Hindi tatagal si Cave na kaharap ang babaeng niloloko nya kaya tumalikod na rin sya para bumalik sa taas. "Cave! Hindi mo manlang ba ako kakausapin? Ano to! May nagawa ba akong mali para iwasan mo ako?" timpi ang pag-iyak na tanong ni Lara. Buntung-hininga na napatayo na lamang si Cave. Pilit umiiwas ng tingin. "Anong ginagawa mo Cave. Sinasaktan mo na si Lara!" galit sa sarili na sigaw ng kanyang utak. "Magsalita ka naman oh. Please? Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ka sakin. Ilang araw mo akong binalewala. Ano ba talaga ang rason?" muling untag sa kanya ni Lara. Ngunit nanatiling tahimik ang binata. Paano nya sasabihing wala syang time para kay Lara. Dahil ang oras nya ay ibinubuhos nya sa cellphone kausap si Sione at paglabas labas kasama ito. Na-realize nya na mas enjoy kas

