinakingan, bagkus. Tinawanan ako at minaliit. Kaya sa sobrang inis ko, sinamantala iyon ni Mike at binigay ko na din ng kusa, dahil Isa sa rasun ko baka pag binigay ko mag babago si Mike, baka pag binigay ko mamahalin Niya ako, at pag binigay ko Hindi na sya mag hahanap ng iba.
Pero, nag Kamali ako. Dahil patuloy parin eto sa pang babae niya. Binigay ko na Ang lahat sakanya, dahil my work naman ako kahit dalaga ako, Ang kinikita ko ay hinahati ko sakanya. Sa tuwing may okasyon sakanila ako Ang may gastos, kht sa reunion nilang mag kakamag anak Ako Ang bumili ng regalo Niya para sa nabunot niyang munito, at ganun din Ang nangyari Nung Minsan may Christmas party Sila ng ka team mates Niya sa basketball, kahit isusuot Niya ako parin Ang bumili.
Pero Nung dumating Yung araw ng kaarawan ko, nag expect ako na baka this time ay sya naman Ang may regalo sakin, pero na dis appoint ako, dahil kahit plastic wala siyang dala. Na saktan ako. Pero diko na inisip Yun, Kasi Malaki Ang mawawala sakin pag sya Ang nawala sakin. kaya tiniis ko nalang at inintidi nalang Yun.
Pero Maka lipas Ang ilang araw, sa mga tropa pa niya talaga malalaman ko na pinag gastosan Niya Ang Isang babae na sinasabi niyang kaibigan lang Niya, at neregaluhan daw Niya eto ng kwentas,.
Oo, bobo ako, oo Tanga ako dahil pinatawad ko sya sa point na Yun, Kasi nga Sabi Niya "tandaan mo, Wala ka ng kakampi kundi ako lang"
Hindi ko sya nagawang Iwan, at ng mameet ko Ang kaibagan niyang babae, Nakita ko Yung Damit Niya ay kapareha sa damit ni Mike, na Ang Sabi ni mike ay bigay lang sakanya Yun. Pero bakit kapareha ng naka ttaak ng name sa damit na bigay Sakanya at sa damit ng babaeng sinasabi niyang kaibagan lang niya. "miklyn" Yan Ang pangalan na naka tatak na name sa damit.
Kumabog Ang dibdib ko at hindi ako mapakali, ramdam ko na parang may Mali. Kaya Ang ginawa ko, tyenimpohan kung Walang mike o barkada Niya Ang naka masid samin ni Jackielyn, Oo Jackielyn Ang pangalan Neto, Maganda mahaba Ang buhok at Maputi, maganda sya sa paningen ko, para siyang si Barbei forteza ganun sya kaganda.
"hi! Jackielyn right?" Sabi ko. Nung Ako at sya nalang sa may kusina sa Bahay Nila Mike nun. At ang pag haharap namin ni Jackielyn ay nagkataon lang, Kasi sinurpresa ko si Mike, di Ako Nag Sabi na pupunta Ako sa kanila at Hindi ko alam na my ganap Pala sa Bahay Nila. Wala namang okasyon salo salo lang at inom inom Ganon.
"yes! jackie nalang." sagot niya.
"sorry haa! Hindi ko alam na my gf na si Mike, kung alam ko lang diko na sinuot tong couple shirt namin" Sabi ni Jackielyn.
Tama nga Ang kutob ko. may namagitan sakanila. Hindi lang sya basta kaibagan. Hindi ako nag pahalata na Wala akong alam, nag pangap ako na kunwari may alam Ako.
"ahh! so Ikaw Pala Yung ex Niya, Sorry ha! di Kasi pala kwento si Mike, pero may na bangit nga sya sakin about sa ex Niya, Ikaw seguro Yun." Sabi ko. Pero sa totoo lang durog na durog na ako.
"we broke up 2 months ago. then 5 months lang kami nag tagal. Ako Naman Yung may kasalanan Kasi nag hanap ako ng iba, pero Ang swerte mo Kay Mike, mabait si Mike, maalalahanin at mapag mahal, gusto ko sna ayusin samin ni Mike, kaya Nung ininvite Niya ako Dito akala ko may pag asa, Yun Pala huli na ang lahat dahil my gf na Pala sya." pag kukwento ni Jackielyn.
Doon ko napag tanto na Yung nasa name sa shirt ay sya at si Jackielyn, kaya Pala "miklyn" for Mike at Jackielyn. 5 months na naging Sila, at 2 months na hiwalay sila, At 7 months kami Ngayon ni Mike.
Sa mga napag tanto ko at nalaman ko, nanikip Ang dibdib ko pero Ang puso ko ayaw maniwala. Pinipigilan ko Ang pagpatak ng luha ko. Kaya nag paalam ako na mag punta ako ng banyo.
Doon, doon ko iniyak lahat na kanina lang gustong kumawala, at nagtatanong ng bakit.
ilang minuto Ang lumipas, nag ayos ako ng Sarili ko at nag pasyang lumabas na sa banyo at napag pasyahan ko din na umuwi Muna dahil ayoko ng may Malaman pa. Pag labas ko sa banyo Nakita ko si Mike na balisa at nag hihintay Pala sakin.
"uuwi Muna ako." tanging Sabi ko lang.
"ayos kalang ba?" Tanong Niya.
Tumingin ako Sakanya at lakas loob na Sinabing "hindi" at doon, pumatak na Naman Ang aking mga luha.
"Anong napag usapan neyo ni Jackielyn." deretsya nyang Tanong.
"kelan pa?!" sagot ko agad. "paano?" dugtong ko pa.
"nung niligawan kita, nililigawan ko din sya nun, Ang tagal ko syang niligawan, hangang sa sinagot Niya ako, at Yun din Yung araw na sinagot mo ko." explain ni Mike.
Napaka Tanga ko. Ang bobo ko. Sabi na nga ng isip ko na wag ko siyang mahalin wag mo ibigay. Pano na to? naibigay ko na.
"may nangyari na ba sainyo?" Hindi ko alam kung bat ganun Ang tanong ko ewan ko basta gusto ko malaman kung meron o wala.
"meron, Nung kami pa. Nung mag mangyari satin Yun din Ang araw na naghiwalay kami ni Jackielyn." Saad ni Mike.
Nalugmo ako sa nalaman ko. Hindi ko alam kung ako ba Yung third party o sya, pero Isa lang ang segurado ako, habang Sila ni Jackielyn, at habang kami din, si Jackielyn Ang mahal Niya at Hindi ako. Wala akong nagawa kundi Ang umiyak ng umiyak nalang at nag pasyang umuwi nalang.
Hangang sa isang Araw, nalaman ko na buntis Pala ako. At naniwala na Naman ako na mag babago si Mike pag nagkaroon kami ng anak.
.....end of flash back...
Sana Pala, sana Pala sa araw na Yun pinalaya ko na Ang sarili ko, sana hindi nalang ako naniwala sa sarili ko na mag babago sya, sana Hindi ako naging bobo at Tanga. Tama seguro Ang sinasabi sakin ng pamilya ko na bobo ako. na Tanga ako.
Tumutulo Ang luha ko habang patuloy parin naka tingen sa langit, Hanggang sa tumunog Ang cellphone ko, kinuha ko eto sa bag ko at tinignan kung sino Ang tumatawag, at nakita ko sa screen ng Cellphone ko na si Jeff Ang tumatawag. Sinagot ko eto.
"Jeff."sambit ko." sambit ko.
"Hindi ka okey, asan ka pupuntahan kita." Sabi ni Jeff.